Episode 12:"BORN THE PRINCE CHARMING"

1288 Words
Pagkatapos ng magandang saglit na umayon sa plano niya ang gusto niya,maya maya ay nakabalik na si Jandie sa hospital. Samantalang si Faith, naman ay di mapakali kalakad lakad pabalik balik sa harapan ng ward na sobrang balisa. Nang makita niya si Jandie na nakabalik na,mabilis naman na lumapit si Faith at hinawakan ang kamay ni Jandie. "Jandie,nakabalik kana."May nangyayari kasing di maganda sa opisina,kaya kailangan ko umalis iiwan ko na si Blythe sayo." Tumango naman si Jandie."Sige pumunta kana,pero kelan si Blythe..."bago pa man makatapos magsalita si Jandie ay biglang nasa malayo na si Faith. Inangat niya ang kamay upang abutin si Faith,ngunit di na niya ito mapigilan ang umaalis na si Faith. 'Kelan pwede si Blythe makabalik sa Roberts.'bulong sa hangin niyang salita. Pinilig nalang niya ang ulo bago siya maingat na pumasok sa ward. Nang tingnan niya ang ang wala pang malay at mahimbing na natutulog na si Blythe.Napabuntong hinga siya ng malalim at nagsalita."Blythe,bakit mo ba ginagawa ito sa sarili mo?" Hatinggabi,ang pilik mata ng sobrang putla na mukha ng babaeng nakahiga sa kama ay nanginginig ng mahina.Dahan dahan dinilat ni Blythe ang mata na may pagkagulat ng puting kesame ang tumambad sa kanya. Napaupo siya ng biglaan kaya naman sa panggalaw niya ay nagising si Jandie,kung saan ay nakatulog at ang ulo nito ay nakayuko sa gilid ng kama niya. "Ang anak ko!" "Nasaan ang anak ko?" nailagay niya sa tiyan ang dalawang kamay na pantay at sumiklab siya sa galit. Hinagod hagod naman ni Jandie na mahinahon ang likod ni Blythe upang pakalmahin ito,at inalalayan niya ito upang makaupo ng maayos bago magsalita."Wag kang magwala,Blythe!Ang anak mo ay natutulog sa nursery.at nakita kona siya,sobrang gandang bata at malusog na batang lalaki." Hinawakan ni Blythe ang mga kamay ni Jandie ng mahigpit."Gusto ko siyang makita,ipakita mo siya sa akin!Wag na wag mong ipapaalam sa mga magulang ko,kukunin nila ang anak ko at ilalayo nila sa akin ito!" Tumango lang si Jandie at patuloy niya itong pinapakalma."Sige,Blythe wag kang mag alala,dadalhin ko ang anak mo sa iyo." Nang lumabas si Jandie sa ward,ay napabagal ang paglalakad niya.Ngayong nanganak na si Blythe ay nagbigay sa kanya ito ng magaan na pakiramdam at naging emosyonal siya na hindi matatag. Paano niya sasabihin kay Blythe na pumunta sina Faith at Mrs. Roberts kanina,sigurado siyang magwawala iyon kapag nalaman ito. 'Wala namang nangyayari,kaya itatago ko nalang ito kay Blythe.' Ang sanggol na nasa braso niya buhat buhat,tiningnan ni Jandie ang Infant incubator at nagtaka siya kunti. 'Nakapagtataka naman,bakit nila nilagay ang sanggol sa incubator na pangkambal?" Nasa malalim na pag iisip siya ng maistorbo siya ng nurse at naalala niya si Blythe na balisa na nag aantay sa anak nito,ipinilig nalang niya ang ulo at umalis na ng nursery. Nang makita ni Blythe at tinititigan ang anak na natutulog sa braso niya,hawak hawak niya ang anak ay saka pa siya nakaramdam ng ginhawa. "Jandie,maraming maraming salamat,kung hindi dahil sayo hindi ko alam kong anong gagawin ko." Nakaupo sa gilid ng kama si Jandie at pinanggigilan nito ang machubby na pisngi ng sanggol."Ayos lang yun,kung sa bagay magiging ninang naman ako nito nohh!!"sagot niya kay Blythe pero sa sanggol naman nakatuon ang mata. Ang hospital bed ni Blythe ay malaki at malamig,pero ang nag iisang nagpapainit kay Blythe ay ang anak na nasa may dibdib.At syempre si Jandie na nasa tagiliran niya na nakayuko sa anak niya at hawak hawak nito ang celpon niya. Napatulala si Jandie sa sanggol na nasa braso ni Blythe,ang mga mata niya ay napuno ng pagkagulat at nagsalita. "Blythe,lahat ng balita sa sites ay pinag uusapan ang tungkol sa One Night Stand mo sa di kilalang matanda,pero bakit ang sanggol ay di naman ganun kong tingnan.!Itong batang ito ay sadyang pinanganak na Prince Charming sa sobrang gwapo!" Niyakap ni Blythe ang sanggol na may isang mas matatag na mahigpit na pagkakahawak,ang mukha niyang maputla ay puno ng determinasyon at sinagot naman ang sinabi ni Jandie."Kahit ano pa ang sinasabi ng mga balita wala akong pakialam,anak ko parin siya." Napatitig at napahanga si jandie sa sinabi ng kaibigan,kilala na niya si Blythe simula bata pa lang,kaya alam niya kong anong hirap na pinagdaanan ni Blythe.Kahit ilang beses siyang napagbintangan dahil kay Faith at hindi parin siya nagsalita. Hanggang ngayon,subalit,tumayo parin siya at naninindigan sa anak niya laban sa biased niyang mga magulang. Ang humahangang ngiti ay lumantad sa magandang mukha nito."Blythe,may pangalan kana bang naisip para sa anak mo!"tanong niya sa kaibigan. Ang bawat dulo ng labi ni Blythe ay napalikha ng kurba ng mapagmahal na inang presenya,ang pumuno sa kwartong iyon. "Peterson" sagot niya sa kaibigan. Kahit dipa ipinanganak ang sanggol niya ay napagdesisyonan na niya na iyon ang ipapangalan niya sa anak niya. Napagsalita at napabulong lang ito habang nagniningning naman ang mata niya."Peterson,ang gandang pangalan,ang presko kagaya ng pangalan ko!" Ang maliit na sanggol na si peterson ay unti unting iminulat ang mga mata niya na puno ng buhay at diwa. Hindi kagaya ng ibang mga sanggol na humahagulhol muna bago ididilat ang mata,inangat ni Peterson ang mga maliliit na kamay at inilipat lipat ito sa paligid.Ang mga mata nito ay nakatitig kay Blythe na nasa harapan. "Ee-eh,Ee-eh~" Natigilan saglit si Blythe bago niya inabot ang mga maliliit na kamay ni peterson. Inangat naman ni Perterson ang dalawang maliliit na kamay at hinila ang hintuturong daliri ni Blythe. Nang sandaling mahuli niya ang daliri ni Blythe,ay pumikit ang mata ni Petersonat tumawa muna bago natulog ulit sa dibdib ni Blythe. Dahil sa nahimok si Jandie sa ka cute ni Peterson ay mabilis niyang inilagay ang hintuturo sa,hintuturo din ni Blythe at kinausap niya."Halika Peterson,ako ito si Ninang mo." Bumukas ang nangingilalang mata ni Peterson at sinulyapan ang daliri ni Jandie panandalian lang at malamig na awra na tumalikod ito.At sumiksik ulit sa dibdib ni Blythe. Natigilan si Jandie na tumititig kay Miggy at nagpipigil siya na di mapalo sa pwetan ni Peterson. Napatawa si Blythe sa napaka sweet na nangyayari.Subalit nakaramdam siya ng kulang ng hinimas ang flat na niyang tiyan. Hindi niya alam kong ano_o bakit pero nakaramdam siya ng parang may nawawala na may kong ano_may kong anong importante sa kanya at nararamdaman niya iyon. Sa iisang siyudad na iyon,butas ng alulong at humahagulhol ng bagong panganak na sanggol ang pumuno sa buong sulok ng Roberts mansiyon.At parang ang walang tigil na iyak ay parang sirain ang buong bahay. Hindi na natutuwa si Mr. Roberts ng titigan niya ang sanggol na nasa braso ni Mrs. Roberts at galit na nagsalita."Saan niyo ba nakuha ang bastardong batang yan galing?" Kahit na si Mrs. Roberts ay nagulat sa akusasyon,gumalaw siya ng dahan dahan habang karga karga ang sanggol at nagsalita."Darling,wag ka ngang magsalita ng ganyan! Itong batang ito ay anak ni Paul Drake Beckets." Nagulat ang mukha ni Mr. Roberts at ang di makapiniwalang nakasulat sa mukha nito."Anak ni Paul Drake Beckets?" Paano nangyari iyon? Hinding hindi kopa naririnig na may nakarelasyon si Paul Drake Beckets na kahit sino?"hindi siya kumbinsido sa sinabi ng asawa. Hinawakan ni Faith ang kamay ng Ama at sinabi niya ang mga sinabi niya kanina sa ina. "Dad,doon kami nanggaling kanina." Napadulas si Mr. Roberts sa kinauupuan niyang sofa parang lahat ng lakas niya ay nawala at naglaho bigla. Ang ka affair ni Blythe ng gabing iyon ay si Paul Drake Beckets!. Subalit pinalayas niya si Blythe sa Roberts family ni wala man lang pahiwatig ng Awa at simpatya. Si Mrs. Roberts ay napapayag talaga ni Faith at tumingin kay Mr. Roberts ."Wala na tayong ibang pagpipilian sa ngayon,kailangan nating esettle ang pagkakaroon ni Blythe bilang si Faith na nag aangat sa simula pa noon.Basta maging Mrs. Beckets si Faith ang pamilyang Roberts ay mas lalong sisikat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD