CHARLES POV Hindi madali para sa akin ang magpanggap sa harapan ni Abby na hindi ko siya kilala. Dahil sa tuwing makikita ko siya ay nabubuhay ay ang aking p*********i. Pinili kong magpanggap na may amnesia upang malaman ko kung sino ang nasa likod ng pagbubuntis ni Cathy, at kung ano talaga ang totoong nangyari sa araw na dapat ay kasal namim ni Abby. Nang nasa operating room ako ay kinausap ko ang mga doctor at nurse na nag-asikaso sa akin upang palabasin na nasa kritikal akong kondisyon. Nagkunwari akong walang malay noon upang malaman ko kung mahal pa rin ako ni Abby at hindi nga ako nagkamali. Labis ang kaniyang pag-aalala ng mabaril ako ni Francis. Hindi rin ako comatosed katulad nang inakala ng maraming tao. Tanging ang mga kaibigan kong sina Alex, Carlo, Rigor at si Nathan ang n

