ABBY'S POV Kanina nang makita ko si Cathy ay nakaramdam ako ng galit sa aking dibdib. Dahil bumalik lahat sa aking isip ang eksenang nakita ko noon, bago umalis si Charles. Ngunit mas kampante ako ngayon na hindi na ako muling iiwan ni Charles. Dahil alam niyang ipinagbubuntis ko ang pangalawa naming anak at bunga ito ng aming pagmamahalan. Pagkatapos na pagkatapos nang seremonya ng kasal ng aking mga magulang ay nagpunta muna kami ni Charles sa Nawawalang Paraiso upang magkasarilinan. Siyempre naging pilyo na naman si Charles, dahil kahit sa pool ay ginamit niya ako. Sa isang linggo naman ay ang araw na napili namin ni Charles na magpakasal. Minadali talaga ni Charles ang pag-aasikaso upang maikasal agad kami. Para wala na raw magiging hadlang sa aming pagsasama. Ngayon ay kasalukuyan

