Chapter 6
"Nakita mo ba si Amaris?" natatarantang tanong ni Cleo kay Milio.
"Hindi- teka, b-bakit ano bang nangyari?" nagtatakang tanong ni Milio.
"Kanina pa siya nandito sa campus sabi ni tita sa 'kin. Pero hindi ko pa rin siya nakikita," balisang sagot ni Cleo sa kausap.
"Baka nasa library lang. O sa swimming pool area."
"Paano? Opening ng Sportsfest kaya ngayon. Imposible naman 'yang sinasabi."
Nasa gymnasium na ang lahat ng education students para sa huling announcement ng kanilang Dean. Bubuksan na ang ika-45 taon ng SportsFest ngayon araw. Subalit, hindi pa rin mahagilap ni Cleo ang anino ng kaniyang kaibigan. Sinundo niya kasi kanina si Amaris sa kanilang bahay, pero sabi sa kaniya ng ina nito ay maaga siyang umalis papuntang campus. Magsisimula ang buong event sa hapon. Ngayong alas-dies ng umaga naman magsisimula ang opening program. It's already nine in the morning pero wala pa si Amaris sa campus.
Malakas ang kutob ni Cleo na baka may masamang nangyari sa kaibigan. Kakambal pa naman ng gulo si Amaris kaya mas lalo siyang kinutuban. Kakarating niya lang din sa campus kaya ganoon na lang siya kabalisa. Lahat ay dapat nasa loob na ng kanilang gymnasium, kaya imposibleng wala si Amaris. Hinanap niya ito at nagtanong-tanong sa kanilang mga kaklase, subalit hindi rin nila ito nakita.
"Tatawagan na lang kita kapag nakita ko siya. Kailangan ko na kasing pumunta backstage. Magsisimula na mayamaya ang opening program," paalam ni Milio.
"S-sige, salamat."
Isa sa department officers ng kanilang departamento si Milio. Kaya masyado itong busy simula pa noong nakaraang linggo. Hindi na rin ito nakakasama sa kanila Cleo, kaya hindi niya siguro napansin si Amaris.
"Janea!" tawag nito nang makita ang kaibigan, kausap ang ilan sa mga estudyante.
"Oh, bakit parang praning ka diyan?" tanong ng kaibigan nang lumapit ito.
"Nawawala si Amaris!" sabi niya.
"Huh? P-paano? Nakita ko pa siya kanina, ha."
"Really? Bakit wala siya rito ngayon? Dapat nandito lang 'yon!"
"Baka lumabas lang at may binili? Hintayin mo na lang kaya. Para ka na kasi diyang baliw."
"Anong nangyayari?" Mya biglang nagtanong sa likuran ni Cleo.
"'Yan na pala siya, eh," tukoy ni Janea sa nagsalita.
"Amaris!" Mabilis na niyakap ni Cleo ang kaibigan.
"B-bakit? Ano bang mayroon?" nagtatakang tanong nito.
"A-akala ko kasi nawala ka! Nabalitaan ko kasi ang nangyari no'ng Friday. Natakot lang ako baka ginulo ka na naman ng kumag na 'yon," nababahalang litanya ng kaibigan.
Napangiti si Amaris. "They can't do it to me, okay? Baliw ka ba? I can protect myself," paggulo kaagad ni Amaris sa buhok ni Cleo.
"O siya, maiwan ko na kayo, kasi kailangan ko pang mag-interview, okay? Anyway, Anais assignment mo 'yong swimming event mamaya, ha. See you around," pagpapaalam naman ng kaibigang si Janea.
Tumango lang si Cleo bilang sagot.
"Ikaw talaga pinakaba mo 'ko!"
"Ganyan mo ba talaga ako kamahal? Naku! Wala ka lang kasama sa event kaya mo 'ko hinahanap, ano?" pagbibiro ni Amaris.
"Oo, ano? Happy ka na?" pagsusungit ng kaibigan.
"Noong Friday, wala 'yon. Bastos lang talaga ang kaklase natin. Ang bilis din pala kumalat ng chismis sa campus, no? Sa tuwing ako 'yong issue, sobrang bilis. Nang nakilala ko si Appolirio, nakaaway ko si Ryker, at nakagitgitan ko si Reymar, parang kakainin ako ng mga estudyante. Hindi ko ba rights na ipagtanggol ang sarili ko?"
"Hayaan mo na kasi 'yong mga nega na 'yan. Papansin lang yan sa life natin-"
"Good morning, Zechoxians!" pagbati nang nagsalita sa entablado. "I am happy, at the same time, thankful for your active participation in our annual Sports festival. I hope you'll enjoy our three-day event," masaya pa nitong sabi, "I won't prolong your agony of waiting. I wish you luck and bring home the victory for our department. Basta-Education students, Talentado! Good luck. You may now proceed in the field," anunsiyo ng dean.
Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang lahat. Ang ilan ay sinisigaw ang yells ng Education Department. Hindi makikitaan ng lungkot ang bawat isa, dahil sobrang saya nila sa unang event na gugunitain sa kanilang campus.
"Samahan mo 'ko sa swimming event mamaya, ha," bulong ni Cleo kay Amaris, habang naglalakad sila palabas ng Ed Hall.
"Sure," maikling sagot ng kaibigan.
*****
Nasa loob na ng Zechoxia Stadium ang lahat. Dala nila ang kani-kanilang baon na yells. Iba't ibang kulay ng damit ang pumuno sa mga upuan ng stadium. Ito ay naka-base sa kanilang departamento. Maingay ang buong stadium habang nag-aabang sa pagbubukas ng Sports festival.
Mayamaya pa ay umakyat na nga ang University President sa isang platform sa gitna ng field. Nakangiti itong sinalubong ng lahat. Nagsalita na ito at ibinahagi ang mga naging milestone ng unibersidad.
"...I am happy to announce that the 45th Sports Festival is now open!" masiglang pagbubukas nito ng festival.
Nagpabilisan din ang mga dean kasama ang kanilang department governor sa pagtaas ng banner. Masaya ang lahat at napuno ng sigawan, tawanan, at palakpakan ang buong stadium. Nagkaroon din ng pagsabog ng confetti sa buong paligid.
"Anong oras ang swimming event?" bulong ni Amaris dahil sa sobrang ingay.
"Mamayang gabi pa raw!" pasigaw na sagot naman ni Cleo dahil sa ingay.
"Uuwi na muna ako dahil may naiwan ako!"
"Ano ba 'yon?!"
"Napkin ko!"
"Huh? Nagbibiro ka ba?"
"Syempre, oo. Ang slow mo rin kasi, no? Kukunin ko lang ang notebook at ballpen ko. Nakalimutan ko pala sa study table ko!"
"Gamitin mo na lang 'yong notebook ko!"
"Ayaw ko nga! Magkita na lang tayo sa swimming area mamaya. I-message mo na lang ako. Matutulog na lang din muna ako. Wala naman tayong participation dito. I'll reserve my energy mamaya sa swimming event to support Erzhian."
"May attendance, gage!"
"Di naman 'yon importante. Sige na. Mauna na ako!" nagmamadaling paalam ni Amaris.
Hindi na nagpapigil si Amaris at iniwan ang kaibigan. Gusto man na sumunod ni Cleo ay hindi pa rin pwede. May assignment siyang dapat gawin. She was assigned to cover the running, table tennis, and swimming events. Subalit, nagpasama lang siya kay Amaris to feature the swimming event dahil gabi gaganapin iyon. Magkasama kasi silang umuuwi tuwing gabi, kaya mabuti naman at pumayag ang kaibigan.
*****
Sumapit ang alas sais ng gabi ngunit hindi pa rin nakakabalik si Amaris. Naghihintay pa rin si Cleo sa gate ng swimming area. Palinga-linga siya na baka sakaling parating na ang kaibigan. Subalit, magsisimula na ang laro wala pa rin si Amaris.
"Hindi siya nale-late, bakit ganoon?" tanong ni Cleo sa kaniyang sarili.
Tinawagan niya ang ina ni Amaris. "Good evening po, tita. Nandiyan pa rin po ba si Amaris? Kanina ko pa po kasi siya hinihintay dito."
"Kanina pa nakaalis, iha. Bakit? Hindi pa rin ba kayo nagkita?" tanong ng babae sa kabilang linya.
"Hindi pa po, eh. Hinihintay ko nga po siya, kasi magsisimula na ang laro."
"Hintayin mo na lang. Baka naglakad lang papunta diyan si Amaris. I-message mo ako kung magkasama na kayo, ha?"
"Sige po, tita. Thank you."
"Sige, iha."
Binaba ng kabilang linya ang tawag. Pinagpapawisan na sa kaba si Cleo. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya kanina pang umaga. Sinusubukan naman niyang pakalmahin ang sarili para makapag-pokus nang maiisip.
"We will now start the swimming event for 100 meter backstroke," dinig niyang anunsiyo sa loob.
"Naku po!" natataranta niyang sambit. "Nasaan ka na ba kasi agi?" pabalik-balik na lakad nito ng makailang tawagan ang kaibigan.
Subalit hindi pa rin ito sumasagot kahit na panay naman ang ring ng kabilang linya. Hindi na siya mapakali kaya agad tinawagan si Milio para magtanong. Mabuti at agad naman sinagot ang kaniyang tawag.
"Oh, Cleo, napatawag ka?' tanong ng kabilang linya.
"Nasaan ka?"
"Nandito sa office ng department. Naghahanda ng snacks para sa manlalaro sa swimming."
"Can I ask your help?"
"Bakit? Anong nangyari?"
"Nawawala kasi si Amaris-" naluluha nitong sabi, "kasi sabi niya magme-message siya kapag papalapit na siya. Tinatawagan ko rin siya pero hindi naman siya sumasagot. Sabi rin ni tita sa akin ay kanina pa siya nakaalis. Hindi ganoon si Amaris, eh!" paliwanag nito.
"Nasaan ka ba?"
"Dito ako sa labas ng swimming area. Kasi sabi ko sabay kaming magfe-feature ng swimming event. Please, help me find him. Masama talaga ang kutob ko!"
"Sige. Hintayin mo 'ko diyan. May tatawagan lang ako," tugon naman nito.
"Bilisan mo, please. Hanapin na natin siya!"
"Sige, papunta na kami diyan!" sabi ng kabilang linya, bago ibaba ang telepono.
Ilang minutong naghintay si Cleo. Medyo malayo ang kanilang department building kung saan nakatirik ang swimming area. Mayamaya lang ay nakita niya ang isang pamilyar na lalaki na papalapit sa kaniya.
"What happened?" tanong ng nag-aalalang lalaki na kaharap niya.
Natulala si Cleo ng ilang segundo. "Ba-bakit ka nandito? Paano mo nalaman?"
"Nasaan ang kaibigan mo?!" nanggagalaiting saad ng lalaki.
"Diba may laro ka pa-"
"Nasaan siya?!"
"Hi-hindi ko alam. Hindi ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon. Hindi naman siya sumasagot sa mga tawag ko," may takot na paliwanag ni Cleo.
Agad naman pinutol nang nagmamadaling lalaki ang tensiyon sa kausap ni Cleo. "Nakita niyo na siya?" tanong ni Milio na hinahabol ang hininga pagdating.
"Hanapin na natin siya!" utos sa kaniya ni Ryker.
"Sige! Humingi ka ng tulong Cleo sa mga officers. Kami na maghahanap," utos ni Milio.
"O-oo. Mag-ingat kayo," kinakabahang sagot ni Cleo.
Mabilis nang tumakbo patungo sa mga buildings sina Milio at Ryker. Hinanap nila si Amaris sa bawat sulok ng building subalit hindi nila ito makita. Naubos na rin nilang nilibot ang bawat building pero wala pa rin ang anino ni Amaris.
*****
Nagpupumiglas si Amaris ng may biglang nagtakip sa kaniyang ulo habang naglalakad papasok ng campus. Dumaan siya sa College of Commerce building para mas mabilis na makarating sa pool. Subalit may biglang humarang sa kaniya at dinukot siya.
Dinala siya ng grupo ng kalalakihan sa likod ng isang building. Nakatali siya ngayon sa isang upuan habang may piring sa mata at nakatakip ang bibig. Pinipilit niyang sumigaw pero kahit anong gawin niya ay wala pa rin itong silbi.
"Ahh!" sigaw niya, nang may tumamang kamao sa kaniyang mukha.
"Hindi ba sabi ko sa'yo 'wag kang maingay!" sabi ng lalaki.
"Pa-pakawalan mo ako rito!" sigaw ni Amaris, ngunit hindi klaro dahil sa takip nito sa bibig.
"Tumahimik ka nga sabi!" muli na naman siyang sinuntok nito. Sinipa rin siya ng tatlong beses sa tiyan kaya namilipit siya sa sakit.
Wala siyang nagawa kung hindi ang umiyak. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Naguguluhan din siya kung bakit dinukot na lang siya ng biglaan. Mukha ring sobra ang galit sa kaniya ang dumukot. Wala naman siyang naging kaaway ng malala sa campus maliban kina Reymar at Ryker.
Unang pumasok sa isip niya na si Ryker ang may kagagawan ng lahat. Nakaramdam siya rito ng galit. Hindi niya mapaliwanag ang dapat niyang maging reaksyon. Hindi pa rin siya tinigilan ng binata ang rason kung bakit siya nahantong sa sitwasyon niya.
"Magbabayad ka!" saad nito sa sarili.
Bakas ang pamumuo ng pawis sa katawan ni Amaris. Ang kulay abo nitong damit ay may dungis na. May bahid na rin ito ng dugo mula sa kaniyang bibig. Muli siyang sinuntok ng lalaki dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Naisip niya na sana dumating ang kaniyang mga kaibigan at si Milio para tulungan siya ngayon.
"Tama na 'yan," utos ng pamilyar na lalaki. Nadinig niya ang bakas ng mga yabag nito sa damuhan patungo sa direksyon niya.
"Hindi ba sabi ko sa'yo, Amaris, akin ka lang!" sabay bulong nito sa kaniya.
@phiemharc - Hindi Tugma (K6)