CHARLES POV Nang makarating kami dito sa Graceland ay kumpleto na ang aming mga kaibigan. Maliban kay Clarice na ang sabi sa amin ni Joyce ay bukas na lamang tatagpo sa simbahan. "Babyloves, mamaya nga pala pagkatapos ng dinner ay mag-iinom lamang kami nang konti nina Pareng Alex," pagpapaalam ko sa kaniya. Huminga muna nang malalim si Abby bago magsalita. "Basta, konti lang, ha." Sabay hila niya aking kamay patungo sa hall kung saan naghihintay lahat ang aming mga kaibigan at pamilya ni Abby. Nang makarating kami sa loob ay nagulat ako nang makita ko ang aking mga magulang. "Mommy, Daddy, a—anong ginagawa n'yo rito?" takang tanong ko. "Son, maybe it's time to forget the past," diretsong sabi ng aking ama. "Dad, I'm so sorry, if I never listen at you. I just only follow my heart,"

