Episode 8:STEAL THE GOOD FUTURE

1500 Words
Faith POV Pinahid agad ni Faith ng kamay ang luha niya, ng marinig ang mungkahi ng Ama at patago siyang napangiti. Simula nang ipinanganak sila ni Blythe at Faith,nilaanan na sila ng ten percent share's sa Roberts Group. Samantalang dahil sa nagsimula na si Faith nagtrabaho sa kumpanya,ay nakatanggap siya ulit ng ten percent share's. Ipagsasama ang ten percent ni Blythe at ang twenty percent niya ay may kabuuan na siyang hawak na thirty percent share's sa Roberts Group. Sa kasong ito,ay magiging owtomatikong,maging isa siya sa mga partner's ng Roberts Group. Walang makakaalam,kahit sino na magkakaroon ng ganito kagulo sa plano niyang patayin ang anak ni Blythe. "Mom,Dad,Siguro hindi yan magandang ideya.kahit na walang gawin si Blythe para sa Roberts Family parte parin siya sa pamilyang ito."turan niya sa mga magulang. Kahit gaano pa siya kasaya sa loob niya,kailangan parin niyang ipakita na,maalalahanin parin siyang kapatid habang hinihila niya ito pababa si Blythe. Pabayaan mona siya usal ni Mr. Roberts"okay lang yan."tama naman siya sa isang bagay,na pinalaki ka namin para maging tagapagmana at siya ay reserba lang sa plano?" Napamangha kunti si Faith at nakakaramdam siyang may dapat siyang malalaman na sekrito ng ina at ama."Bakit ano po ba ang ginawa niyo o nagawa niyo?"interesadong tanong sa ama.. Huminga ng malalim si Mrs. Roberts bago siya nagsalita. "Alam mo ba,ang sabi sabi ng mga nakakatanda tungkol sa kapag pares kambal." "Merong isang mataas ang marating at aangat sa lahat lahat.Nang malaman namin na kambal kayo,nagdesisyon kaming isa sa inyo ang gagawin naming tagapagmana." At ang isa ay magiging reserba lang at tiga assist ng tagapagmana namin."paliwaganag ni Mrs. Roberts. Si Mr. Roberts ang nagpapatuloy sa pagkukwento ng matapos magsalita si Mrs. Roberts."Hindi namin alam kong sino sa inyo dalawa at hanggang sa naisipan namin na ipadala kayo para malaman kong sino sa inyo at nung makuha namin ang IQ results ninyo." Halos two hundred percent ka kesa kapatid,kaya ikaw ang nanalo at halata naman sayo na sa kambal ikaw ang pinakamatalino."proud pang bigkas ni Mr. Roberts. Nakaramdam ng malamig na pawis sa buong likuran niya si Faith,sa mga naririnig niyang sinasabi ng mga magulang. At di naman niya mapigilan balikan sa isipan ang mga nakaraan at alaala ng pagkabata nila,talagang si Blythe ang paborito nina Mr. at Mrs. Roberts. Si Blythe ay mas makulit,masiyahin at playful,at mas cute pa ito sa kaysa kanya. Simula noon,hindi siya nakukuntento, hanggang sa pumunta sila sa IQ test. Si Faith ay palaging sensitibo sa sariling pagkamaramdamin.Simula bata ay nakaroon siya ng ideya nang makita niyang lamang ng dalawang numero ang resulta ni Blythe kasya sa kanya,kaya naman ipinagpalit niya ang resulta nila. Hindi nagtagal,si Faith na ang palaging pinapaboran at naagaw na rin niya ang pwesto ni Blythe sa pagiging paborito. Kahit na, ganoon na ang nangyayari ay di parin mawala ang sobrang inggit niya kay Blythe,ang pinakababatang kapatid niya ay mas magaling sa lahat kaysa kanya. "Kaya ako nagkaroon ng ganito ka gandang buhay,lahat ng ito dahil sa kanya." Napangisi si Faith,siya ang nagnakaw ng magandang kinabukasan na nararapat kay Blythe.! Ang sobrang inggit niya kay Blythe simula bata pa sila,hanggang ngayon.Ay nagpabago at nagkapalit ang magandang kinabukasan niya at naging kanya. Kahit na nagbigay ito ng kunting heart attack sa kanya,kahit ganoon man ay naging proud parin siya sa kanyang sarili. Eh!!! ano naman kong mas magaling ka kaysa akin Blythe?" Ang tagumpay mong storya ay naging akin parin at naging talunan ka din sa huli hanggang ngayon.daig pa niya ang baliw sa inasta kinakausap niya ang kaniyang sarili. Pagkatapos umalis na ang mga nagulang niya,siya naman ay naisipan umakyat sa kwarto niya at dito nakaupo siya sa maliit na sofa at nakadekwatro pa na kagalang galang. "Pakasalan ko si Patrick Coles? Imposible! Hawak niya ang celpon niya at binuksan ito,at nag eescroll scroll siya sa picture album at hinahanap ang mga litrato na kuha niya sa Ospital. Naging mapasalamat siya dahil may matalas siyang mga mata at naplano niya, na di mapansin na siya ang kumuha ng litrato at mapagkamalan ng lang na paparazzi ang kumuha. Nagnakaw siya ng kunting litrato nung nasa Ospital sil,akala niya ay di niya ito mapakinabangan pero heto siya ngayon at may bago na naman siyang naisip na plano. Blythe wag mo akong sisisihin sa pagiging malupit ko.Kung pumayag kalang kasi sana na ipaglaglag ang batang nasa sinapupunan mo at pinili mong pakasalan si Patrick,hindi ka sana mamumuhay ng mahirap . Talagang pinipilit mo akong gawin ito,dahil sa katigasan mo kaya wag mo akong sisisihin sa ginagawa kong ito."para na siyang nasiraan ng utak at kinakausap na niya nag kaniyang sarili. Sa sumunod na araw ay nagdagsaan ang mga reporter' at paparazzi sa gate ng Roberts mansiyon. Ang bawat headline ng mga balita sa iba't ibang estasyon ay tungkol sa pagbubuntis ni Blythe Roberts sa di kilalang nakatalik matanda? Naitapon ni mr. Roberts sa sahig ang notebook na hawak niya,sobrang gulong gulo ang mukha niya at nag iba na ang kulay nito at kung tingnan siya ay para na itong sasabog. "Iho de puta!sino ang nagpakalat sa balitang ito?!galit na sigaw ni mr. Roberts. Tingin tingin din si Faith kunyari sa balita sa celpon niya at ipinakita ito sa daddy niya sabay sabing..."Dad look!.Ito yung nasa hospital!."Baka isa sa paparazzi ang nakakita sa atin ng dalhin natin si Blythe para magpa abortion."kumbinsi sa ama. Dumilim ang mukha ni mr. Roberts."Anong gagawin natin ngayon,kapag napanoid ito ng Coles."Wala pa tayong sapat na oras para maipaliwanag sa kanila na ikaw ang ipapakasal namin kay Ian!"Bago paman matapos sa pagsasalita si mr. Roberts ay sunod sunod na malakas na katok ang bumulabog sa kanila. Lumabas sila mr. Roberts at ang mga kasama niya sa kwartong iyon, sa kabilang pinto na labasan nila sa Roberts Mansiyon bago paman mabuksan ang pintuan ng kwartong iyon. Nang nakalabas na ang Roberts family sa wakas sa mansiyon,napansin naman agad ito ng mga reporter's at paparazzi kaya naman kanya kanya ang mga ito tutok ng kamera. Si Patrick Coles at ang mga magulang nito ay nakaabang kanina ay nakaharap na ngayon ang mga Roberts.Halata sa mga mukha nito ang pagkagalit. "Damian Roberts!pinagkatiwalaan kita sa gusto natin na kasalan sa pagitan ng Comer's at Roberts." "Tapos ganito niyo tratuhin ang tiwala ng Comer's sa inyo?!sumbat ni mr. Comer's. Umiling iling si mr. Roberts sa akusasyon ng Coles."Hindi kailaman nangyari yan,Coles."Wala din kaming ideya sa ginawa ni Blythe at wala kaming kaalam alam sa lahat!"pagsisinungaling ni mr. Roberts. "Tumigil ka!"Ang pagbisita namin ngayon ay nag papaalam sayo na tatapusin na namin ang ugnayan sa planong kasalan?"Ayaw namin magkaroon ng ugnayan sa pamilyang may malaswa at pasaway na mga anak,hindi kami papayag na may makapasok sa puder ng Coles."galit na salita ni mr. Coles. Tumango tango nalang si Mr. Roberts at patuloy parin sa pagkumbinsi,"Naintindihan ko,lahat ng ito ay kasalanan ni Blythe at naintindihan ko ang iyong rason para ikansela ang kasal,pero pwede pa naman natin ituloy ang kooperasyon natin diba?" Napakutya si mrs. Coles sa nakikita niyang lahat ng pagsisinungaling nila Mrs. at Mr. Roberts. "Talaga bang umasa pa kayo na may tsansa pa kayo para makikipag kooperasyon sa amin pagkataposng may mangyari na ganito?"Hindi niyo ba naiisip na ilang tao ang nag iintay para pagtawanan kami?!galit na sabi naman ni Mrs. Coles. Napatango lang si Mr. Roberts kahil sobra na ang pagkapahiya niya."Alam ko,alam ko kaya kong bakit kami nandito ay para subukan ipaalam sa inyo na si Faith,ang panganay naming anak ang magpakasal kay Patrick."pilit parin na kumbinsihin ito ni mr. Roberts. Tingnan niyo siya,siya ang nag iisang superior!Kung maging miyembro siya ang pamilya niyo ay mas lalo kayong sisikat niyan!" Sa pakikinig ni Patrick sa sinasabi ni ni Mr. Roberts,ang mata niya Ian ay napako kay Faith tinitigan niya ito at sobrang saya niya. Kung gusto talaga ni Faith na magpakasal sa kanya ay mabilis talaga agad siyang papayag na pakasalan ito. Gwapong lalaki si Patrick Coles,may tanned skin ito at may toned muscle na napapadagdag attractive na anyo at matapang na swagger. Ang kagaya niyang lalaki ay kahit sino naman ay mabilis nitong maakit at makuha ko gustuhin niya,kagaya ni Faith na gusto niya nang ilang taon. "Mommy,Daddy,tingin ko isa itong magandang ideya ?Palitan ni Faith si Blythe?Si Blythe lang ang may hinding mabuti nagawa at hindi kasli doon si Faith?"pangumbinsi niya sa mga magulang niya. Hinarap niya ang mga magulang upang kumbinsihin ang mga ito. Napaikot ni Faith ang eyeball niya,kagaya noong nakaraang araw,may ginamit siyang pekeng account at nagpadala siya ng ilang larawan niya sa mga magulang ni Patrick. Ang mga larawan na iyon ay tungkol sa pagtakas niya minsan at pumupunta siya sa ibat ibang club,ang mga kuha na larawan ay kung saan may kasayaw siya at hinahawakan ang iba't ibang parte ng katawan niya ng kasayaw niyang lalaki. Sobrang sagwa ang mga galaw niya sa litratong iyon,sinigurado niya talaga na matanggap ito ng magulang ni Patrick. Sigurado siyang hindi na kailan man papayag sina Mr. at Mrs. Coles na makipag kooperasyon at ipakasal sila dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD