ABBY'S POV Pagkatapos nang nangyari kagabi, ay buong magdamag akong hindi nakatulog. Dahil hindi ko lubos maisip na pagkatapos kong magalit kay Charles ay ganoon lang kadali sa kanya na muli niya akong makuha. Mabuti na lamang talaga at nagising ang aking anak. Kaya hindi natuloy ang dapat na hindi mangyari sa amin. Kasalukuyang naghahanda ako ng almusal naming mag-ina nang biglang may magsalita sa aking likuran. "Ang bango ng niluluto mo, ah." Sabay halik niya sa batok ko. "Charles, p'wede ba? Huwag mo akong halikan! Baka magising 'yong anak ko!" reklamo ko. Narinig kong tumikhim si Charles bago magsalita. "May problema ba? Kung makita niya tayo. Ako naman ang tatay niya." Sabay iniharap niya ako sa kanya. "Pagkatapos nang ginawa na—" "Walang nangyari sa atin!" pagputol ko sa sasab

