Episode 10:Giving Birth

1514 Words
Ang mga reporters at paparazzi ay naging aggresibo walang tigil sa kakatulakan at naiipit nadin si Blythe na napalibutan ng mga ito,kahit ang maleta niya ay bumagsak na sa marmol. Kahit sino sa mga ito ay walang pakialam,basta lang makakuha ng kanilang maibalita.Hindi naging maayos ang mga ito,kahit babae pa ang kaharap nila di sila nagiging mabait at naaawa dito. Kagaya ni Blythe ngayon wala na sa kontrol ang mga ito tulak ng tulak kaya naman si Blythe ay umupo nalang siya upang protektahan ang tiyan niya. Bago paman,maipit at dumugin ng maigi si Blythe isang matangkad na katawan ang nakisiksik at nakikipagtulakan sa mga ito palayo kay Blythe. Kilala na niya agad kong sino ang nakatayo sa harap niya,kilala na niya kung sino ito dahil sa amoy ng pabango nito kaya naman tiningala niya agad ito at napaiyak na siyang nagsalita."Jandie nandito ka?" Tumango lang si Jandie kay Blythe,at agad na hinawakan ang braso ni Blythe upang alalayan itong tumayo tsaka pinulot din niya ang maleta bago niya hinila paalis. Pagkatapos lang makuha ang maleta, naglakad papuntang sasakyan at papasok pa lang sila ng sasakyan ay nagkagulo na naman ulit ang mga reporters at paparazzi.Dinumog na naman ang sasakyan ni jandie. Tiningnan ni Blythe ang maiksi ang buhok at napakapreskong mabait na kaibigan na si Jandie bago magpakawala ng malalim na buntong hininga. "Jandie,maraming salamat."sensiridad niyang sabi sa kaibigan. Umiling lang si jodie bago nagsalita."Wag,Blythe akala koba matapang ka,sa pagkakaalam ko kalahati lang ang tapang ko kesa sayo." Hinawakan naman ni Blythe ang kamay ni jandie."Jandie,ikaw ang mas matapang,para ka kayang lalaki kanina doon!" Napairap si Jandie at nagkunwaring galit siya."Binalaan kita Blythe,wag mo akong biruin na lalaki ako dahil ba sa tangkad kong 5'9!Pasalamat ka 5/9 ang tangkad ko,papaano kita protrektahan niyan kong maliit ako kagaya mo,pasalamat ka kong di dahil sa tangkad ko." Napatawa naman si Blythe sa inasta ng kaibigan at tumango tango nalang din siya."Oo na,totoo po talaga maam,ikaw ang pinaka astig sa kanilang lahat." Nagkibit balikat nalang si Jandie at nagtanong."Talaga bang pinalayas kana nila Blythe?" "Mm-hmm."yun lang ang tanging sinagot ni Blythe kasabay ng tango.Nang maalala niya ang mga Roberts ay,ang sigla nang mata niya ay napalitan nang lamig. Nalungkot at napabuntong hininga si Jandie sa sinapit ng kaibigan at nagtanong ulit."Ano nang plano mo ngayon?" Ipinatong ni Blythe ang dalawang kamay ang mallit na umbok ng tiyan at sumagot na nakangiting masaya bilang maging ina na siya. "Ipagbubuntis ko at aalagaan siya hanggang lumabas na siya." Nagulat si Jandie at naihinto ang sasakyan nang marinig ang sinabi ni Blythe."Ano?"Buntis ka Blythe?!" Hinila naman ni Blythe ang kamay ni jodie at ipinatong sa tiyan niya."Tama ka sa narinig mo Jandie,magiging ninang kana malapit na."masayang balita sa kaibigan. Despirado naman nitong ipinatong ang isang kamay at hinimas himas ang maliit na umbok ng tiyan ni Blythe at mabilis na nagsalita."Hindi ito mamaari!Kailangan ko kayong hanapan ng maayos na matitirhan."Para itong inaanak kong lalaki ay di tumatakbo sa lansangan kasama mo!" "Paano mo nasisiguro na lalaki ang magiging anak ko?"pag aasar nito sa kaibigan. Ibinalik ni jodie ang tingin sa daan at pinatakbo ang sasakyan."Wala akong pakialam kong lalaki o babae or binabae o tomboy,mamahalin kopa rin sila noh... Seryoso naman ang mukha ni Blythe at tumingin sa kaibigan."Pwede kang magiging Daddy ng anak ko."pang aasar niya dito. "Blythe!..."Sinabi ko na sayo,wag na wag mo akong tratuhin nang ganyan,na isa akong lalaki!Kapag yan nagpatuloy pa paghihinalaan ko na din talaga ang kasarian ko!" Dahil sa di na mapigilan ni Jandie ng matagal,kaya nasigawan niya si Blythe na galit na siya. Kaya naman huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy magsalita,"Meron akong isang Apartment,ito yung niregalo ng mga magulang ko nung nakaraang taon.Hindi naman ako nakatira doon ngayon,kaya pwede mong tirhan iyon at para pagtuonan mo ng mabuti at maalagaan mo ng maayos ang sarili mo at syempre ang anak mo. Aantayin ko ang inaanak ko,tandaan mo yan palagi! Sobrang laki ng Apartment ni Jandie Coles at sobrang ganda at mamahalin kaya naman napatulala si Blythe. "Jandie sigurado kana talaga na ibigay mo sa akin ang sobrang gandang lugar na ito!"nahihiyang sabi ni Blythe sa kaibigan. Nakasimangot naman naman na tiningnan ni Jandie si Blythe at nagsalita."Sinong may sabi sa iyo na sa iyo ko ito ibibigay?Para ito sa nalalapit nang magiging inaanak ko!" Sa kasamaang palad,ang masamang balita ay nagkalat agad.Halos lahat ng estasyon ng tv ay tungkol kay Blythe,sa nangyaring naka one night stand niya at nakabuntis sa kanya na di kilalang matanda. Ang pagpapakasal niya ay nakansela at nagkagulo ang kanyang kambal sa asosasyon na nasalihan nito at syempre ang pagpapalayas sa kanya. Sobrang sira na ang reputasyon ni Blythe sa buong siyudad at ginagawa siyang katatawanan. Hindi naman pinapansin ni Blythe ang balita sa kanya.Lahat ng lakas niya ay itinuon niya sa pag aalaga sa tiyan na palaki ng palaki sa araw-araw,kinakausap niya ang anak na nasa sinapupunan,nagdodrawing at sa pakikinig nag prenatal education ng music araw-araw. Palagi naman siyang binibisita ni jandie at nagdadala nang ibat ibang klaseng pagkain,damit ng anak niya,sapatos at mga laruan nito. Ito ang palaging naging routine ni jandie tuwing pumupunta sa apartment,kong nasaan siya nakatira syempre maaliwalas at komportable siya dito. Ilang buwan ang lumipas kabuwanan na niya at nahihirapan na si Blythe maglakad lakad at hindi na niya masyadong kayang suportahan ang mga paa sa laki at bigat ng tiyan niya.Nahihirapan na din siyang gumalaw galaw lalo na ang gawaing bahay. Biglaan naman nakaramdam ng sakit si Blythe una di gaano,ngunit ang sumunod ay sobrang sakit at nagpaputla ng kanyang mukha. Dali daling kinuha ni Blythe ang bagong celpon na binili ni jandie at binigay para sa kanya,mabilis na tinawagan ang nag iisang numero sa contact list niya na nakasave. Nang madayala na niya ang numiro ay nagriring naman ito at bigla na naman siya nakaramdam ng sobrang sakit na contactions,mabuti naman at sumagot agad ang kabilang linya. " Hey,Blythe! namiss mona ba agad ako?"pag aasar ng kausap niya sa kabilang linya. Hinawakan ng maigi ni Blythe ang celpon at sumagot siya kahit nahihirapan na siya."Jandie manganganak na ata ako ngayon,ahhhh!!..sobrang sakit.." Dahil sa pagkarinig niya sa sinabi ni Blythe si jandie naman ay biglang napatayo sa kinauupuan niya. At nakalimutan na niya na nasa labas siya kumakain sa restuarant,"Hoy!,antayin mo ako diyan!Pupunta na agad ako diyan ngayon.."natataranta na siya at di na alam anong gagawin. Nang hindi na si jandie makarinig nga sagot sa kabilang linya,ay parang puputok na sa kaba at takot ang kanyang puso. Nang tatalikod na sana siya para umalis,may biglang humila ng kanyang braso at ang puso niya ay nag init. "Patrick! manganganak na si Blythe,kailangan ko nang umalis at pumunta doon ngayon ayokong mamganib pa ang buhay niya.Pag nahuli ako ng dating! Masama ang tingin na ipinukol ni Patrick kay jandie at nagsalita nang di siya nasisiyahan."May ugnayan kapa rin sa kanya?Tigil tigilan mona ang pakikipagkita sa kanya,narinig mo ba ako?Paano kong maimpluwensiyahan ka niya at magiging kagaya ka niya?"galit na turan ni Patrick sa kanya. Si Faith na nakaupo sa harapan ng inuupuan ni jandie ay nanlaki ang mata at napaangat ang mata niya kay jandie.'Kaya pala diko mahanap hanap kung saan saan si Blythe, dahil sa nakatira pala ito kasama si Jandie sa buong pagkakataon na ito. Gaano naba ito katagal na kasama niya?Gayunman ay nakaramdam na siya na manganganak na siya ngayon. Patuloy paring nanlaki ang mata niya at nakabuo na naman siya ng plano at kaya naman nagbago ang ngiti sa mukha niya. "Patrick,hindi ganoon si Blythe sa kong anong mang iniisip mong hindi maganda!Kailangan ako ni Blythe ngayon, at kailangan ko na umalis ngayon din."pakikiusap niya kay Patrick. Seryoso na si Jandie ngayon,kaya naman kahit naman siya ay di niya kayang gumawa ng ganoon.Hinila niya ang kamay niya na hawak ni Patrick. Galit na si Patrick at nakaangat ang kilay niya at pasigaw na nagsalita kay Jandie"Jandie,hindi ko na nagustuhan ang pagsuway mo sa akin,naintindihan mo ako?" Nagpanggalit ang ngipin ni Jandie,pero humingi parin siya ng tawad kay Ian at nagsalita"Patrick,pasensya na ,kailangan ko nang umalis." Napaangat naman ng mata si Faith at ngumiti kay Patrick."Okay lang yan Patrick,pabayaan munang umalis si Jandie."pakiusap niya ngunit may tinatago siyang plano. Nasurpresa naman si jandie nang magsalit ito para sa kanya,subalit ngayon na nagsalita na si Faith,tumigil naman si Patrick at di na nagpupumilit"Jandie sa paala ko lang sayo na sa susunod ayoko nang may maging ugnayan kapa sa kanya."babala niya kay jandie. Bago paman makaalis si jodie di napigilan ni Faith na magsalita"Jandie,pagkatapos mo dalhin sa Ospital si Blythe pwede mo ba ipaalam sa akin kong saang Ospital? Kahit pinalayas siya ni Mommy at Daddy ay nag alala parin ang mga ito sa kanya,lalo na at mag isa lang siya sa labas." Nang makita ni Jandie na ang mukha nito ay totoong nabahala,tumango lang siya"Okay' alam kona ang gagawin ko." Pagkatapos makaalis si jandie,ang mga kamay ni Faith ay pinagpatong niya,tinakpan niya ang kanyang mga palad at nasa malalim na pag iisip. Blythe,sa wakas nakita din kita.' Akala mo ba pababayaan kitang makasama mo ang anak mo kay Paul.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD