ABBY'S POV Pagkatapos kong marinig lahat ang sinabi ni Charles, parang ako pa ang naging masama dahil hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Naguguluhan ako sa aking nararamdaman. Nagtatalo ang aking isip at puso. "Huwag mong sabihin na magpapabola ka sa mga paliwanag ng Charles na 'yon?" sabi ng aking isip. "Abby, walang masamang makinig sa kanya. At tandaan mo, bago ka mag-umpisa sa bagong kabanata ng buhay mo. Kailangan mo munang tuldukan ang nakaraan. Pero paano mo gagawin 'yon? Kung ayaw mo siyang kausapin at pakinggan," bulong ng aking isip. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Kanina lang nang makita ko siya, pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga titig niya. Ngunit kita ko sa mga mata niya ang galit. Napailing ako. "Bakit bumalik ka pa?" tanong ko sa aking sa

