CHAPTER VII

2076 Words
Chapter 7 Nalibot na nina Milio at Ryker ang buong campus, ngunit hindi nila mahagilap si Amaris. Bakas na rin ang pagod sa kanilang mga mukha. Tumatagaktak na ang kanilang pawis sa kaliwa't kanang katatakbo. "What is happening, Ryker, Milio?" Napalingon sila sa nagsalita. It's Mr. Aldrine Gabayas, one of their professors, who gave them a what-is-wrong look. Nagkatinginan muna sila Ryker at Milio. Nagtatanungan kung sino ang sasagot sa kanilang propesor. Sinagot ni Milio ang gurong kanina pa naghihintay sa kanilang sagot. "We have a problem, prof," habol-hiningang sagot ni Milio. "One of our freshmen is missing." "Who?!" biglang tanong ng propesor. "Mr. Amaris Redeo from 1-A," kaagad na sagot naman ni Ryker. "And you are?... Oh! You are from the College of Engineering, right?" "Yes, Prof. Sa Engineering Department siya. Pero, we need to first search for Amaris, prof," singgit ni Milio. "Paano niyo naman nalaman na nawawala siya?" "Instead of asking us why, can you just use your authority to help us look for that guy?" inip na nasagot ni Ryker. "Ryker, professor namin ang kausap mo," pagpapaalala ni Milio sa kaibigan. "I'm sorry." Humingi naman ng tawad ang binate sa propesor. "Nadala lang po ako." "Okay, tatawagan ko ang guards para tulungan kayo. Tawagan mo 'ko Milio kung may balita ka na sa kaibigan mong nawawala, and I'll do the same." "Opo, Prof." Iniwan sila ng guro na dumeretso sa guard house. Bumalik naman sina Milio at Ryker sa pool area para balitaan si Cleo na hindi pa nila nahanap ang kaibigan. Subalit napahinto sila ng may nakasalubong na tatlong lalaki. "Mukhang pagod na pagod yata kayo, ha. Ano bang nangyayari? May running events pa rin ba sa field?" pilosopong tanong ng isang lalaki, suot ang t-shirt ng College of Education. "I know you," sabi ni Milio, tinutukoy ang lalaki. "Hindi ba ikaw ang nambastos kay Amaris sa library?" "Paano mo naman nasabi? Anong pruweba mo, part?" "I have pictures!" "Saan? Sa isip mo? Wala kaming oras para sa kahibangan mo, part," sagot ng kausap. "I am still your senior, bata. Kaya wala kang karapatan na bastusin ako ng ganyan." "Wala akong pakialam kung sinong senior citizen ka man, part!" diin na sambit ng lalaki. "Tara," anyaya nito sa mga kasamang kaibigan. Tinabig ng siko ng lalaki si Milio nang maglakad ito sa gitna nila ni Ryker. Hindi naman nakapagpigil si Ryker at hinawakan ito sa balikat para pigilin. Mabilis niyang pinatamaan ng suntok ang lalaki. Agad naman na gumanti ang kasama ng lalaki kay Ryker, kaya napasabak na rin sa suntukan si Milio. Nagkainitan ang dalawang grupo. Ilang minuto din ang nagtagal bago sila maawat ng kararating lang na guwardya. Mabilis silang pinaghiwalay at nagtamo naman ng pasa ang nakasuntukan ni Ryker. "Ano bang problema mo, part?!" galit na tanong ng lalaki, nang humupa ang tension. "Anong problema ko? 'Yong utak mong ugok ka nilagay mo sa bibig mo," sagot ni Ryker. "F*ck you!" galit na sabi ng lalaki. Ngumiti lang si Ryker sabay sabing, "F*ck yourself, asshole!" "Magkikita pa tayo! Hindi kita papatulan ngayon! Isa ka pang bakulaw ka!" tukoy nito kay Milio at Ryker. Tuluyan na nga silang hinila ng guwardiya. Naging tahimik bigla ang lugar. "Pasensiya ka na, Ryker. Nadamay ka pa." "Bagay lang sa lalaking iyon ang ginawa ko- teka, 'di ba sabi mo nakaaway ni Amaris ang ugok na 'yon?" "Oo," sagot ni Milio, "Usap-usapan kasi ng mga seniors na binastos niya si Amaris sa library nang nakaraang linggo," paliwanag niya. "Bakit 'di mo sinabi sa 'kin iyon? Kulang pa pala ginawa ko sa ugok na lalaking iyon, eh!" inis na sabi ni Ryker. "Kaya nga may kutob ako na-" "Ano, Milio?" "Baka siya ang dumukot kay Amaris, Ryker." ***** Tinawagan ni Cleo ang ina ni Amaris, si Gng. Lorelia Redeo. Hindi naman inasahan ng ginang ang nabalitaan mula sa kaibigan ng kaniyang anak. Nagmadali itong nagpunta sa unibersidad. May mga grupo na rin ng mga pulis ang nagpunta sa unibersidad. Ang ilang mga estudyante na nasa labas ay nagtataka na rin kung anong nangyayari. Sa kabila nito, hindi itinigil ang swimming events. Rinig pa rin kasi ang hiyawan ng mga mag-aaral na hindi alam ang nangyayari sa labas. "Nakita niyo na ba ang anak ko?!" umiiyak na tanong ng ina ni Amaris sa mga kapulisan. "Hindi pa po, Misis. Ginagawa na namin ang lahat. Wala siya ditto sa campus, kaya maaaring sa labas ng unibersidad na ito nangyari ang pagdukot sa kaniya," paliwanag ng isang pulis. "Hanapin niyo po ang anak ko, parang awa niyo na," pagmamakaawa ng ginang. Sinusubukang pakalmahin ni Cleo ang ina ng kaibigan. Mayamaya pa'y dumating na rin sina Milio at Ryker malapit sa entrance gate, kung nasaan sina Cleo at ang ina ni Amaris. Laking gulat ng dalawa nang makita ang ina ni Amaris. Palihim na iniwan muna ni Cleo ang ginang nang makita sina Milio at Ryker sa 'di kalayuan. "Who's that lady?" agad na tanong ni Ryker. "Ina ni Amaris," maikling sagot nito. " Teka! Nakita niyo na ba siya?" agad na tanong niya sa dalawa. "Wala siya rito. Nilibot na namin ang buong campus pero hindi namin siya makita," paliwanag ni Milio. "But I have the feeling that your classmate, might be the cause of his disappearance." "Sinong kaklase?" "Sino sila, Cleo? Sinong kaklase ang tinutukoy mo, iho?" 'di napigil na tanong ni Gng. Redeo, nang hindi nila namalayan na nakalapit na pala. "Kaibigan po namin sila, tita. Tinutulungan po nila tayo sa paghahanap kay Amaris," mahinahong sabi ni Cleo, "Pwede ko po ba muna silang makausap ng kami lang, tita?" sabay tanong nito. Hindi na nagmatigas si Gng. Redeo. Iniwan muna siya pansamantala ni Cleo. Nagtungo naman ang tatlo sa gilid upang ipagpatuloy ang naudlot na pag-uusap. "Sinong kaklase baa ng tinutukoy mo Milio?" kaagad na tanong ni Cleo, nang makalayo sila. "That jerk! Ang nambastos kay Amaris sa library," sagot ni Milio. "Si Reymar? Imposible naman ang sinasabi mo. He can't do that to Amaris, because we knew that he has a feeling to my friend." "Feeling? Tama ba ang narinig ko, huh? That bastard has a feeling to your friend?" may gulat na pagkakatanong ni Ryker. "Oo, at wala ka na doon," pagtataray ni Cleo. "I'm not here to make a war, okay. I'm here to help," sagot nito. "Wala akong pakialam kung sino man ang may gusto sa kaibigan mo." "So, bakit ka tumutulong?" "Because Milio texted me. And, I owe your friend an apology. Baka in this way, magkaayos kami," pagpapaliwanag nito. "Besides, hindi naman ako ganoon kasamang tao. I just tested a freshman grit." "Teka nga muna! Paano mo ba 'to nakilal, Milio? Akala ko ba magkaaway din kayong dalawa?" nagtatakang tanong ni Cleo. "He's actually my friend, Cleo," sagot ng kaibigan. Nanlaki ang mata ni Cleo. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Na ang bakulaw na kanilang kaaway ay kaibigan ng taong pinagkakatiwalaan nila. "W-what about the kissing scene you had in the cafeteria?" "Pati ba naman 'yon big deal pala sa inyo?" natatawang tanong ni Ryker. "It's just part of the plan. I'm sorry, Cleo," paghingi ng tawad ni Milio. "Plan?" "Oo. Milio is actually my friend. Nakita ko kayong magkasama ng kaibigan mo when you were wandering in the campus. Mukhang nagtatalo pa kayong dalawa, hanggang sa iniwan ka na ng kaibigan mo. So I immediately texted Milio na abangan ang kaibigan mo. At first sight, I could say he's charming. But, he's not my type. Yet, what happens, already happened. But now I realized, I have to stop the game dahil-" napatigil siya sa pagsasalita. "What? Pinaglaruan niyo ang kaibigan ko? Huh, Milio? So, totoo pala ang balitang masama ang ugali mo, Mr. Levious." Ramdam ang galit sa boses ni Cleo. Halata naman sa mukha ni Milio ang gustong patunguhan ng mga sasabihin ni Ryker. Doon siya nagkaroon ng tila pagkirot sa kaniyang puso. Nakaramdam siya ng selos. Nagseselos nga ba talaga siya? He almost fell for Amaris, but he stopped his feeling. Pinagbigyan niya ang kaibigan na huwag bakuran si Amaris. Kahit kailan walang utos o pakiusap na hindi niya sinunod si Ryker. Kaya hinayaan niyang huwag ipaalam ang nararamdaman, kaya nilayuan niya pansamantala si Amaris. Pero nagmamasid pa rin siya sa malayo. Siya ang nagiging karamay ni Amaris sa loob ng ilang buwan. Nakikita niya kung kailan ito masaya at malungkot. Sa kalungkutan ni Amaris doon lamang siya nagpapakita upang damayan ang taong nagugustuhan na niya. He knows how special Amaris is. He can't even understand why he feels that way. He never had a feeling to a man, but Amaris is an exception. Pinakita sa kaniya ni Amaris kung bakit siya karapat-dapat na mahalin. Kahit gulong-gulo siya, isa lang ang alam niya- he's already in love to Amaris. His realization started, that gender doesn't truly define love. It defines truthfulness about your feeling. "Sa susunod ko na ipapaliwanag, Cleo. Halina kayo, baka hinahanap na rin tayo," awat ni Milio. Hindi na nangulit pa si Cleo. They need to look for Amaris as soon as possible. Beep! It was Cleo's message ringtone. Amaris sent you a message. "Nag-message na si Amaris," balisang sabi ni Cleo. : Hlp me! nasa likd ako ng cmpus Iyon ang kabuuan ng mensahe ni Amaris. Dali-dali naman silang kumaripas nang takbo patungo sa likod ng campus. Sa sobrang pagmamadali ay hindi na nila na-inform ang mga awtoridad pati na rin ang ina nito. As they reached the back area of the campus, they were greeted by the dark and creepy ambiance. It's totally dark. Iyon ang sumalubong sa kanila paglabas nila sa isang maliit na gate sa likod ng COE building. Gawa ito sa yero. Ito rin minsan ang daan ng ilang mag-aaral para maka-escape sa klase at sa guard. Walang nagbabantay dahil kakahuyan na rin ang likod nito. "Tumawag na kayo ng tulong doon," utos ni Ryker. "Paano ka?" tanong naman ni Cleo. "I can handle myself. Milio, samahan mo siya. I'll message you right away, kung nahanap ko na siya bago kayo makarating," pag-a-assure ni Ryker sa dalawa. Tumango lang si Milio sa kaibigan, habang walang reaksiyon naman si Cleo. "Mag-iingat ka, Ryker," pahabol ng kaibigan, bago sila umalis. Naiwan si Ryker na mag-isa sa kakahuyan. Puno ng naglalakihang puno ang likod ng campus. It was his first time to be in this place. Agad niyang pina-ilaw ang flashlight ng kaniyang cellphone kaya nagkaroon ng liwanag sa dinaraanan niya. "Amaris!" sigaw niya. "Amaris?! Nasaan ka!" paulit-ulit niya pang sigaw. Walang Amaris ang tumugon sa pagtawag niya. Malakas pa rin ang hangin kaya hindi mapigilan ng mga dahon na sumayaw. Hindi na nag-atubili pa si Ryker at patuloy pa rin sa pagtahak ng madilim na kakahuyan. "F*ck!" napamura siya sa kaniyang naapakan. Inapakan niya ang I.D. ni Amaris. "Amaris Redeo," basa nito. "Amaris!" muli siyang sumigaw. Nagbabaka-sakali na sagutin siya ng binata. Alam niyang malapit na siya kung saan si Amaris. Ilang minuto na rin siya sa paglalakad. Hindi naman siya gaanong nahihirapan dahil may mga signage naman sa mga puno. Dito rin kasi minsan tinatambak ang basura ng school. Patuloy pa rin siya sa paglalakad ng may bigla siyang mapansin. "It's a blood," usal nito. Tumakbo na siya hanggang sa naabot ang dumpsite ng campus. Nangangamoy na bulok na basura ang bumulaga sa kaniya. Doon niya nakita ang isang malaking itim na garbage bag. May packing tape ito na ginamit para balutin ang laman nito. Laking gulat niya nang gumalaw ito. Kinabahan siya sa una dahil alam niyang hindi basura ang loob 'non. He immediately messaged Milio. : I'm here at the dumpsite. : Bilisan niyo! Magsama kayo ng pulis! Dahan-dahan siyang lumapit sa garbage bag. May dugo ito ng tumama ang ilaw sa plastic. Nagmamadali niya itong pinunit. Hindi na niya napigilan ang maluha. Tumambad sa kaniyang harapan ang taong hinahanap nila. "It's you," he mumbled, sobbing. "What happened? Who did this to you?" Questions were followed. Mabilis niya inalis si Amaris sa loob ng garbage bag. Hawak nito ang duguan niyang cellphone na pinanggamit niyang pang-message sa kaibigan. Duguan ang buong Department shirt ni Amaris at may mga sugat ito sa mukha at katawan. "Who the hell did this to you?!" galit na galit niyang tanong. Nakita niyang pilit na iminumulat ng binata ang mata nito. Kita man sa reaksyon ni Amaris ang pagkabigla sa kaharap niya, pilit niya pa rin itong tinapunan ng ngiti. "T-thank you," he murmured, enduring the pain. @phiemharc - Hindi Tugma (K7)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD