Wala yatang magandang naidulot ang pag-iinuman namin ngayong gabi. Dahil puro problema ang naging bunga nito sa aking mga kaibigan. Hindi nagtagal ay nagdesisyon na kaming pumunta sa mga silid namin. "Sana bukas, okay na kami ni Laya," sabi ni Rigor habang naglalakad kami sa hall way. "Ang sabihin mo, p're, sana panaginip lamang 'to," segunda ni Alex. Nang makarating na kami sa kanilang silid ay pinagbilinan ko si Alex. "P're, bantayan mo 'yang dalawang 'yan. Siguraduhin mong hindi magsusuntukan 'yan." Tumango si Alex at ngumiti. "Oo, p're, akong bahala sa kanila." At pumasok na sila sa kanilang silid. Nang tuluyan na silang makapasok sa kanilang silid ay nagpasok naman ako sa isang silid kung nasaan si Abby. Pagkapasok na pagkapasok sa silid namin ni Abby ay nakita ko siyang m

