CHAPTER XIV

1640 Words
Chapter 14 "Amaris!" Napalingon si Amaris nang marinig niyang may tumatawag sa kaniya. Huminto ito sabay paghinto rin ng sasakyan sa kaniyang harapan. "Oh, Atticus! Himala ang aga mo yata ngayon, huh?" "Ah, may practice kasi ng swimming for the upcoming national event. Tara na. Sumakay ka na!" anyaya sa kaniya ni Atticus. "Naku, h'wag na. Malapit na rin naman ang campus. Ilang hakbang na lang, oh," pagtanggi ni Amaris sa alok ni Ryker. "Bilis na. Wala naman sigurong magagalit. Besides, magkaibigan na rin naman tayo, hindi ba?" pagpupumilit ng kausap. Napaisip muna si Amaris bago tuluyang nakapag-desisyon. "Okay, for this time lang ito, ha? Total tinulungan mo naman ako kahapon mahanap si Ryker." "Sure. Thanks." Agad naman na binuksan ni Atticus ang pinto para sa kaniya. Sumakay si Amaris sa front seat ng sasakyan ni Atticus. Nagsimula na ring ipaandar ng binata ang sasakyan papuntang campus nila. Nang makarating at makapasok sila sa campus ay ipinarada nito ang sasakyan sa likod ng kanilang building. Bumaba na rin si Amaris habang hinihintay bumaba ng sasakyan si Atticus upang magpasalamat. "Thank you for the ride, Atticus," sabi niya, nang makalabas na si Atticus ng sasakyan. "My pleasure, Amaris," he replied. "Ihahatid na kita sa building niyo." "Huwag na-" "Kahit ngayong araw lang. Pagbigyan mo na ako. Wala naman akong klase, kaya may free time pa ako. Tsaka, kaibigan ka kasi ng kaibigan ko rin. Alam kong hindi naman magagalit si Ryker." "Loko!" tinapik ni Amaris si Atticus dahil sa biro nito. "Joke lang. Dali na!" Hindi na nakatanggi si Amaris. Alam niya naming magkaibigan sina Ryker at Atticus. Naipakilala na rin kasi ni Milio na kabigan niya rin pala sina Atticus at Ryker. "Sige na nga, dahil kung magtatalo pa tayo, male-late lang ako." Sabay silang naglakad patungong COE Building. Hindi naman maiiwasan ang mga bulungan ng ilang mga estudyante nang makita silang magkasama. Alam nila na matalik na magkaaway sina Ryker at Amaris. Ganoon na lang ang gulat nila nang makitang kasabayan ni Amaris na naglalakad ang kaibigan ni Ryker, si Atticus. Nakarating na rin sila sa tapat mismo ng building. "Dito na lang," tugon ni Amaris. "Mag-iingat ka. Alam mo maraming estudyante rito na mabilis ma-inggit, kaya mag-ingat ka," paalala ni Atticus. "Kaya pala naging isa ka sa kanila?" biro naman ni Amaris. "No!" he replied. "Joke lang. Bumawi lang ako sa 'yo," natatawang sabi ni Amaris pagkatapos makita ang reaksiyon ni Atticus, "Thank you again." "My pleasure. Have a wonderful day, Amaris." Ngumiti lang si Amaris bago tuluyang naglakad papasok ng building habang pinagmamasdan lang siya ni Atticus. Lumingon si Amaris kaya nginitian din siya ng lalaki bago ito umalis. "Besshyy!" Napatigil si Amaris sa paglalakad sa hagdan nang marinig na tinatawag siya ng kaibigan. Lumingon ito at isang malapad na ngiting may pagdududa ang tingin na sumalubong sa kaniya. Napakunot ang noo nito sa inasta ni Cleo. "Anong mayroon at bakit parang timang ka?" nagtatakang tanong nito. "Hindi ba't ako dapat ang magtatanong sa'yo niyan?" "Huh?" "Anong mayroon bakit magkasama kayo ng kaibigan ng mokong na 'yon?" "What's the big deal about it? Hindi ba pwedeng nagkasabay lang kami?" Pumalakpak ang kaniyang kaibigan. "You're not qualified to be a great pretender, Amaris," sabay ngiti nito ng nakakaloko. "Alam natin na nagkita kayo ni Ryker kahapon. Siguro nag-away ulit kayo kaya ka gumaganti sa kaniya, noh?" "Don't make a scene here, Cleo. Dali na late na tayo sa klase!" saad nito bago hilahin ang kaibigan. "Okay. Pero, I need to know even the single details after ng class natin, ha," tugon ng kaibigan. "Oo na. Bilisan na natin," sabi ni Amaris, bago pa tuluyang humaba ang interogasyon sa kaniya ng kaibigan. ***** Katatapos lang ng last subject nina Amaris. Nakaupo siya ngayon sa isang bench sa ilalim ng puno habang seryoso sa kaniyang isinusulat. Hindi niya alintana ang ingay nang mga estudyanteng dumaraan at ang mga free buses sa kanilang campus. Patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa at seryoso itong tinatapos. "Ano na naman 'yang sinusulat mo?" Mabilis niya itong tinakpan ng kaniyang bag ng maawat ang kaniyang atensyon ng taong nasa harap niya ngayon. "Ah! Milio, ikaw pala 'yan. Wala, tinatapos ko lang ang pinapagawa sa aking article." "Bakit mukhang nagulat ka nang makita ako?" "Hindi naman. Nabigla lang. Ano nga palang kailangan mo?" "Wala naman. Nakita kasi kitang seryoso rito, kaya pinuntahan na muna kita. Nasaan nga pala si Cleo? Bakit hindi mo siya kasama ngayon?" "Bumili lang ng snacks sa cafeteria kasama sina Janea at Erzhian. May tinatapos kasi kaming articles ngayon dito. Kailangan na naming gawin ngayon kaya medyo busy kami. Nagpa-iwan ako kasi nakakatamad din namang maglakad." Napatango-tango ang kausap. "Ganoon pala. O' sige, sasamahan na lang muna kita rito," tugon nito. "Sure, maupo ka muna," saad naman ni Amaris. Kinuha ni Amaris ang notebook na kaniyang sinulatan ng interview niya kay Ryker. Nagsimula niya itong pinagtagpi upang mabuo ang feature na ginagawa niya. Ginawang feature article na lang ni Janea ang pagiging bayani ni Ryker. Kaya imbes na balita ang isinusulat ni Amaris, naging feature article ito. Napansin naman ni Appolirio ang pangalan sa draft ni Amaris kaya napatanong ito. "Kwento ba ni Ryker 'yang sinusulat mo?" tanong nito, nais klaruhin ang nabasa. "Ah, ito ba? Oo, ito kasi ang assignment ko sa publication," tugon niya. "About saan naman 'yan?" "Tungkol doon sa insidente na kinasangkutan ko. Remember noong hinanap ko si Ryker sa building nila?" "Ay, oo nga pala. Sorry, I forgot. Ano nang balita pala tungkol sa nangyari sa'yo?" "Ewan ko rin. Basta, may kutob ako kung sino ang may gawa noon. Isa pa, nabobosesan ko pa rin ang lalaking nakausap ko. Gusto ko nga sanang makausap si Reymar dahil alam kong may alam siya," paliwanag naman ni Amaris. "Ikaw ba? Kumusta ka na? Tsaka nga pala, thank you sa pagtulong na mahanap ako." "Wala 'yon. Magkaibigan naman tayo. Huwag kang mag-alala, Amaris, tutulungan kita sa paghahanap sa nagpadakip sa'yo." "Salamat ulit." "Tsaka nga pala, mauuna na ako, kasi baka hinahanap na ako nila Ryker. Hindi ko na rin mahihintay si Cleo," paalam niya. "Ako na lang magsasabi sa kaniya kung gusto mo. Ano bang ang sasabihin mo?" saad ni Amaris. "Okay lang. Hindi naman masyadong importante 'yon. Sige, Amaris, mauna na ako," pagpapaalam ni Milio. "Sige, see you around." Tuluyan nang naglaho si Milio sa paningin ni Amaris. Nagpatuloy lang ulit si Amaris sa kaniyang pagsusulat. Ilang minuto na rin ang lumipas ngunit wala pa rin ang kaniyang mga kaibigan. "Pwede bang mang-istorbo?" Napatingala si Amaris sa nagsalita sa kaniyang harap. Tsaka niya lang namukhaan muli kung sino ang nakatayo sa kaniyang harap. Mala-demonyo itong nakangiti sa kaniya. "W-why are you here?" tanong kaagad ni Amaris. "Easy, bakit parang nagulat ka naman na makita ako rito?" "I thought you were gone. Bakit ka pa bumalik dito? Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Amaris, bakas ang galit sa boses nito. "Bumalik lang ako rito dahil ipinatawag ako ng office, okay. Kalma, hindi naman kita gagambalain," tugon nito. "Bakit mo nagawa sa 'kin iyon?" "Amaris, you know how much I like you simula pa lang noong first day. But I want to tell you one thing, kung bakit ako nagpunta rito." Nagtataka si Amaris. "A-ano naman 'yan? Total, matagal na rin kitang gustong maka-usap," tugon ni Amaris habang naka-kamao na ang kaniyang mga kamay. "I want to tell you one thing. Naipit lang ako kung bakit ko nagawa iyon sa iyo. And I want to warn you, kaya ako lumapit sa'yo ngayon dito. I like you, Amaris, at totoo 'yon. Kaya sana mag-ingat ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo ngayon. Ayaw kong sa 'kin manggaling lahat. Alam ko na darating din ang araw, makikilala mo kung sino ang nasa likod kung bakit nangyari sa'yo iyon." "Sino naman sa tingin mo ang dapat maniwala sa pinagsasabi mo?!" "Hindi kita pipilitin, Amaris. The reason kung bakit ako umalis dito dahil ayaw ko nang masangkot sa gulo. Napagbantaan na rin ako kaya ako napilitang umalis din dito. Thank you dahil hindi mo ako pinakulong sa kabila nang nagawa ko. Sorry, Amaris," tugon nito. "I have to go dahil nandiyan na ang mga kaibigan mo," pagpapaalam sa kaniya ni Reymar. "Sabihin mo sa akin kung sino, Reymar?!" "Sorry, Amaris, but I have to go." "Reymar!" Hindi na nagpapigil pa si Reymar at dali-daling naglakad palayo. Hindi na ito lumingon pa kay Amaris hanggang sa nawala na lang ito sa kumpulan ng mga mag-aaral na naglalakad din. Napaupo si Amaris sa bench at biglang binalikan ang lahat ng nangyari. "Sino ba talaga ang tinutukoy mo, Reymar? O baka pinagtatakpan mo lang talaga ang sarili mo kaya mo inililihis ang lahat," napatanong niya sa kaniyang sarili. "Amaris, sino 'yong kausap mo dito kanina?" agad na tanong ni Cleo sa kaniya, habang inilalapag sa mesa ang binili nitong pagkain. Nakarating na pala sila at hindi iyon namalayan ni Amaris. "W-wala. Nagtanong lang kung nasaan ang banyo," sagot naman nito. "Oh, bakit naman parang namumutla ka?" "Nagugutom lang ako. Kanina pa kasi kita hinihintay," palusot niya. "Sorry, kasi naman 'yong dalawa, eh, busy sa lampungan kaya natagalan ako!" "Nasaan na pala sila?" "May kinuha lang sa office. Susunod na lang daw sila rito. Sige na, kumain ka na." "Thank you." "Wait!" awat muna ni Cleo. "Tama ba ang narinig ko mula sa'yo? You said, 'thank you'? Tsaka hindi ka pala ngayon nagreklamo ng binili ko, ha?" "Bakit?" "Wala lang. Mukhang ang bait mo ngayong araw, este nitong mga nakaraang araw. Hindi ka na nagtataray. Akala ko pa naman dalaw mo ngayon," biro ni Cleo. Pinanlakihan siya ng mata ni Amaris. "Sige pa!" "Sorry na. Ito naman ang seryoso mo sa buhay. Paiba-iba kasi 'yang ugali mo. Kumain ka na diyan, Peace na tayo," dagdag pa ni Cleo. @phiemharc - Hindi Tugma (K14)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD