Sa pagbukas ni Jandie ng pinto,nakita niya si Blythe na nakahandusay sa sahig at may dugo na siyang napansin dugo sa damit ni Blythe.
Dali dali niyang binuhat si Blythe at mabilis naman agad siyang nakababa sa lobby,mabuti nalang at walang gumamit ng elevator sa oras na iyon.Sa inasta ni Jandie ay daig pa niya ang asawa ni Blythe,nabuhat niya ito na sobrang laki ng tiyan.
Pagkasakay niya kay Blythe sa sasakyan ay kinuha niya ang cellpon sa bulsa at itenext kay Faith ang Ospital na pagdalhan niya kay Blythe.
Nang dumating ang sasakyan niya sa hospital ay nandoon na sila Mrs. Roberts at Faith nakaabang sa kanila.
Sobrang nag alala si Jandie nang makita si Blythe na nakahinga sa trolley bed,na walang malay.
Si Faith naman ay nakahawak sa trolley bed pero ang mata niya ay nakatitig lang sa tiyan ni Blythe na parang bola ang bilog pero sobrang laki nito.
"Itong batang nasa loob ng tiyan ay anak ni Paul Drake Beckets?!"
Sa ilang segundo sa pag iisip niya,gusto niyang paliitin sa suntok ang tiyan ni Blythe.
Sobrang swerte niya na nakasama niya ng isang gabi,at nagkaroon pa nang anak! Ito ang pangarap ng karamihang kababaihan.
Naging seryoso ang doctor nang tingnan nito si Faith,na nakahawak parin sa trolley."Miss,please pwede niyo po bang bitawan mona ang trolley!'Nasa kritikal na kondisyon napo ang buntis!"nagulat naman si Faith at agad bumitaw sa trolley nag marinig niya ang sinabi ng doctor.
Pagkatapos nakita nalang niya na ipapasok na sa Delivery Room si Blythe,unti unti namang bumalik sa katinuan si Faith galing sa pagkatulala niya.
Iniisip niya na sana.'Hayaan ito mag isa sa panganganak o maging sagabal pa ang mga ito sa mga pinaplano niya!'
Pinanatili niya ang mukha niya sa pagpanggap na nag alala siya,pero sa isipan niya ay sinumpa na niya ito nang paulit ulit.
Kung maging succesful ang panganganak ni Blythe,kailangan ko nang maghanap ng papatay sa kanya habang tulog siya!
Ayokong bigyan siya ng chance na maging Mrs. Beckets,'hinding hindi ako makapapayag.
Nang mabuo na ang plano at nakapagdesisyon na siya,Umupo si Faith sa upuan na nakaharap sa pintuan ng delivery room.
"Faith,umuwi kana at magpahinga,ako na ang magpa iwan dito,may trabaho kapa bukas diba?.sabi ni Mrs. Roberts sa anak na si Faith.
Nakikita ni Mrs. Roberts sa mukha ni Faithbbakas dito ang pag alala at di na niya mapigilan ang sarili na pauwiin nalang ito upang makapagpahinga.
Pasimple namang umiling si Faith sa ina at ngumiti nang magsalita."Mom,ikaw na ang umuwi at magpahinga magiging okay lang din po ako at hihintayin ko po na matapos sila.
Nang makita at marinig ni jandie na nagtatalo si Mrs. Roberts at Faith kong sino sa kanilang dalawa ang uuwi sa kanila.
Ay di niya maiwasan ang sumabat sa dalawa."Ayos lang,pwede napo kayong umalis at umuwi dalawa,ako na pong bahala dito."
Napahinto si Faith,na parang may inaantay siyang kong sino,at makalipas ang lagpas isa't kalahating oras ,dalawang iyak ng batang sanggol nasa loob ng delivery room.
Sa pagkakataong narinig ni jandie ang iyak,halos dumikit na ang sarili niya sa labas ng pinto dahil sa nerbiyos.
"Bakit parang dalawang iyak na sanggol ang naririnig ko?"napa isip sila kong talaga bang dalawa ang narinig nila.
Pagkatapos,nakaisip ng paraan si Rue upang makaalis si jandie,at mabilis na nagpadala ng text kay Patrick.
Kaagad namang tumunog ang celpon ni jodie at may tumawag sa kanya at si Patrick.
"Hello,Patrick?Bakit may problema ba.?
Ayaw niya sanang umalis kaso may kausap siya at kaya mabilis siyang tumalikod sa sobrang dilim na delivery room."Pero hindi pa kasi nakalabas si Blythe! Ayos ka lang ba? Pupuntahan kita wag kang mag alala!.
Nagpaalam naman si jandie kay Faith at hinawakan ang dalawang braso bago magsalita."Faith ikaw na muna bahala kay Blythe,alagaan mo siya,babalik din ako kaagad."
Taimtim naman na tumango si Faith habang kaharap si jandie."Sige pumunta kana,anditi naman ako wag kang mag alala."
Nang makasigurado na si jandie ay dali dali siyang umalis at si Faith naman ay lumapad ang ngiti at tuwang tuwa, mangyayari na ng kanyang plano.
At hindi naman nagtagal ay lumabas na ang doctor sa delivery room na may bahid pang dugo ang pares na gloves,at ngumiti ito kay Mrs. Roberts at Faith.
"Congratulation's its a twin."masayang balita ng doctor.
"At mga lalaki ang mga ito,at yun lang wala na!"
Sa ilang segundo lang ay nakabuo na naman ulit ng plano si Faith,at kaninang mukhang busangot ni Faith ay napalitan ng sobrang laking ngiti at tuwa.'Blythe,sa isang pagkakataon uli ay aagawin ko na naman sa iyo ang magandang buhay na dapat sayo!.
Hinila ni Faith ang doctor sa gilid ng delivery room at inabutan ng bank card at isang name card niya.
"May lamang ten milyon pesos sa account na ito,at itong name card na ito ay magbibigay sa iyo ng magagandang opurtonidad sayo."deritsong sabi niya sa doctor.
Nagtaka naman ang doctor sa sinabi ni Faith sa kanya at di niya naintindihan kaya naman napatanong siya rito."Anong ibig sabihin mo?.
Napakitid ang mata ni Faith sa tanong ng doctor."Gusto ko ipaalam mo kay Blythe na isa lang ang ipinanganak niya,aasahan kong susundin mo ang sinasabi ko."
"At syempre gusto kong lahat ng nurse na nakasama mo sa loob ay tatanggalin mo sa trabaho nila,nagkaintindihan ba tayo?!."
Ang doctor ay naguguluhan parin siya,di niya alam kong anong ibig sabihin ng kausap niya,hindi niya tinaggap ang bank card at ang name card na inaabot sa kanya.
"Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin,at ang request na hinihiling mo sa likod nang lahat nang sinasabi mo?.gulong gulo na si doc.
Pinapaypay ni Faith ang bank card at name card na hawak niya,at saka pa niya pinaintindi ng dahan dahan sa doctor,gamit ang malanding boses at nang aakit na tono.
"Pag isipan mo ng mabuti,Sampung milyon ito,maka ilang operasyon kapa bago mo kikitain ang ganoon kalaking halaga."
"At itong name card ito ay magbibigay sa iyo ng maraming oppotunidad,at magandang buhay kaya bakit dimo nalang tanggapin ito?
"Lahat naman ng ito ay di naman makakasakit sa iyo kahit kunti..."pang aakit niya sa doctor para mapapayag ito.
Nakumbinsi naman ni Faith ang doctor,naging tensyonado ang panga niya kaya pinipigilan niya ito at dali daling kinuha ang cards na nasa kamay ni Rue.
"Alam ko na ang gagawin ko."sagot sa kanya ng doctor.
Tiningnan naman ni Faith ang silweta nang doctor at napakitid ang mata niya.
Si Mrs. Roberts naman na nakatunganga at nagtataka ay lumapit agad kay Rue ng makaalis na ang doctor at nagtanong siya."Faith,anong nangyayari,anong pinagsasabi mo sa doctor.?"
Hinawakan naman ni Faith ang kamay ng ina at umiiyak ng peke,ang pekeng luha niya ay unti unting bumagsak at lumatay sa pisngi."Mom,tutulungan mo naman ako diba!,tulungan mo ako,please?"
Naawa naman agad si Mrs. Roberts sa anak na umiiyak at pinunasan ang mga luha sa pisngi nito."Sabihin mo sa akin Faith,at alam mo naman na kahit ano paman yan ay syempre tutulungan kita."
Nagpanggalit ang ngipin ni Faith at nagsalita."Gusto ko ang isa sa mga anak na kambal ni Blythe."paawa niyang sabi sa ina.
"Isa sa kanila? Bakit?"nagtataka naman si Mrs. Roberts sa gusto nang anak.
Napahawak ulit sa kamay ng ina si Faith ng mahigpit."Ang ama ng mga anak na kambal ni Blythe ay si Paul Drake Beckets."paliwanag niya sa ina upang pumayag ito na kunin niya ang isa.
Punong puno ng pagkagulat ang mukha ni Mrs. Roberts sa narinig niya at bago paman siya magsalita ay pinakalma muna niya ang sarili."PAUL DRAKE BECKETS?"Ang pinakamayaman sa boung Asia na si Paul Drake Beckets? Si Paul Drake Beckets na kayang kontrolin ang lahat at ang ekonomiya sa buong bansa?!.gulat man na nagtanong pero namamangha naman siya.
Tumango lang ng mahinahon si Faith at sumagot sa ina."Opo,siya po...natagalan lang po ako,bago malaman ang totoo.Mom,tutulungan mo ako diba?"
Si Mrs. Roberts ay may konting takot at nagdadalawang isip siya."Kong ang kambal ay anak ni Paul Drake Beckets,ibig sabihin ang lalaking naka One Night Stand ni Blythe ay si Paul Drake Beckets!."Sa isip ni Mrs. Roberts.
Napatakip siya sa bibig sa pagkagulat."Diyos ko po,trinato pa naman namin si Blythe na parang isang kriminal at pinalayas sa mansiyon,di man lang namin inalam ang totoo."
"Mom,alam ko ang iniisip mo,pero tandaan niyo ikaw at si daddy ay pinalayas si Blythe sa bahay.Kung si Blythe ay magiging isang Mrs. Beckets ,papaano kaya niya tatratuhin ang Roberts?siguro alam niyo napo ang mas mabuting gawin!"
Napakitid ang mata ni Faith ng titigigan ang maging reaksyon ng ina."Ang pinakamagandang gawin niyo ni dad ay ang pinakamagandang magiging asset ng Roberts Group.Kung papalitan ko ang magiging lugar ni Blythe at maikasal kay Paul.Syempre ang Roberts Groups ay makikinabang sa lahat,syempre basta sundin niyo ni dad ang kailangan tapusin.'
Sa hinaba haba ng pagkakatahimik,tumango din si Mrs. Roberts."Wag kang mag alala Rue,ang daddy mo at ako ay susuportahan ka,ano man ang magiging desisyon mo.Basta gawin mo lang ang sa tingin mo ay maganda!"