CHAPTER XVI

1712 Words
Chapter 16 Nakatingin lang sa kawalan si Milio habang hawak ang isang bote ng beer. May mga boteng wala na ring laman ang nagkalat sa damuhan ng kanilang hardin. Malawak ito, habang nasisinagan ng ilaw ang malinis nilang swimming pool. Hindi pa siya nakakapagpalit ng uniporme. Mukhang kagagaling lang niya rin sa university nila. Mas inuna niya munang malulong siya ng alak na iniinom. "Akala ko kasi ako ang pipiliin mo," umiiyak na sambit ni Milio sa kaniyang sarili. "Ano bang nakita mo kay Ryker, ha? Anong nakita mo do'n at nakikita kitang mas masaya?" dagdag pa niya. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ni Milio. Halatang marami na itong nainom na alak dahil sa dami ng bote na nakakalat lang. Nakaupo siya ngayon sa damuhan. Nakapatong ang kaniyang kamay sa tuhod habang may bitbit na bote ng beer. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. "Ako na lang sana, Amaris. Ako naman ang mas nauna kaysa sa kaniya, 'di ba?" sabi niya, habang kausap pa rin ang kaniyang sarili. Mayamaya lang ay dumating ang kaniyang ina. Kararating lang din nito galing sa trabaho. Naabutan si Milio ng ina nito sa kaniyang ginagawang paglunod ng sarili sa alak. Lumapit ang kaniya ina sa kaniyang pwesto kasabay nang pagdamay nito sa kaniya. Isinandal ni Milio ang kaniyang ulo sa dibdib ng ina, habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Mom... ano bang kulang sa 'kin?" tanong ni Milio sa ina. "W-wala, anak. You're the bravest and toughest young man I know," sagot ng ina nito. "Ano bang nangyayari sa'yo, anak? Ilang araw na kitang naaabutang naglalasing dito sa bahay. May problema ka ba sa school niyo, anak? Anong problema? Sabihin mo sa 'kin dahil handa akong makinig." Muling uminom si Milio ng alak sa hawak na bote. "Hindi ako gusto ng taong pinapangarap ko, mom," sabi nito pagkatapos malunok ang ininom. Natahimik saglit ang kaniyang ina. "Milio, anak, we can't force someone we loved to reciprocate the same feeling we have for them," aniya ng ina. "He chose Ryker more than me. Ako ang matagal niyang naging kaibigan at nakasama. Pero hindi pa rin ako ang pinili niya, mom," paliwanag ni Milio, may bigat sa bawat salitang kaniyang sinasabi, "nararadaman ko 'yon kahit hindi pa niya sabihin sa akin, mom," umiiyak na sabi niya. "Kasalanan ko rin naman kasi, eh. I am a f*cking coward! Hinayaan ko lang kasi na maging magkalapit sila." Napalunok ang ina sa kaniyang narinig mula sa anak. "W-what do you mean, anak? S-si Ryker ang kaagaw mo sa taong gusto mo?" pautal-utal na tanong ng ina. Tumango lang si Milio. "Milio, hindi natin mapipilit 'yong tao na gustuhin ka dahil lang sa gusto mo siya. Maybe, kay Ryker niya nakikita na mas masaya siya. I know it hurts, iho. But that's the reality of love. Kailangan mong daanin ang sakit ng hindi piliin ng taong pinili mo," paliwanag ng ina. Napasinghap si Milio. Tama rin naman ang sinabi ng kaniyang ina. "D-does it mean I have to stop chasing after him, mom? Ganoon ba? Ipapaubaya ko na lang siya basta-basta? Hindi ko na ipaglalaban ang nararamdaman kong ito para sa kaniya?" sunod-sunod na tanong ni Milio, garalgal man ang boses nito dahil sa kaiiyak. "Did I hear it right? Him? Lalaki ang pinag-aagawan ninyo ni Ryker?" Yumuko si Milio, "Yes." Napabitaw sa pagkakayakap ang ina ni Milio sa kaniya. Napaupo ito sa damuhan katabi niya. Nakaharap sila sa malinaw na tubig ng kanilang pool habang tanaw rito ang repleksyon ng buwan. "Is it the same person to that guy you're always telling me and to your Dad?" Tumango ulit si Milio bilang sagot. Biglang natuwa ang kaniyang ina at muli siyang inakap. "Oh! My son is truly in love. I'm happy to know that you are in love, son," masayang wika ng ina. "You are not mad at me, mom?" he asked, hesitant and at the same time dubious to her mother's reaction. "At bakit naman ako magagalit? Masaya akong nagmamahal ka, anak. But, I am disheartened to see you crying also because of falling in love," aniya ng ina ni Milio. His Mom hugged him again. Her warmth hugged was a sigh of relief for Milio. At some point, he was happy to open up his feelings about Amaris to his mom. "Anong plano mo ngayon, anak? Sasabihin mo pa ba ang nararamdaman mo kay Amaris?..." napahinto muna ang ina, "kahit na alam mong masasaktan ka sa maaaring maging sagot niya?" Kilalang-kilala na ng mommy at daddy ni Milio si Amaris. Walang araw kasing hindi niya ito naku-kuwento sa kanila. Kaya ganoon na rin siguro ang tuwa ng ina ni Milio na malamang nagkakagusto na ito sa kaniya. Doon lang nila nakitang sobrang saya ng kanilang anak. Si Amaris lang ang nagbigay ng sayang iyon kay Milio. Pero mukhang siya rin ang dahilan kung bakit din ito sobrang lungkot ngayon. Humupa na ang pag-iyak ni Milio. Inalalayan siya ng ina na umupo sa upuan. Ngayon ay magkatabi silang nakaupo habang nasa malayo ang tingin, "Mali ba ang nararamdaman kong ito, mom? Mali ba ang desisyon ko?" biglang natanong ni Milio. Tumikhim ang ina niya bago ito nagsalita. Alam niyang mabigat ang araw na ito para sa kaniyang anak. Hindi lang itong araw, pati na rin ang mga nakaraang araw na nakikita nila ang anak na nalulunod sa alak. "Malaki ka na, Milio. You'll be graduating in college in few months. I'll support you to whatever decisions you choose. Pero, anak, sana ay hindi ka magpapakawasak dahil lang sa isang tao," wika ng ina. "Nasasaktan akong makita ka na palagi kang ganyan. Ito lang ang maipapayo ko sa'yo, kausapin mo siya. Kapag nagkausap na kayo, sabihin mo kung ano nga ba talaga iyang nararamdaman mo para sa kaniya," sabay turo ng ina sa kaniyang dibdib, "Let Amaris know what's your feeling towards him. Ganoon talaga, anak. You have to take the risk because love comes in many circumstances- happiness, guilt, and hurt. And if his decision is to be friends with you, tanggapin mo 'yon. "Alam kong masakit, pero 'yon ang tama. At least alam mo sa sarili mong sumugal ka sa laro ng pagmamahal. 'Yan ang tunay na kahulugan ng totoong nagmamahal, anak. Hindi mo siya pipilitin na ikaw ang piliin niya dahil alam mo sa sarili mo ang tama. You deserve to be chosen and be someone's priority. Please, know your worth, my son," mahabang paliwanag ng kaniyang ina. Napaisip si Milio sa sinabi ng ina. Hindi siya makapaniwalang ganoon ang sasabihin ng kaniyang ina. They barely talk to each other especially if works prevails them to gather on the table. He only has a chance to talk to them every weekend, when they were on day off. They value the Sunday as their family day. Occasionally, they spent time eating together, have a vacation, or a movie treat. "Sige na, magpahinga ka na, anak. Alam kong pagod ka ngayon. It's our family day again tomorrow. I know you can handle it," tugon ng ina. "Good night, son," sabay hinalikan siya sa kaniyang noo. Tumayo ang ina ni Milio at pumasok na sa loob ng kanilang bahay. Naiwan siyang malalim ang iniisip tungkol sa mga sinabi ng ina. Naguguluhan siya sa kaniyang nararamdaman pero mas nangingibabaw pa rin ang sakit dito. "Siguro tama nga si mommy, Amaris. I have to let you go... kung hindi mo nga talaga ako pipiliing magustuhan." ***** 093456789*** is calling... An unregistered number is calling to Ryker. He is in the middle of his workout inside his mini-gym. He answered it despite being clueless who is the person on the other line. "What do you need?" walang ganang tanong kaagad ni Ryker, nang sagutin ang tumawag sa kaniya. "Hi, babe! Did you miss me?" bungad ng kabilang linya. Natutop si Ryker sa kaniyang kinatatayuan. Ilang segundo bago tuluyang rumihistro sa kaniyang isipan bago makilala ang taong nagsalita. "What's with you, Mirielle? Are you looking for someone who you can hook up with again? You might dialed a wrong number." "C'mon, Ryker. You knew you're the only man who can have me in bed," she replied, with a sound of tease in her voice. "I'm happy. I'm happy to know that you have spent your time studying abroad just how to flirt. Such a disgrace to you," he said, in a sarcastic tone. Halata namang napikon nito ang kaniyang kausap. "Ryker, alam ko naman na patay na patay ka sa akin! Alam ko rin na hinintay mo ako ng limang taon. Now, I'm back. Hindi ka ba masaya na nakauwi na ako?! Maaangkin mo na ako." "Ano naming pumasok na hangin diyan sa ulo mo, Mirielle. Mukhang sinaniban ka yata ng masamang elemento sa Canada. At tsaka, h'wag na nating lokohin ang sarili natin. Magkaibang-magkaiba ang noon sa ngayon, Mirielle." "You are still the same Ryker I know five years before. Magiging akin ka rin, Ryker. Babalik at babalik ka rin sa akin. In fact, nag-usap na rin kami ni tito. Aayusin ulit natin ang nahinto nating relasyon." "Anong pinag-usapan niyo ni daddy? Kaya pala nasa company ka noong nakaraang araw, huh?" "Nothing. Gusto lang naman niyang balikan mo ako. Alam naman natin kung gaano kamk kahalaga para maisalba ang kompanya niyo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, magiging akin ka-" Hindi na pinatapos ni Ryker ang sinasabi ni Mirielle. Agad niyang ibinaba ang kaniyang tawag. Napahinga siya ng malalim. Nakipagsabwatan nga ang ama niya kay Mirielle. Pero hindi siya papayag sa gustong mangyari ng kaniyang ama. Hinding-hindi siya makikipagbalikan kay Mirielle. "Bakit ka pa bumalik dito," sabi niya, may galit sa mga boses nito. Napaisip ng malalim si Ryker sa mga posibilidad na mangyayari ngayong nakauwi na galing sa ibang bansa si Mirielle- her ex-girlfriend. Lumapit siya sa pintuan. Pinindot nito ang isang gadget na nakadikit sa dingding, bago tinawag ang kanilang kasambahay. "Ate Flor?" tawag nito. Ilang segundo ang lumipas bago may sumagot sa kabilang linya,. "Bakit po, sir?" "Buy me a new sim. Nagka-virus ang sim na binili mo," utos nito. "Hindi po ba, sir, no'ng nakaraang buwan lang kayo nagpalit ng sim card?" "Sundin niyo na lang po ang bilin ko," saad ni Ryker. "Sige po, sir," sagot ng kasambahay. @phiemharc - Hindi Tugma (K16)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD