Pagkatapos namin na makaalis sa lugar na iyon ay sinamahan na agad ako ni Mr. El sa kabilang silid kung nasaan ang kaniyang opisina. Mukhang mas disente ito ngayon tingnan kaysa noong una naming pagkikita. Wala rin siyang kasamang babae at mas tahimik na ito. Gayunpaman ay naroon pa rin ang nakakaloko nitong ngiti lalo na nang makapasok na ako sa silid. Wala naman siguro siyang planong masama, diba? Nailibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid at nakita kung gaano ito kalinis. Tipikal na bilang tauhan at tagapangasiwa sa isa sa maraming negosyo ng pamilyang Pascal. Ilang saglit lang ay inananyayahan na ako nitong maupo na agad ko rin namang sinunod. Nakaupo ito sa kaharap na upuan kung saan siya ay malayang nagpaikot-ikot ng kaniyang swivel chair. "Pasensya ka na kanina sa isa sa

