Kabanata 3

1496 Words
Nanlaki ang mga mata ko.  Ehh?! Bakit parang alam na ni Lola?! "Oh! Ayan na pala eh," dagdag pa nito dahilan para mapalingon ako sa likuran ko.  Doon ay nakita ko ang isang batang lalaki, kasing edarin ko ngunit di hamak na mas pinagpala ito  sa tangkad. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin.  "Andyan ka pala. Kanina pa kita hinahanap eh! Tara sama ka sa akin," biglang aya nito sa akin saka hinila ang kamay ko.  “Tito,tita hiramin ko po muna si Alexia,” pahabol na paalam niya saka nagpatuloy sa paghila sa akin. Napalingon pa ako kina Lola ngunit kinindatan lang ako nito. Sina Mommy naman ay simpleng ngiti lang ang ibinigay.Hinila ako nito papunta sa counter kung saan nakahanda ang mga pagkain. Habang nasa harap ng mesa ay halos hindi ko alam kung paano mag umpisa ng pwedeng pag-usapan. Isang taon na rin noong huling pagkikita namin ni Kei at katulad ngayon ay araw rin iyon ng family reunion namin.  Siya ang ampon ni Lola. Libreng pinatira ni Lola si Kei at pinag-aral matapos mawalay sa pamilya noong tatlong-taong gulang pa lang ito. Dahil dito ay naging malapit ako sa kanya lalo na sa tuwing naglalaro kami kasama ng mga pinsan ko. Kung minsan nga ay tinutukso rin nila ako kay Kei, kaya rin siguro ako nagkagusto sa kaniya.  Napaiwas ako nang tingin nang saktong magkatinginan kaming dalawa.Paano ba naman kasi ay napakalapit namin sa isa't isa! Hindi ako sanay! Matagal na akong may gusto kay Kei at sa tingin ko ay alam na nina Lola ang tungkol dun kaya grabe din sila mantukso sa akin.  Tinakpan ko na lamang ang pisngi ko habang pinipigilan ang sarili na mamula sa sobrang hiya.  "Namumula ka Alexia, ayos ka lang?" biglang tanong nito sa akin.  "Ahh...o-oo ayos lang," " Oh baka naman..." sambit nito habang nanliliit ang mga mata na para bang may inaalam.  "Ehh?!"  Wa-wait hindi naman niya alam ‘di ba?! Halos hindi ako magkamayaw habang nakatingin sa kaniya.  "Baka naman... masyado akong hot kaya kinikilig ka HAHAHAH," biglang biro nito habang tumatawa.  Agad akong na tahimik. Totoo naman. Ang lakas ng dating ng suot niya na formal dress at masasabi ko na napaka-gwapo niya kahit ilang oras ko na siyang tinititigan. Wala sa sariling napatango ako.  "Huh? Seryoso?? Kinilig ka?" tanong nito sa akin na para bang gulat na  gulat.  "Ha-huh?? Hi-hindi ah..wa-wala 'to!" sambit ko saka nag-iwas ng tingin.  "Ehh? Ang weird mo ngayon, Alexia..." saad nito saka muling ibinaling ang paningin sa pagkain.  Ilang minuto pa kaming nanatili sa pag-uusap hanggang sa maya-maya ay nagulat na lamang kami nang makarinig kami ng malakas na hiyawan.  "Ano yun?!"  Agad na na-alerto ang mga tao sa paligid ngunit sa halip na tingnan kung saan ito nanggaling ay sunod-sunod na pagtakbo ang nakita namin. Naguguluhan kami ni Kei na napatingin sa tinatakbuhan ng mga tao ngunit hindi rin nagtagal ay sinundan ulit ng mas malakas na hiyawan habang unti-unting napapahiga sa sahig ang mga tao at wala nang buhay. Dahil sa pagkagulat ay agad akong napahawak sa braso ni Kei.  "An-ano yun?!" natatakot na tanong ko.  "Wag ka matakot, nandito ako," sambit nito habang nakahawak sa kamay ko ngunit hindi ko alam  na iyon na pala ang huling beses na makakausap ko ito.  ***** Wala akong ibang maramdaman. Napakatahimik.  Na-nasaan na sila? Mo-mommy? Daddy?!! Wala akong makita. Dahan-dahan kong binuksan ang talukap ng mga mata ko. “ALEXIAAA!!” “ALEXIA!” Si-sino? Sino ang tumatawag sa akin? Mommy? Dahan-dahan kong itinaas ang mga palad ko.  Oo nga pala. Nasa family reunion kami at… bigla kaming nakarinig ng malakas na hiyawan. Kasabay ng pagbagsak sa lupa ng ilan. Tiningnan ko ang mga palad ko sa ikalawang pagkakataon at unti-unting napakunot ang noo ko. N-no… Unti-unting namula ang mga kamay ko hanggang sa tuluyan itong napuno ng dugo. Napakarami. Nakakatakot. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang tinitingnan ito. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng maliit na tinig na nagmumula sa aking harapan. Agad akong napalingon rito.  “Alexia…a-anak,” tawag nito sa akin. Mo-mommy?  Nanlalaki ang mga mata ko. Mommy, anong ginagawa mo riyan? Punong-puno ng dugo ang kanyang katawan. Halos hindi ko na rin siya makilala dahil sa dami ng galos at sugat sa mukha nito. Dahan-dahan akong napalingon sa katabi nito at nakita ang isang lalaki na nakahiga rito. Nakatagilid ang mukha nito ngunit nakabukas pa rin ang talukap ng mga mata. Hindi ako pwede magkamali. Si Daddy iyon. Napakunot ang noo ko matapos makita na maski si daddy ay puno rin ng dugo ang katawan. “Da-daddy?” nanginginig na tawag ko rito ngunit wala akong narinig mula rito.  Muli akong napatingin kay Mommy at ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko matapos makita ang isang bata na halos ilang taon lang ang tanda sa akin. Naglalakad siya palapit kay Mommy habang may hawak-hawak na matulis na bagay sa kamay.  “Mo-mommy?” tawag ko rito.  Dahan-dahan akong tumayo habang inaalalayan ko ang tuhod ko. Akma na sana akong lalapit rito ngunit malayo ako. Para bang naging mabagal ang ikot ng mundo ko habang tinitingnan kung paano itinaas ng bata ang hawak na kutsilyo. “MOMMYYY!!!” Napabalikwas ako sa kama habang hingal na hingal sa paghinga.  “Mommy!!!” malakas na sigaw ko.  Agad namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki na may pag-aalala sa mukha.  “Alexia, ayos ka lang?” nag-aalala na tanong nito saka mabilis akong inalalayan sa pag-upo sa kama.  Agad ring sumilip sa kwarto ko ang isa pang lalaki habang may hawak ito na sandok.  “Alexia! Ayos ka lang?” tanong nito.  Napayuko ako. Iyon na naman?! Bakit sa tuwing mananaginip ako ay palagi na lang tungkol roon? Napahawak ako sa dibdib ko.  “A-ayos lang po ako. Panaginip lang,” sagot ko sa kanila saka dahan-dahang inalis ang kumot sa katawan para tumayo na. “That nightmare again, huh?” tanong sa akin ng lalaki na sinuklian ko lamang ng tango. “It’s okay now, Alexia…nandito naman kami ni Ryder,” sambit nito habang nakangiti, gayundin ang kanyang anak na nasa pinto.  Napabuntong hininga na lamang ako saka dahan-dahang ngumiti sa kanila.  Labing-dalawang taon na ang nakakaraan matapos ng pangyayaring iyon. Nang mga oras na iyon ay nawalan na rin ako ng pag-asa na mabuhay. Lahat ng nasa paligid ko ay wala ng halaga at ang tanging nakikita ko lang ay ang itsura nina Mom at Dad habang punong puno ng dugo ang kanilang katawan.  Halos ilang buwan rin akong hindi nakapagsalita matapos akong mailigtas sa mga taong pumatay sa buong angkan namin.  Maging sina Lola, lolo, sina ate Patricia, si Kuya Ken at maging ang iba ko pang pinsan. Lahat sila ay namatay sa isang iglap. Ang akala ko na magiging masaya ay nauwai sa isang malaking trahedya na kahit kailan ay hinding hindi ko makakalimutan.  Napalingon ako sa labas ng bintana. Pagkalipas ng ilang buwan na pagkaka-admit ko sa hospital ay nakapag desisyon si Inspector Kio, ang police officer na nagligtas sa akin sa trahedya na iyon na manatili sa kanilang tirahan. Hindi man sila ganoon kapalad sa buhay ay bukas-palad silang tumulong sa kagaya ko. At doon ko napag-alaman na wala na rin pala siyang pamilya maliban sa kanyang nag-iisang anak na si Ryder.  Noong una ay hindi ako nakikipag-usap rito. Maliban sa wala pa akong tiwala sa kanya ay hindi rin ako sanay makipag-usap sa ibang lalaki maliban kay daddy. Ngunit kalaunan ay naging matalik na kaibigan ko rin ito.  Sa tulong ng maliit na porsyento na maaari kong makuha sa pera nina Mommy ay pinag-aral ako ni Tito Kio at pareho kami ni Ryder ng paaralan na pinasukan.Hanggang sa tumuntong ako sa tamang edad ay nagkaroon na ako ng malayang access sa mga pamana ng mga magulang ko. Maliban lamang sa business na naiwan ni Daddy. Ayon kay Tito Singh, ang matalik na kaibigan ni daddy ay makukuha ko lamang ito sa oras na nakapagpasya na ang council at nakita na karapat-dapat ako sa posisyon bilang tagapagmana.  Kaya naman ginagawa ko ang lahat para makuha ko ang kompanya na iyon. Bukod pa roon ay may isa pa akong layunin sa buhay. Iyon ang ipaghiganti ang pagkamatay ng buong angkan ko.  Ang pagkamatay nila Mom and Dad. Wala akong ideya kung bakit sa dami ng tao sa mundo ay sila pa ang dapat mamatay sa mga oras na iyon. Napag-alaman ko na isang assassin family ang pumatay sa kanila kaya naman walang awa ang mga ito sa pagpatay ng tao. Ilang beses ko nang pilit na binubuksan  ang kaso tungkol dito ngunit maski ang mga police ay walang magawa dahil case closed na raw ito.  Pero alam ko. Alam kong natatakot lamang sila. Lalo pa’t mataas at kilalang pangalan ang madadawit sa oras na muling buksan ang kaso. Gayunpaman ay hindi ako natatakot.  Hindi nakakatakot ang mamatay nang may pinaglalaban. Mas nakakatakot ang mabuhay ng may pagsisisi dulot ng kawalang hustisya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD