ABBY'S POV Kung mamalasin nga naman ako. Hindi ako pinayagan ng mga kasambahay naming tumulong sa pagluluto. Kaya nagdesisyon na lamang akong umupo sa aming veranda upang magpalipas ng oras. Habang tahimik akong nakatanaw sa labas ng aming mansyon ay may biglang umupo sa aking tabi. "Bakit ba sumunod pa ang gagong ito sa akin?" tanong ko sa aking sarili. Maya-maya ay biglang dumating si Bryan at nagtanong agad siya sa akin. "Abby, bakit andito ang lalaking 'yan?!" Sabay turo niya kay Charles. "Bryan, kasi kanina nagkita kami sa hospital. Pagkatapos nang inihatid niya ako dito sa bahay nakita siya ni Charley. Nagkulong si Charley sa kwarto nang umalis si Charles kanina. Kaya tinawagan ko siya para tulungan akong mapalabas si Charley ng kwarto niya," mahabang paliwanag ko. Madilim ang

