CHARLES' POV Pagkatapos kong malaman na ang ina ko ang nagpadala ng cake kay Abby ay hindi ako nagdalawang isip na sugurin siya. "Señorito Charles," bati sa akin ng aming kasambahay. "Nasaan si mommy?!" galit kong tanong. "Bakit mo po hinahanap ang mommy n'yo?" natatarantang tanong ni Manang Lydia. Halatang-halata sa katulong namin ang takot sa akin nang magtanong ako. Dahil nanlilisik ang mga mata ko sa galit. "Manang, sagutin mo na lang ang tinatanong ko. Dahil kailangan kong makausap ang mommy ko!" bulyaw ko na narinig ng napakabait kong ina. "Anak, mabuti naman at dinalaw mo ako. Siyanga pala, natanggap ba ng mag-ina mo 'yong cake na iniregalo ko sa kanila bi—" Hindi na naituloy ng aking ina ang kaniyang sasabihin ng bigla akong sumigaw. "So, totoo nga?!" "Oo, anak, pinada

