CHAPTER V

1714 Words
Chapter 5 Binungad ng magulong seniors ang loob ng library. Doon pinili ni Amaris magpunta para makapag-isip ng maayos. For regular students like him, tuloy pa rin ang klase nila bago ang Sportsfest. Wala naman siyang sinasalihan kaya kailangan niyang pumasok sa klase. Besides, anim na lang silang magkaklase ang pumapasok dahil ang iba ay mga kalahok at may iba’t-ibang patimpalak na sinalihan. Gayunpaman, mas pinili na lang niya munang lumiban sa isang subject. “Hi!” bati sa kaniya ng isang lalaki. Tumigil ito sa lamesa kung saan siya nakaupo. “Yes?” walang emosyong sagot niya, habang nagbabasa ng libro. “Can I have a sit here? Wala na kasing bakanteng mesa.” “Hindi naman sa akin ang mesang ‘to. Wala sa akin ang tamang desisyon para payagan kita. It means, pwede kang umupo,” pagsusungit niya. “Thank you.” Hindi nagtagal ang salitan ng kanilang mga salita. Tila wala namang balak si Amaris na kilalanin ang umupo sa harap niya. “I’m Reymar Grinfford, Rey for short,” pagpapakilala ng lalaki. “I know you. Ikaw ‘di ba yung full of confidence kong blockmate? So, you don’t need to introduce your name.” “Pasensiya ka na kung na-offend kita no’ng una tayong nagkita. I didn’t mean it.” “It’s okay. Ganoon naman talaga kapag mayaman at pinagkakaguluhan ng marami. You have the audacity to belittle someone below your level, right?” “No— I mean, seryoso naman ako sa sinabi ko.” “Really? Seryoso ka saan? That you have a crush on me? Haha… are you an idiot? Hibang ka ba?” natatawang sagot ni Amaris. “No, I won’t like you. I like girls not someone like you, okay?” “Aminin mo na kasing hindi ka straight!” pagpupumilit ng lalaki. “Kung aaminin ba ako, titigil ka ba?” “No!” “See, there’s no point to tell you who I am and what really my gender is. I know for myself that I am a man and I only had a crush to girls. Kung nakiupo ka rito para bastusin o guluhin ako, Please, marami pa akong gagawin.” “Tandaan mo ‘to. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko mapapatunayan na gusto mo ‘ko,” bulong nito, “I’m sure, magiging akin ka rin,” nakangiti pa nitong usal. “Break a leg,” pang-aasar naman ni Amaris. Hindi na nakapagtimpi ang lalaki at bigla na lang hinablot ang kwelyo ni Amaris. Napatayo si Amaris sa kaniyang kinauupan dahil sa ginawa ni Reymar. Naglapat ang kanilang mga labi na siya namang kinabigla ng mga estudyante sa loob ng library. “Tarantado ka, ha!” galit na saad ni Amaris, sabay sinuntok si Reymar. Napaatras si Reymar nang masuntok ito sa mukha. Nagkaroon ng konting dugo naman kaagad ang bibig nito. “Gusto mo rin naman ‘yan, hindi ba?! Bakit ba ang arte mo?!” “Nag-aral ako rito hindi para magpabastos. Kaya galangin mo ako bilang mag-aaral ditto, dahil hindi ako bastos na kagaya mo. Mahiya ka naman tarantado ka!” sumbat ni Amaris. Umiiyak na lumabas si Amaris sa library. Hindi niya inasahan na ganoon siya kalala tatatruhin ng isa nitong kaklase. “What is happening here?” tanong naman ng kararating na librarian. “None, Ms. Librarian. May konting ‘di pagkakaintindihan lang,” pagsisinunggaling ng isa sa mga seniors na nakakita ng nangyari. “Thanks,”sabi ni Reymar sa nagtakip ng pangyayari, bago nilisan ang library. ***** “Tahan na.” Nag-aalalang pinapakalma ni Milio ang umiiyak na si Amaris. Sa rooftop dinala ni Milio si Amaris nang makita niya itong umiiyak. Mas napalakas pa ang hikbi naman ni Amaris ng damayan siya ng kaniyang senior. Hinayaan lang ni Milio na ibuhos ni Amaris ang nararamdaman. Makalipas ang ilang sandal, biglang naging tahimik ang lugar. “Are you feeling okay now? “ Tumango lang si Amaris. “Ano ba talaga ang nangyari? Usap-usapan ng mga seniors ang nangyari sa library kanina,” sunod-sunod na tanong naman ng kausap. “H-Hindi ko alam kung bakit ang liit-liit ng tingin sa akin ng mga tao. Nangarap lang naman ako magtapos sa paaralang ito, pero bakit ang sama naman ng pagpasok ko rito. Limang buwan pa lang ang lumipas pero ang dami ng hindi magandang nangyari sa akin. I can’t believe na may mga tao palang kayang gawin nila iyon sa harap ng maraming tao.” “Shhh… Huwag kang mag-alala. We will give him a lesson,” tugon naman ng senior niya, na hinahaplos ang kaniyang likuran. “Thank you for being there every time I need a shoulder to lean on,” pagpapasalamat ni Amaris kay Milio. After what happened, the rooftop became a safe haven of Amaris everytime he feels the burden of society’s judgment. Mas nabibigyan siya ng peace of mind sa tuwing pumupunta siya sa rooftop ng kanilang building. Dito rin siya dinadala ni Milio sa tuwing nakikita siyang stress o may problema ito. Naging malapit na rin sila na parang matagal na magkaibigan. Ngunit, hindi naman ganoon kalapit ang loob nila sa harap ng maraming tao. Ngunit sa mga sumunod na buwan, bigla na lang naglaho ang pagiging malapit ni Milio kay Amaris. Pinili na rin ni Milio na hindi maging konektado ng kusa kay Amaris. Ayaw na niyang pahirapan ang nangyayari— for himself and Amaris. Kaya nalimitahan na ang pakikipag-ugnayan niya kay Amaris. Milio slowly realizes na nagkakaroon na siya ng gusto sa tinuturing niyang junior student. Natatakot siya na umamin dahil alam niyang hindi magiging maganda ang resulta. Kaya habang ramdam niya iyon, lumalayo na siya nang paunti-unti. Kaya nagiging present lang siya kapag kailangan ni Amaris ng karamay. Ginawa na lang niyang busy ang kaniyang sarili para hindi na mas lalong lumalim ang kaniyang nararamdaman. Subalit, sa tuwing kasama niya si Amaris hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng pagmamahal sa binata. “Kailangan ko na pa lang umuwi. Malapit ng mag-gabi,” paalam ni Amaris. “Ihahatid na kita sa gate,” alok ni Milio. Ginabi na sila sa rooftop. Kaya hindi na tumanggi si Amaris. Inihatid siya ni Milio sa gate ng campus. May dorm si Milio sa campus, samantalang umuuwi si Amaris sa kanilang bahay. Sumakay na si Amaris sa jeep at kumaway pa ito pahiwatig nang pagpapaalam. “Thank you,” saad ni Amaris sa kaniya sa malayo. “I like you,” sagot naman nito nang mahina at pagkuwa’y ngumiti. ***** “Hey! I’m sorry! I just want to be friends with you lang naman, ha!” “Hoy, Amaris! kausapin mo ako!” “Tandaan mo ‘to. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko mapapatunayan na gusto mo ‘ko!” “Damn!” napamurang sabi ni Amaris sa sairli. Bumabalik kasi ang mga nangyari sa library ng kaharap niya si Reymar. “Ang lakas ng loob ng kumag na ‘yon na lumapit sa ‘kin!” inis na saad pa niya, habang kaharap ang kaniyang laptop. Pagkatapos niyang umuwi ay nagbihis siya kaagad. Humarap din siya sa kaniyang laptop upang magtipa ng kaniyang gagawin. Hindi siya makapag-focus ng maayos dahil naaalala niya ang lalaking muntikan na niyang makaaway sa library kanina. Subalit hindi niya na lang iyon ininda pa at bumalik sa kaniyang ginagawa. Milio has sent you a message… Agad naman niyang kinuha ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa ng tumunog ito. Binasa niya ang mensahe na nanggaling kay Milio. :How are you? :Kumain ka na ba? :Nakauwi ka ba ng ligtas? Sunod-sunod na mga katanungan na bumungad sa kaniyang messenger mula kay Milio. Napangiti siya nang mabasa ang mga ito. Hindi niya inasahan ang mga tanong ni Milio sapagka’t inakala niyang hindi na magme-message sa kaniya ang lalaki. Subalit, nag-iba ang ihip ng panahon at tila nagpaparamdam na muli ang kaibigan. :I’m good. Nakauwi rin ako ng ligtas at kumain na rin. How about you? :Hindi pa ako nakakain. Hearing that you are full is already enough for me. :Sira! :May sasabihin sana ako… :Huh? Ano ‘yon? :I just want to say na I like… :Na ano? Pabitin pa ‘to! :Basta na I like… that’s enough… :I’ll get mad if hindi mo sasabihin… Lumipas ang limang minuto at hindi pa nag-reply si Appolirio. Kinutuban si Amaris sa dalawang salita na nabasa mula kay Milio. Subalit, hindi niya iyon pinansin sapagka’t marami ang pwedeng idagdag sa salitang iyon. “Anak?” Napabalik siya sa sarili nang marinig ang tawag ng kaniyang ina. Agad niyang pinatong ang kaniyang cellphone sa mesa at nagtungo sa pintuan ng kaniyang kawarto. Pagkabukas niya ng kaniyang pintuan ay binungad siya nga ngiti mula sa kaniyang ina. “Yes, ma?” “Itatanong ko lang sana kung may bisita ka sa fiesta natin, para kako mapaghanda natin sila.” “Tatanungin ko po sila Cleo kung pupunta. Pero, alam ko naming pupunta ‘yong mga ‘yon, ma.” “Sige, anak. Ipaghahanda natin sila ng masarap na pagkain.” “Pero, ma, huwag na tayong maghanda. Gastos lang ‘yan. Malapit na rin ang bayaran ng tuition.” “H’wag kang mag-alala, anak. Hahanap ng paraan si mama.” “Ma, huwag na lang. Maiintindihan din ng mga ‘yon na kapos tayo.” “Anak, once a year lang ang fiesta sa atin, kaya hayaan mo na. Para at least makasama mo rito ang mga kaibigan mo.” Hindi nakaimik si Amaris. Alam naman niyang kahit pilitin niya ang kaniyang ina ay hindi ito papayag sa kaniyang kagustuhan. “Thank you, ma,” naisagot niya na lang. “Para sa iyo, anak. O’ siya, baka naiistorbo na kita diyan. Magpahinga ka ng maaga at h‘wag kang masayadong magpuyat.” Ngumiti si Amaris sa kaniyang ina. “Goodnight, ma.” “Goodnight, anak.” Hinalikan si Amaris ng kaniyang ina sa noo. Agad naman nitong isinarado ang pinto pagkaalis ng kaniyang ina. Wala naman siyang nagawa dahil kahit kulang na sila sa budget ay naghahanda pa rin ang kaniya ina sa fiesta taon-taon. Palagi na lang niyang inaalala na fiesta will forever be fiesta, kahit gaano kakapos, dapat naghahanda. Cliché man pakinggan, “once a year lang naman.” @phiemharc – Hindi Tugma (K5)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD