CHARLES' POV Hindi ko sinayang ang pagkakataon na muling mapalapit kay Abby. Nang dahil sa nangyari sa anak nina Nathan at Lorraine ay nagkaroon muli ako nang pagkakataon na makausap si Abby at hindi ko sasayangin ang huling chance na binigay niya sa akin. Dumating na rin ang kaibigan kong si Nathan. Pagkatapos ng anim na taon niyang pagkawala dito sa Pilipinas ay nakasama namin siyang muli. Binawi na rin niya si Lorraine mula kay Francis. Pati na rin ang mga ari-arian nilang kinamkam ni Francis. Kasalukuyang andito ako ngayon sa flowershop upang bumili ng bulaklak para kay Abby. Nang may makasabay akong isang pamilyar na lalaki. "Sa dinami-rami nga naman nang makikita ko rito. Ikaw pa talaga!" singhal sa akin ni Bryan. Ngumisi ako kasabay nang pagtagis ng aking panga. "Ipikit mo na l

