CHARLES' POV AFTER ONE MONTH AND HALF Mabilis lumipas ang mga araw simula nang may nangyari sa amin ni Abby. Hindi na rin siya nagpakita sa akin simula nang araw na 'yon. Dahil ikinasal na ako kay Cathy. Gusto kong mahanap si Abby dahil alam kong nagbunga ang ginawa namin. Hindi ako p'wedeng magkamali ang kutob dahil alam kong fertile siya nang galawin ko siya. Paalis na sana ako ng bahay nang marinig kong may kausap sa cellphone si Cathy. "Hello, Bryan, ano ba talagang plano mo?" mga katagang pumukaw sa aking atensyon. "Oo, walang alam si Tita Kassandra sa tunay nating relasyon. Pati na rin sa magiging anak natin. Ang akala niya talaga ay may nangyari sa amin ng kaniyang anak," seryosong pahayag niya sa kaniyang kausap sa cellphone. Nagtagis ang mga panga ko nang dahil sa aking n

