“Are you sure na okay ka na ngayon?” tanong ko kay Chay habang naglalakad kaming dalawa sa hallway. Mabuti na lang at totoo nga na nagkaroon ng meeting ngayon ang mga professors sa faculty, kaya mamayang hapon pa ang continuation ng mga klase namin. “Yes, okay na ako. I’m sorry dahil nag-aalala ka pa sa akin kanina,” sagot naman niya sa akin. Nagpunta kami sa may garden para wala masiyadong tao. Umupo kami sa bench doon. “Hey, don’t be sorry. I now understand kung bakit ka may tinatago sa akin nitong mga nakaraan na linggo. Hindi na kita kukulitin pa ng tungkol doon. I respect your decisions and privacy. Ayos lang sa akin kung hindi mo kayang sabihin sa akin,” sambit ko. Ayoko rin na isipin pa niya ako. Mas mahalaga ngayon ang mental health niya. Alam ko na may posibilidad na baka ma-s

