Episode 7:" Death Threats"

1591 Words
Sa ganito,parehong nagkakamali sila Mr. at Mrs. Roberts kay Faith,ang akala nila ay ito ang nag iisang mas matalino sa lahat nilaan nila lahat ang kayamanan nila para rito. Pinag iisipan na nila ito ,since magkapatid naman sila,dapat kapwa sila laging nakatuon sa kani kanilang mapagkunan. At pangangalagaan ang isang may pinaka mataas ang kakayanan at ang isa ay ilalaan bilang back-up plan bilang isang kumpay na mga uri. Ngunit di nila akalain na ang resulta ni Faith ay kay Blythe. Syempre ng malaman nila ito sa labas ng marami,kalaunan ay nalulunod sila sa pagsisisi,lahat ng ito bago pa ang kwento matapos. Napabuntong hininga nalangng malamig si Mr. Roberts at nagsalita. "Hindi pwedeng may makakaalam nito sa labas o kahit sa Roberts Group's kundi masisira ang reputasyon natin at mawawasak ito ng pira piraso!" "At ang mas importante ay hindi dapat ito malalaman ng Coles."ang tungkol dito. Napatingin naman si Mrs. Roberts kay Blythe at sa maliit na umbok ng tiyan nito."Paano natin maitatago ang tiyan ni Blythe!"sagot naman ni Mrs. Roberts sa sinabi ng asawa. Hinawakan ni Faith ang kamay ng mga magulang ng mahinahon,at nagsasabing tutulong siya."Mom,Dad,pwede pa natin maresolba ang problema nating ito." "Kung maghire kaya tayo ng pribadong doctor's at dito sila sa bahay magsagawa ng operasyon,diba tapos din ang problema natin?"mungkahi niya sa mga magulang. Ang mga mata ng mga magulang ay nanlaki at napaangat ng ulo. Paanong di nila naisip agad ang napakagandang ideyang ganito. 'Maayos sa iyo na namin ito ipagkatiwala at ikaw na bahala sa lahat. "Faith please lang wag kang gumaya sa kapatid mong isipa bata,okay?"pakiusap ng mga magulang niya kay Faith. Tiningnan nila ito ng napakastriktong tingin,ang pagka di gusto nila kay Blythe ay nakasulat sa kanilang mukha. Nang marinig ni Blythe ang sinabi ng ina at ama ay napaatras siya ng isang hakbang. Tumalikod agad siya at tumakbo sa kwarto niya,nakahinga lang siya ng maluwag ng makapasok sa kanyang kwarto. Pagkatapos ay dali daling nilocked ang pinto,dalawang patong niya itong pinadlocks. "Baby,dont worry gagawin ko ang lahat para maging ligtas ka!"himas himas niya ang maliit na umbok ng tiyan at kinausap niya ito. Dali dali namang naghanap ng paraan si Blythe upang mailigtas niya ang anak niya,naghahanap siya sa buong kwarto niya pati sa banyo ng matulis na bagay na magamit niya. Ang mga gamit niya sa kwarto,sofa,coffe table,basta kong anong pwede niyang maiharang sa pinto,hindi niya hahayaang mawala sa kanya ang anak niya.Pagkatapos niyang maitambak sa likod ng pinto ay napaupo siya sa kama at napansin niya ang kutseyong pambalat ng prutas na kinuha niya kagabi upang ipambalat sa mangga.Itinago niya ito upang gamitin niya mamaya. Kung sa bagay si Faith ay tagagawa ng masama,kung sa bagay ang dinadalang bata ni Blythe ay anak ni Paul. Kung sa gayon ay kapag healthy ang bata ay di siya dapat magpakampante.. Hindi lang umabot ng dalawang oras,ay dumating ang doctor at nurse na pumayag gumawa sa inutos ni Faith at narating agad nila ang sa mansiyon Roberts. Knock....Knock.... Kumatok si Faith sa pinto ni Blythe ang boses nito ay di ganun kalambot tuwing nagsasalita ito dati. "Blythe,pwede mo bang buksan ang pinto please?" Matiyaga ding mahinahon na nagsalita si Mrs. Roberts."That's right,Blythe hindi naman ito masakit kahit konti." Sa kabilang banda,si Mr. Roberts at si Faith ay hindi ito nagkakaroon ng mahabang pasensya.Sinipa nito ang pinto pero di ito matinag,kaya humarap siya kay Mrs. Roberts at inutusan."Kunin mo ang susi !" Si Mrs. Roberts ay dali daling tumalikod at kinuha ang inutos ng asawa. Mabilis din itong nakabalik dala dala ang maraming susi,halo halo dito ang susi ng buong mansiyon. At nagsimula agad silang nagsusubok sa lahat ng susi na e unlocked ang pinto ng kwarto ni Blythe. Naunlock na nila ito ngunit di na nila mabuksan at kailangan pa itong itulak ngunit di parin nila ito mabuksan. Sumilip si Faith sa maliit na nakuwang sa pinto."Mom,Dad,tinambakan ni Blythe ng mga gamit ang likod ng pinto upang hindi agad tayo makapasok."pagbigay alam niya sa mga magulang. Kaya naman pinatawag ni Mr. Roberts ang lahat ng tauhan sa mansiyon,at inutusan ang mga ito na pwersahang buksan ang pintuan. Nang mabuksan ito ay kanya kanya ng nagsi alis ang mga tauhan at doon na nakapasok sila sa kwarto. "Bastos kang bata ka!"Anong ibig sabihin nang lahat na itong pagpapahirap mo?"Lumapit ka kaagad dito ngayon din?"galit na sigaw ni Mr. Roberts kay Blythe. Ang mga walang ekspresyon na Doctor at Nurse ay nagsimula nang maghanda ng mga gagamitin. Si Blythe naman nasa likod ng pader ng terasa ay may hawak na kutsyilo pangbalat ng prutas at nakatutok ito sa pulsuhan ng kamay. Unti unti siyang lumabas at maya maya ay itinutok sa leeg niya ang kutsilyo. "Wag kayong lumapit sa akin!" "Walang kahit sino sa inyo ang makagalaw sa akin at sa anak ko!" "Dad,Mom,kung gusto niyo talaga mawala ang anak ko,patayin niyo muna ako!"determinado niyang turan sa mga magulang. Nang makita nila ang nagiging ugali ni Blythe ang mga magulang niya ay parehong natigilan at di muna agad nila tinuloy ang plano. "Blythe please lang,wag kang magpadalos dalos pwede pa natin pag usapan ito."nakakunot ang kilay ni Mrs. Roberts sa naging pakiuasap niya kay Blythe. Napahigpit at napakamao ang kamay ni Faith sa inasta at sinabi ni Blythe. Gusto lang naman niya mawala ang batang dinadala ni Blythe,pero bakit mas lalong lumala at lumaki ang gulo,maya maya ay umalis na siya sa kwartong iyon. Ang kutsilyong hawak ni Blythe ay nakadiin ito ng mahigpit sa leeg niya,habang ang isang kamay niya ay tinuro ang Doctor at Nurse at nagsalita. "Paalisin niyo agad sila ngayon din!" Bagaman narinig nila ang sinabi ni Blythe,pero ang mga magulang niya ay kapwa tahimik ang mga ito at wala silang balak paalisin ang doctor at nurse. At sa oras na iyon ay di naman nag dalawang isip si Blythe na diinan pa ng maigi ang kutsilyo na nasa leeg niya.At dahil sa sobrang diin nito ay naglikha na ito ng pulang pula na marka sa payat at maputla niyang leeg. May maliit na butil ng dugo ang lumabas na sa leeg at lumatay sa kutsilyo,nahiwa na ng matulis na dulo ng kutsilyo. Nang mapansin nila at mapagtanto na desidido talaga si Blythe sa kanyang banta',si Mrs. Roberts ay dali dali din nitong inutusan ang mga doctor at nurse na lumabas sa kwartong iyon at umalis na sa mansiyon. "Blythe,wag ka nang masyadong mag alala,pinalabas kona sila."nag alala at takot niyang sabi kay Blythe. Malamig namang nagsalita at sumigaw nang galit si Mr. Roberts kay Blythe. "Blythe,kelan kapa titigil diyan sa pagka makasarili mo?" Nagpanggalit ang panga ni Blythe ng tumingin sa ina at ama niya,at nagsalita"Lumabas din kayong dalawa."pagtaboy niya sa mga ito. "Blythe,wag kang magpadalos dalos pwede pa nating"di na ni Mrs. Roberts natapos ang sasabihin. Nang mas lalong idiniin ni Blythe at lumalim ang pagkabaon ng dulo ng kutsilyo,lumatay na naman dito ang dugong lumabas sa sugat ng leeg ni Blythe. "Labas!"sigaw niya sa ina at ama. Wala na silang mapagpilian kaya lumabas narin lang sila sa kwarto ni Blythe. Tumingin naman si Faith sa mga magulang na pababa sa hagdanan di na siya mapakali at di mapigilan niya magtanong."Dad anong gagawin natin?"Mamamatay si Blythe habang pinagbubuntis ang batang nasa sinapupunan niya kapag pinilit nating ipalaglag ang anak niya!" "Anong gagawin natin ngayon?"tanong ni Faith sa mga ito. "Anong alam kong gawin kong pareho mo, ako din ay walang maisip pa!"sagot naman ng ama niya sa kanya. Kapag naisipan ng bobong babaeng iyon na magpakamatay dahil dito,magiging katapusan na din ng pamilyang Roberts!" Ang mukha ni Mr.Roberts ay napuno ng galit at pagka'inis,pero ayaw din niyang bitawan ang ugnayan sa Coles!. Napatitig naman ang dalawang mata niya kay Faith at may naisipan siya,"Faith,ang kapatid mo ay di kailanman maipakasal kay Patrick ng ganito at." "Faith,sa naririnig ko ay ikaw ang gusto ni Ian noon paman,paano kong baguhin natin ulit ang orihinal na plano mo na magpakasal kay Faith?" Tumango naman si Mrs. Roberts at sumang ayon."Tama' Faith di naman kami humiling at nagtanong kong bakit nagbago ang isip mo na pakasal kay Patrick,pero diba kayong dalawa ang nagde'date.?"suhistiyon ng kanyang ina. Natigilan naman si Faith at nag salita."Nagbibiro lang kayo diba!" Isa lang si Patrick sa mga lalaki na pinaglaruan niya,pero papaano at bakit ang kasal na iyon ay napakadali lang sa kanila magdesisyon ng ganoon." "Paano niya seryosohin ito at bakit di nalang siya pabayaan ng mga ito!" Ang gusto lang niyang nag iisang pakasalan ay walang iba kundi ang lalaking pina pangarap niya at palaging napapanaginipan niya,si Paul Drake Beckets! Ang imahe niya sa mga magulang ay masunurin siya at mabait siya,bilang tagapagmana ay priorities niya sa Roberts family mapakinabangan siya. "Kung wala na talagang ibang paraan,ay aakuin ko ang responsibilidad na ito."malumanay na sabi niya sa mga magulang. Niyuko niya ang ulo at tumitig sa sahig pero bakas sa mukha niya ang pagkabahala. Lumapit naman at tinapik tapik naman ang likod ni Faith ni Mrs. Roberts at mahinahon na nagsalita."Faith napaka tanda mona talaga mag-isip."puri ng ina niya. Sinisisi ni Faith si Blythe sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Si Mr. Roberts ay sumiklab na naman ang galit."Yang walang kwentang batang yan,dapat sinakal kona haggang mamatay ito nung bata pa siya! wala na siyang ginawa kundi magdala ng gulo!" "Dad wag niyo napo sisihin si Blythe,she's my younger sister after all.Bilang kambal niya ay kailangan kong gawin ang responsibilidad ko sa kanya bilang ate kong may naging kasalanan man siya."gumawa man siya ng gulo ay wag niyo napo alalahanin ang tungkol dito." Di na niya tinapos ang magsalita at umarte na naiiyak na siya. Malambot ang naging buntong hininga ni Mr. Roberts at hinimas himas ng dahan dahan ang likod ni Rue,mahinahon niya itong kinausap."Wag ka nang malungkot." "Dahil sa pinili na landas ng walang kwentang anak ko,sayo ko ibibigay lahat ng share's ko sa Roberts Group." Tumango si Mrs. Roberts at suportado ang desisyon mg asawa at tumingin kay Faith na nagsalita."Tama,total wala na tayo sa puso niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD