Katulad ng nakasanayan ay nagising na naman ako dahil sa alarm ni Ryder pero sa pagkakataon na ito ay hindi ko na siya naabutan dahil maaga raw siyang pinapasok sa opisina nila. Nabasa ko na lamang iyon sa text niya sa akin bago siya umalis. Habang si Tito naman ay abala sa panonood ng paboritong show sa tv. Ilang saglit lang naman ay natapos na rin ako sa pag-aasikaso sa sarili kaya naman nagpaalam na ako na aalis. Pagdating ko sa opisina ay sumalubong agad sa akin ang guard na nakangiti. Tumango lang ako dito saka pumasok sa loob. Habang nakasakay ng elevator ay napatingin ay sa relo ko at mukhang hindi pa rin naman ako late sa oras na ito. Ilang saglit lang ay bumukas na ang pinto ng elevator at saktong bumungad sa akin si Shine. Pareho kaming nagulat sa isa't isa kaya naman napay

