CHAPTER VIII

1601 Words
Chapter 8 "Bilisan niyo! Gamutin niyo siya!" umiiyak na utos ni Ryker. Kaagad na isinugod sa ospital si Amaris dahil sa malubhang kalagayan nito. Halos magwala si Ryker nang makita ang nakakaawang kalagayan ng binata. Hindi naman mapagilang humagulgol ng ina ni Amaris at Cleo nang makita ang lagay ni Amaris, habang minamadali itong ipasok sa emergency room. "Gamutin niyo po ang anak ko! Parang awa niyo na!" umiiyak na pakiusap ng ginang sa mga naka-uniporme sa ospital. "Opo, Ma'am. Hanggang dito na lang po muna kayo," pakiusap ng nurse na nag a-assist. "Tita, hanggang dito lang po tayo. Dito na lang po tayo maghintay," pagpigil ni Cleo sa ina ng kaibigan. Hindi na nagmatigas ang ina ni Amaris at nagpaiwan sa labas ng Emergency Room. Nandoon din sila Milio at Ryker na tahimik nang pinagmamasdan ang ina ni Amaris. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak dahil sa sinapit ng anak. Wala pang nakakaalam kung ano na ang kalagayan ni Amaris. Puno kasi siya ng pasa at dugo sa mukha. Marami ring sugat sa buo niyang katawan. Hindi mapatawad ni Ryker ang sarili nang makita si Amaris sa ganoong estado. Sinisisi nito ang sarili na hindi man lang nabantayan si Amaris sa mga oras na iyon. Nararamdaman niya na parang wala siyang kwentang tao. Hindi man lang niya nailigtas kaagad ang binata kahit iyon lang ang paraan para makabawi siya sa kaniya. "We need to find him," ma-awtoridad na sabi ni Ryker. Napadako ang tingin ni Milio sa kaibigan. "W-who?" "That bastard!" Napakuyom ng kamao ang binata dala ng galit. Tumayo siya. Iniwan ang kaibigan habang dere-deretsong naglakad palayo. Hinabol siya ng kaibigan at sinundan kung saan pupunta. Lumabas ito ng ospital at nagmamadaling nagtungo kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Ramdam sa kaniyang boses ang galit at sakit dahil sa nangyari. Sumakay siya sa kaniyang sasakyan. Wala na ring nagawa si Milio kung hindi ang sumama. Hindi na sila nagsayang ng oras at kaagad na bumalik sa campus. Pagkarating nila roon ay kakatapos lamang ng last set sa swimming kaya maraming tao ang nagsisilabasan na sa pool area. Wala sa sarili na nilalakad ni Ryker ang daan papasok sa pool area. Hindi rin nito sinasadyang makabunggo ang ilang estudyante. Ang ilan ay naging masaya pa dahil nakabanggaan nila ang binata. Si Milio naman ay panay ang hingi ng sorry sa nakakabangga ng kaibigan. Patuloy pa rin niyang sinusundan ito kung saan pupunta. "S-Saan ka ba pupunta?" Hindi na napigilan ni Milio ang magtanong. Panay pa rin ang paghahabol niya sa mabilis na paglalakad ni Ryker. "You've just said na baka may kinalaman ang kumag na 'yon, 'di ba? We have to give him a lesson he deserves," bakas pa rin ang galit sa boses nito. "B-baka wala naman siyang kinalaman—" "Walang akong pakialam kung siya ang may gawa o hindi. May kasalanan pa rin siya kung bakit nasaktan si Amaris," usal nito, patuloy pa rin sa paglalakad, "walang sinuman ang dapat makapanakit sa mga taong mahalaga sa 'kin, Milio!" "Ryker, marami sila at baka—" "Wala akong pakialam!" putol nito. Hindi na napigilan ni Milio si Ryker dahil nababalot na ito ng galit. Nagtungo sila sa comfort room ng mga lalaki. Alam niyang nandoon pa rin ang grupo nila Reymar. Hindi pa sila nakakalabas malamang dahil nagpapalit pa. Kalahok din kasi sila ng kanilang department. Kaya tiyak niya na nagbibihis pa ito kasama ang kaniyang mga kaibigan. Napahinto sila sa labas ng pinto nang marinig nila ang nag-uusap sa loob. "May pulis at ambulansiya raw dito na nagpunta kanina, pre," dinig nila na pagkakasabi ng isang lalaki. "Paano mo nalaman? Kailan?" sunod-sunod naman na tanong ng kausap nito. "Kanina, habang naglalaro tayo. 'Yon ang usapan kanina," tugon ng unang nagsalita kanina. Papasok na sana sina Ryker at Milio sa loob ng may biglang nagsalita sa kanilang likuran. "Bakit wala ka kanina, Ryker?" Napalingon siya. "It's none of your business,'" tipid nitong sagot. "Alam mo bang galit si coach kanina. Hinahanap ka nga niya. Saan ka ba nanggaling?" tanong sa kaniya ng kaibigan na si Don. "Saan ka nga ba talaga nagpunta kanina at nagmamadali ka, huh?" tanong naman ni Asher. "Ikaw, Milio? Saan ba kayo galing bakit may dugo 'yang damit niyo?" "Mahabang kwento," tugon ni Milio. "Ano bang nangyari? May kinalaman ba 'yan sa mga pulis sa labas kanina?" "Oo," sagot ni Ryker. "Kaya manahimik na kayo." "Kung ano man 'yan handa kaming tumulong. Magpalit na muna kayo. May damit pa ako rito, gamitin niyo muna ito," sabi naman ni Atticus, sabay bigay ng kaniyang mga Jersey sa dalawa. "Kausapin mo na rin muna si coach, Ryker. Naghihintay 'yon sa iyo sa quarter kanina pa," saad ni Asher. Hindi na natuloy ang pagpasok ni Ryker sa loob ng banyo. Nagmadali na lang siyang nagpunta sa kanilang quarter. Naiwan si Milio dahil sa bilis nitong maglakad palabas ng pool area. "Saan ba kayo galing?" kaagad na pag-uusisa ni Atticus kay Milio. "Mahabang kwento nga 'di ba?" "Magsasabi ka o magsasabi ka?" pagbabanta ni Don, pinakita ang maliit na kamao. "Chillax. Ito na, magku-kuwento na. May nawala kasing estudyante kanina, kaya nagmadali rin siyang lumabas. Tumulong kami sa paghahanap. Iyon lang naman," pagku-kuwento ni Milio. "Alam mo, kung sa Engineering Department ka na lang sana hindi ka pa nabuwag sa grupo. Kaya siguro naging ganyan din 'yan," gatong ni Asher. "Naging basagulero tuloy." "Wala akong kasalanan kung naging ganyan si Ryker. Tsaka, hindi siya nakipag-away, tumulong siya," pagtatanggol ni Milio sa kaibigan. "Oh, kumusta naman? Nakita niyo na ba ang nawawalang estudyante?" pagbabalik ng topiko ni Atticus. "Sino nga ba ang nawalang 'yon? Baka pinagti-tripan lang kayo ng lokong 'yon," pagbibiro ni Don. Nakatikim tuloy ng kotong si Don mula kay Milio. "Kapag narinig ka ni Ryker, hindi lang ;yan ang aabutin mo." "Sino nga ba talaga ang nawawala, Milio?" muling tanong ni Atticus. Milio paused for a moment, "The guy he bumped at the cafeteria." "Yari na! Kaya naman pala mukhang galit na galit ang kaibigan natin. At hindi 'yan titigil si Ryker sa paghahanap kung sino man ang may gawa 'non!" sabi ni Atticus. "Kaya nga pinipigilan ko siya kanina pa." "Alam mo rin ba, Milio? Simula ng naging malapit kayong dalawa sa Amaris na 'yon, iyong nasa COE din, hindi na bumalik sa dati ang ugali ni Ryker. Hindi na siya 'yong maangas na kaibigan natin noon. Madalang na rin siya sumama sa amin, sa atin. Seryoso na rin siya lahat ng bagay. At, mas nakakapanibago ang pagiging mabait niya," pagsasaad naman ni Asher. "Hindi sa ngayon," sambit ni Don. "Siya nga ang hinanap namin kanina," sabi ni Milio. Mukha naming nagulat ang tatlo sa sinabi ni Milio. Hindi sila mali nang narinig. "Nagloloko ka ba, Milio? Akala ko ba ang lalaking nabunggo ni Ryker ay— teka, so ang lalaki sa cafeteria na tinutukoy mo at si Amaris ay iisa?" laking gulat na tanong ni Don. Tumango lang si Milio bilang tugon. "Kaya pala hindi siya tumuloy sa laro ngayon?" naguguluhang napatanong ni Asher. "Ano bang ginawa ng Amaris na 'yon sa kaibigan natin, ha? Bakit sobra pa siya sa boyfriend ng taong 'yon? Hindi naman babae 'yong tao para ituring niyang Disney princess," walang prenong dagdag pa niya. Natawa naman ang dalawang kaibigan na parang wala si Milio sa kanilang harap. "Aray!" Mabilis na kinotongan naman ni Milio si Asher. "Alam niyo ang kayang gawin ni Ryker sa inyo. Kaya 'wag niyong hayaan na malaman niya ang pinagsasabi niyo. Nasa malubhang kalagayan si Amaris at nakuha niyo pang tumawa? Ganoon ba kayong kaibigan, huh?" seryosong sabi ni Milio sa mga kaibigan. Iniwan niya ang tatlo. Tuluyan na nga niyang nilisan ang pool area nang makalabas ito. "Anong nangyari 'don? Nagbibiro lang naman tayo rito, ha," natatawa pa ring sabi ni Asher. "Minsan kasi ang pagiging pilosopo mo wala sa lugar. Damayan na lang natin si Ryker," awat ni Atticus, at tsaka naglakad palabas ng pool area. ***** Nakarating din sa wakas si Ryker sa kanilang quarter. Ilang minuto siyang naglakad hanggang sa makaakyat siya sa ikaapat na palapag ng kanilang building. Pumasok na siya sa kanilang quarter at sinalubong naman siya ng seryosong mukha ng kanilang coach. Binati niya ito ngunit wala siyang natanggap kahit isang sagot. "Saan ka nanggaling?" malamig na tanong sa kaniya ng coach. "May importanteng inasikaso lang, coach," tugon niya. "Alam mo ba ang naging resulta nang pag-alis mo ng walang paalam? Natalo ang department natin dahil sa 'yo. Last term mo na nga sa larong ito, sinayang mo pa!" galit na paliwanag ng kanilang coach. "I decided to quit, coach. I can no longer continue playing the game." "Quit? Magqui-quit ka pagkatapos mong ipahiya ang department? Alam mo naman siguro ang records na hawak natin. Pero, dahil sa kapabayaan mo hinayaan mong maaagaw ng iba ang pwesto natin!" pasigaw na sabi ng kaniyang coach. "Hindi ka na maglalaro sa susunod na game. Don't quit, because you're out!" Yumuko si Ryker. "I respect your decision, coach. Thank you," sabi niya. Kaagad siyang tumalikod at lumabas ng quarter. "Hindi pa ako tapos mag—" Hindi na niya pinatapos ang gustong sabihin ng kaniyang coach. Mas desidido siyang malaman kung sino ang nasa likod nang nangyari kay Amaris, kaysa makipagsagutan sa kaniyang coach. Hinanap niya rin kung saang lupalop sa campus ang presensiya ni Reymar, ngunit nabigo siya. "Humanda ka sa 'kin kapag nakita kita!" Kinuha nito ang cellphone sa kaniyang bulsa at agad nag-iwan ng mensahe sa kanilang group chat messenger. :Hanapin niyo ang kumag na si Reymar. Kailangang mahanap niyo na siya bukas! @phiemharc – Hindi Tugma (K8)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD