CHARLES POV Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo. Dahil kasama ko ngayon ang babaeng aking pinakamamahal. Katatapos lang namin na magniig ni Abby at kasalukuyang magkatabi dito sa kama nang magsalita si Abby. "Charles, I'm sorry, kung—" "Sorry, for what?" pagputol ko sa sasabihin niya. Napakagat labi siya. "Sorry kung naging bingi ako sa paliwanag mo noon. Labis lamang akong nasaktan nang makita ko kayo ni Cathy," paliwanag niya habang nakatitig sa akin at nilalaro ang aking dibdib. "Wala kang dapat ihingi ng sorry sa akin. Ako ang nagkamali. Dahil naging duwag ako na ilaban ka." Ngumiti ako sa kaniya. "Pero ngayon, hinding-hindi ko na kayo iiwan," seryosong sabi ko. "Charles, p'wede ko bang malaman bakit ka itinakwil ng mga magulang mo?" seryosong tanong niya sa akin

