CHARLES POV Ako na siguro, ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Dahil muling tinanggap ni Abby, ang alok kong magpakasal. Plano ko nang pakasalan si Abby. Kahit civil wedding muna. Ang importante ay maikasal kaming dalawa, at wala nang maging hadlang sa relasyon naming dalawa. Pagkaalis ni Nathan, ang kasal naman namin ni Abby ang aayusin ko. At ngayon ang araw ng pag-alis ni Nathan. Sobrang awa, ang nararamdaman ko para sa aking kaibigan. Dahil alam ko, kung gaano niya kamahal si Lorraine. Ngunit ngayo'y mapipilitan siyang lumayo. Upang ayusin ang kaniyang buhay. Dumating na nga ang araw, na sila ay magkakalayo. At para namang umaayon pa sa sitwasyon ang kantang aawitin ni Joyce sa videoke. Ang awiting "Don't want you to go ni Lani Hall. Here I am Alone and I don't understand Exactly

