Chapter 15
“Pare, parang magkaibigan na kayo ni Amaris, ha?” tanong ni Asher. “At mukhang napapadalas na ang pagsasama niyo ngayon,” dagdag na usyuso pa nito.
“Balita ko pinuntahan ka niya sa favorite spot mo, ha?” paggatong na tanong naman ni Atticus.
“Ows! Sana all may spot. Isama mo naman kami sa place mo, oh!” pabirong banat naman ni Don.
“Thanks for telling him kung saan niya ako puwedeng makita,” sagot ni Ryker.
Napataas kamay naman si Atticus. Guilty sa sinabi ni Ryker. “Sorry naman. Naawa lang ako sa kaniya, kaya sinabi ko na kung saan ka pwedeng mahanap.”
“Teka, bro. Matanong ko lang, may namamagitan na ba sa inyo?” napatanong ni Don, mukhang seryoso pa ito dahil sa kaniyang hitsura.
“Asshole, wala! Kung anu-ano kasi ‘yang pinag-iisip niyo. Hindi ba pwedeng nakikipag-ayos lang ako sa kaniya?”
“If that’s the case, dapat hindi ganyan katagal ang pakikipag-ayos mo sa freshman na ‘yon,” saad ni Asher. “Unless— you have feelings for that cute freshman guy from education department.”
“Si Amaris na ba ng pumalit diyan sa spot ni Mirielle, Ryker?” pang-aasar na tanong pa ni Don.
“We know you, Ryker, that’s why you can’t deny the fact that you are falling in love to him,” dagdag naman ni Atticus.
Mukhang pinagkakaisahan ng kaibigan si Ryker. Ngunit hindi niya sinagot ang sunod-sunod na patutsadang tanong ng kaniyang mga kaibigan. At mukhang tinawanan niya lang ang kahibangan ng mga ito.
“Don’t worry, bro! We will still support you… no matter what,” sabi ni Don, sabay akbay sa nakaupong si Ryker.
“Hinatid ko na rin siya kanina sa kanilang building, kagaya ng utos mo,” paglilihis sa usapan na sabi naman ni Atticus.
“Thank you,” maikling tugon sa kaibigan.
Tumalon mula sa pagkakaupo sa arm’s desk si Asher. “Nasaan na ang sinabi mong bayad? Akala mo kakalimutan namin ‘yon?” sabay sabi nito.
“Mukhang ikaw yata ang inutusan ko.”
“Kahit na, Ryker. Kaibigan ko pa rin naman si Atticus. Ang suhol niya mula sa iyo, ay suhol na rin naming tatlo. Hindi ba, Don, Atticus?” Napatingin siya sa dalawa.
Binigyan lang siya ng pagtango senyales na sumasang-ayon sila sa sinabi ni Asher.
“I won’t forget it.”
“Here’s my G-cash account,” paglalahad ni Asher ng kaniyang G-cash barcode kay Ryker.
Kaagad naman itong na-scan ni Ryker.
“Very good, pare! Mabilis ka talagang kausap kahit kalian,” masayang sabi ni Asher ng matanggap na ang pera.
“Magkano?” usyuso naman ni Don. Samantalang, tahimik lang na pinagmamasdan ni Atticus ang dalawa.
Sa kanilang barkada, si Atticus ang bumabalanse sa ugali nilang apat. Siya kasi ‘yong tipong kapag may itatanong o isasagot lang nagsasalita. May sense din kausap kumpara sa dalawa. Mabuti na lang at hindi pa siya tinatablan ng pagka-jologs ng dalawang kaibigan. Samantala, ang dalawa naman, si Asher at Don, ay parang pinagbiyak na bunga ng buko ang ugali. Sobrang click talaga nilang dalawa kaya mabilis silang maka-pick up ng mga jokes din nilang corny.
Habang si Ryker ang seryoso sa grupo. Siya ang nilalapitan ng tatlo sa tuwing ubos na ang allowance nila sa isang linggo. Siya ‘yong tipong bahala kayo sa gusto niyo, ibibigay ko, basta sundin niyo ako.
“So, ano nang plano mo ngayon? Haggang kaibigan lang muna?” tanong ni Atticus.
“Yeah,” maikling sagot ng binata. “I think, it’s better that we’re friends than nothing.”
“Putek! Late na tayo!” malutong na mura ni Asher, habang nakatingin sa waterproof na relo.
“Dali na, umahon na tayo. Lagot tayo kay Ms. Mildita nito,” sabi naman ni Don bago umahon sa pool.
“Ayan kasi. Magsipag pa kayong mag-cutting, para five years kayo dito sa university,” pagbibiro naman ni Atticus sa dalawa.
Silang dalawa kasi ay may back subject sa Ethics. At nasaktong sa parehong terror na professor sila napunta. ‘Yong prof. nila na nambagsak din sa kanila noong second year.
“Mukha ngang mamahalin nila itong campus,” gatong naman ni Ryker.
“Ulol!” mura ni Asher, bago sabay silang tumakbo ni Don papuntang comfort room.
*****
“You’re here again.”
Napalingon si Amaris sa nagsalita mula sa kaniyang likuran. Nakita niya si Milio na nakapamulsa at nakangiti sa kanya. Lumapit ito at tinabihan siya sa kaniyang inuupuan.
“Ikaw pala,” sabi ni Amaris.
“Bakit ka naman nandito ulit?” tanong ni Milio, habang nakatingin sa malawak na field ng campus.
“Wala, gusto ko lang makita ang paglubog ng araw,” tugon ng kausap.
Nasa taas ulit sila ng rooftop kung saan nahimatay si Amaris. Ito na talaga ang naging paboritong spot ni Amaris simula nang dinala siya nito ni Milio dito.
“You really love watching the sun sets pala.”
Tumango lang si Amaris. Kasabay ng katahimikan na namayani sa kanilang pagitan, ay banayad naman na dumadampi ang hangin sa kanilang mga balat.
“May problema ka na naman ba?” biglang tanong ni Milio.
Napatingin sa kaniya si Amaris. “Huh? Bakit mo naman ‘yan natanong?”
“Wala lang. Kasi pumupunta ka lang naman sa spot na ito sa t’wing may problema ka.”
“Wala nga. Gusto ko lang talagang mapag-isa at makita ang paglubog ng araw,” paliwanag ni Amaris.
Muling namayani ang katahimikan. Ilang minuto rin ang nagtagal bago may nagbalak magsalita.
“Bakit kaya ang hilig niyong mag-pretend?” tanong ni Amaris sa kawalan.
Napatigil si Milio nang marinig niya ang tanong ni Amaris. Napalunok siya at tiningnan sa mata si Amaris na ngayo’y nakatingin sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit biglang napatanong iyon sa kaniya ng binata.
Natameme siya.
“Ah—eh, a-anong ibig mong sabihin, Amaris?” pautal-utal na tanong ni Milio.
A serious yet melancholic aura registered to Amaris face. Is he really serious of his question? Milio even froze at the moment.
“I’m just kidding. Mukhang kinabahan ka ata,” natatawang sabi ni Amaris. “I’m just wondering, dahil baka alam mo ang sagot.”
“Natatakot na baka kasi ma-reject?” sagot ni Milio, hindi sigurado kung tama ba ang sinabi niya ngunit seryoso ito.
Nagtaka naman si Amaris. Hindi niya inakalang seseryosohin ni Milio ang tanong niya.
His eyebrows met, curious of what Milio really meant of rejection. “Rejection? Ma-reject ng someone?” sabi ni Amaris. “At hindi ba natural lang naman ang rejection sa buhay? The good thing is you did your part. And if ever you have been rejected, at least there’s no guilt in you. Ginawa mo ang lahat ng alam mo, kahit hindi mo alam ang magiging resulta.”
“It’s easy for you to say that, Amaris. We’re not in the same shoe.”
“We are in the same shoe, Milio,” pagtapik ni Amaris sa balikat ni Milio.
“Uy, teka nga lang! Bakit mukhang ako na yata ang may problema sa atin?”
“Ewan ko rin sa’yo. Seryoso mo rin kasing sinagot ang tanong ko.”
Sabay na nagtawanan ang dalawa nang mapagtanto ang seryosong usapan.
“Auhm. By the way, Amaris…”
“Bakit? May gusto ka bang sabihin?”
Namagitan pansamantala ulit ang katahimikan. “I have something to say. Matagal ko na rin sana gustong sabihin sa’yo ‘to… kaya lang wala naman akong lakas ng loob.”
Nagtaka naman si Amaris. “Sige na. Handa naman akong makinig.”
“Can you still remember when I texted you about ‘I like’?”
Natawa ng bahagya si Amaris ng maalala niya iyon. “Ah, oo naman. ‘Yong gusto mo ako makitang umiiyak?”
“That’s not what I meant,” pagtatanggi ni Milio.
“Alam mo ikaw? Ang gulo mo rin kausap minsan. Ano ba kasi ‘yon? Ang dami ng nangyari noong nakaraang mga buwan hindi ka pa rin pala tapos doon?” birong saad ni Amaris.
“The truth is… I like—”
Mokong is alling…
“Wait, pause ka muna. I have to answer this call from a friend. Excuse me,” paghihinto ni Amaris sa sasabihin ni Milio.
Sinagot ni Amaris ang tawag sa kabilang linya. Nakikita ni Milio na napapahalakhak si Amaris habang kausap nito ang kabigan na tumawag sa kaniya. Kasabay ng masayang si Amaris, ay ang malungkot naman na paglubog ng araw dala na rin sa nararamdaman ni Milio. Mukhang ang bawat tawa ni Amaris ay katumbas naman ng kirot sa kaniyang puso.
Ilang minuto rin ang nagtagal bago natapos ang tawag.
“Sino ‘yon?” tanong ni Milio, kunwaring hindi kilala ang tumawag kahit na alam niyang si Ryker iyon.
“Ah, si Ryker. He’s inviting me for dinner diyan sa labas ng campus mamaya. Alam mo ‘yong kabubukas lang na sangyumpsalan diyan? Hanep din pala ‘tong kaibigan mo, akala ko kung sinong siga dito sa campus. Hayun, nagugutom na rin kasi ako kaya ako pumayag,” paliwanag ni Amaris.
“Ahh.”
“Ano na nga palang sabi mo?” pagbabalik ni Amaris ng natigil nilang topiko.
“Do you really want to hear what I am going to say, Amaris?” may kabang tanong ni Milio.
Ngumiti sa kaniya si Amaris. “Oo naman. Kaya lang kasi, Milio…” napatigil si Amaris sa sasabihin. “P-pwedeng bukas mo na lang sa akin sabihin? Nagmamadali kasi ako dahil baka gabihin ako ng uwi. Magkikita pa kami ni Ryker sa parking area ngayon.”
“Gano’n ba,” mahinang sabi ni Milio, “Sure, mag-iingat kayong dalawa.”
Pinili niyang ngumiti sa harap ni Amaris. Hindi siya pwedeng mahalatang malungkot sa harap ni Amaris. Mukha yatang nagseselos na si Milio dahil sa inaasal nito.
“Salamat talaga, Milio. Pasensiya ka na ulit. Promise, makikinig ako sa sasabihin mo. Paano ba ‘yan? See you tomorrow,” pagpapaalam ni Amaris kay Milio.
Naiwan sa rooftop si Milio habang pinagmamasdan ang paglaho ni Amaris sa kaniyang paningin. Napatanaw siya sa ganda ng papalubog na araw. May kung anong butil ang tumulo sa kaniyang mga mata.
“Bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Hindi ba kaibigan lang ang turing ko sa ‘yo, Amaris? Pero bakit ganito na ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kitang si Ryker ang kasama mo,” patuloy na ngang umagos ang kaniyang mga luha, “akala ko kasi ito na ang araw na malalaman mo kung gaano kita ka gusto… Amaris.”
“What did you say?” Napatigil sa kaniyang paghikbi si Milio. “Do you like me?”
@phiemharc – Hindi Tugma (K15)