Hindi na rin naman nagtagal ay natapos na rin kami mag-lunch kaya bumalik na rin ulit kami ni Shine sa opisina nang makasalubong ko si Cris. "Pst!" sitsit nito sa akin. "Hmm?" Napatango ito sa akin habang pasimpleng inginunguso si Shine na abala sa paglalagay ng mga papel sa drawer. “Sabay kayo kumain ng lunch?" tanong nito sa akin. Napatango lang ako habang ipinagpatuloy ang ginagawa. "Eh? Seryoso? Ang bilis ah, close agad kayo?" takang tanong nito sa akin. Napairap na lamang ako sa kaniya habang nagsusulat sa mga dokumento. "Hindi naman big deal na magkagusto siya kay Ryder, isa pa...mas bata siya sa akin kaya alam ko ang nararamdaman niya," sagot ko lamang rito. "Owss, talaga ba? Kung makapagsalita ka, parang sobrang tanda mo na ah," natatawang sambit nito. "Pshh!" "

