CHARLES POV AFTER ONE MONTH Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay ang araw nang kasal ng mga magulang ni Abby. Kasalukuyang andito kami sa simbahan at hinihintay ang ina ni Abby. Ako ang ginawang bestman ng ama ni Abby. Samantalang si Abby ang made of honor ng kaniyang ina. Siyempre ang napakabibo kong anak ang siyang ring bearer. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang ina ni Abby. Kaya naman nagpwesto na kaming lahat kung saan kami dapat. Nauna kaming pumasok sa loob ng simbahan ng ama ni Abby. Habang naglakakad kami patungo sa may altar ay ini-imagine ko na kaming dalawa ni Abby ang ikakasal. Nang makarating kami malapit sa altar ay nagsalita ang ama ni Abby. "Charles, anak, sana bago kayo ikasal ni Abby ay makausap ko sana ang 'yong ina. Upang tuldukan na rin ang alitan sa mga

