ABBY'S POV Nagulat ako nang makita ko si Charles na narito sa loob nang sarili kong pamamahay. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa dahil sa ginawa niya. Kasalukuyang nagduduwal ako ngayon dahil isang buwan na pala akong buntis. Nagbunga ang nangyari sa amin ni Charles nang gabing sa bahay sila maghapunan. Pagkatapos din ng araw na 'yon ay nagpaalam na ako sa aking mga magulang at pinayagan naman nila ako. "Yes! Daddy na ulit ako!" malakas na sigaw ni Charles. "Tuwang-tuwa ang mokong!" bulong ko sa aking sarili. Nang mahimasmasan ako ay nilinis ko ang aking mukha. Napangiti ako nang makita ko ang mga damit ni Charles na nakasabit dito sa banyo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang brief ni Charles na nakasabit. "Ang ibig sabihin— wala siyang suot na kahit ano?" tanong

