CHAPTER 86

2018 Words

CHARLES POV Nang makabalik kami nang sasakyan ay nagtanong agad sina Abby kung nasaan ang kaibigan nila. "Charles, Carlo, Rigor, nasaan si Clarice. Bakit hindi n'yo siya kasama?" tanong ni Joyce sa amin. Tumikhim si Carlo at tumingin sa kaniyang girlfriend. "Love, hindi nagpapigil, eh," pagtatapat niya. Napailing si Joyce. "Nakakainis kasi 'yang kaibigan n'yo. Hindi pa niya sinama si Clarice sa site nang pinapagawa niyang bar. Kung talagang wala siyang nililihim," galit na sabi ni Joyce. Hindi na nagsalita pa si Carlo upang ipagtanggol ang kaibigan namin. Dahil kahit kami ay nagdududa na rin kay Alex. Nang sumakay ako sa sasakyan ay tiningnan ako ni Abby na halatang naghihintay nang sasabihin ko. "Babyloves, huwag mo ako tingnan nang ganiyan. Wala akong alam sa ipinapatayong bar ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD