Nagulat ako nang bigla na lang manakbo si Chay palabas sa room namin. Miski ang mga kaklase namin ay hindi ‘yon inaasahan. Ito pa naman ang unang araw ng pasok namin ngayong second semester. Bakit kaya siya nanakbo? Tatayo na sana ako nang biglang magsalita si Professor Aleged. “I have a meeting. Let’s start our discussion tomorrow.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay agad na siyang lumabas sa room namin. Pero hindi maganda ang kutob ko. Pakiramdam ko ay susundan niya si Chay. Tumayo na rin agad ako. “I think Chay have an emergency. I’ll go now,” sambit ko naman sa mga kaibigan ko. Pero nilakasan ko na rin ang sinabi ko, nang sa gano’n ay marinig din ng mga kaklase namin. Mabilis pa naman ang issue. Baka kung ano-ano pa ang gawin nila na kwento tungkol sa pag-alis bigla ni Chay sa klase na

