Episode 13:PRETEND

1585 Words
Ang mabagal na tingin na galaw ng pagkatingin ni Mr. Roberts na para bang nagslow motion,ay dahang dahang bumaba at kumislap ang misteryosong hangarin na sumilay sa kailaliman ng pakiramdam nito. "Sigurado kaba riyan,sa sinasabi mong itong batang ito ay anak nina Blythe at Paul Drake."naniniguradong tanong ni mr. Roberts sa asawa at anak. Habang umiiyak ang sanggol nasa braso niya na hawak hawak,sumagot parin si Mrs. Roberts sa tanong ng asawang si Damian."Tama ka diyan,Dear' tingnan mo itong  sanggol na mat pagkahawig ni Blythe at Paul Drake." Nang masigurado na at naniwala na si Mr. Roberts sinabing nalaman ng anak at asawa na ang sanggol na ito ay anak ni Paul Drake Beckets.Kahit na nagiging irretable siya kanina ay biglang naging maingat ito sa paligid. Kinuha niya ang sanggol sa kamay ng asawa,mabilis namang dahan dahang ibinigay ni Mrs. Roberts sa asawang si Damian na ang mata ay nakatingin lang kay Faith.    "Anong gagawin mo o papaano mo papaniwalain si Paul na ikaw yung babaeng nakasama niya ng gabing iyon?"tanong niya sa anak na walang imik na nakasandal sa sofa.    Si Faith namang napasarap na ang pagkasandal ay umangat agad   ang mata ay agad na nakatingin sa ama at ang mata niya ay nagniningning.Dad wag kang mag alala,may ideya napo ako."sigurdong sagot niya sa ama.           ~BECKETS MANSION~ Kinabukasan ng umaga,sina Faith at ang inang si Tessa ay nasa harapan na ng Beckets Mansion kasama namang maingat na nakabalot ang lampin ang sanggol na nakalagay sa bag na lagayan ng sanggol. Si Paul Drake ay nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape.Nang makita si Faith at Mrs. Roberts sa harapan niya,napabuntong hininga siya kunti.     Gwaa~gwaa~~ Ang iyak ng sanggol ay umalingaw ngaw sa loob ng buong mansiyon. PAUL DRAKE BECKETS POV:    Ang binatang assistant ni Paul ay yumuko konti at may ibinulong naman sa kanya."Master Beckets,ito po pala ang tagapagmana ng Roberts Group si Faith Roberts at ang kasama niya ay ang mommy niyang si Mrs. Tessa Roberts. ,At sinasabi niyang nandito siya upang ibalik sa iyo ang jacket na pinapahanap niyo." Nang marining niya ang sinabi ng assistant,ang kamay ni Paul ay naging tensyonado konti nanginig ito konti ang hawak niyang tasa ay nanginginig din.Tumaas ang kilay niya habang itinatabi ang hawak na tasa. Sinusukat niya ng mabuti ng tingin ang babaeng nasa harap at pinakiramdaman niya ito,pero mas lalong tumaas ang kilat at napakunot pa ito na magkasalubong na di na niya namalayan.    "Pinahanap ko ang jacket na ito ng halos sampung buwan na ang nakalipas,bakit ngayon mo lang naisipang lumantad at pumunta sa akin?"matigas ang tono ng pagkasalita niya sa mga salitang ito. Napakagat naman ng labi si Faith at na para bang gusto siyang hulihin sa mga tinatago niya,na parang sugat na gistong subukang buksan ang pahilom ng sugat sa tono ng pananalita nito sa kanya. "Dahil ikaw si Paul Drake Beckets." May alinlangan naman si Paul sa kaharap na si Faith habang inaantay niya ang eksaktong sagot nito sa tanong niya,pero hindi niya alam ano ang punto ng sagot nito sa kanya. Para maiwasan ang pagtatanong ng marami sa kanya ay ibinaling niya tingin sa sanggol na nasa mga braso ng ina na tahimik at para bang nakikinig sa mga sinasabi.Pero ang tingin naman ni paul ay nasa sanggol na para bang nakiramdam.     "Dahil ikaw si Paul Drake  Beckets,kaya ang nangyari ng gabing iyon ay isa lang iyong One Night Stand kong iisipin,kaya wala na akong ibang rason para istorbohin pa kita dahil sa pangyayari."Laking pasalamat ni Faith at hindi siya nagkandautal utal. Sinundan ni Faith ang tingin ni Paul na nakatitig sa sanggol na nasa braso ng ina.Kaya napahinto siya saglit sa sinasabi,ibig sabihon gaya nag nangyari ay may maging mahigpit siyang kapit dahil sa nagyari. Kaharap ang kakaibang awra ni Paul,na walang indikasyong sumagot,kaya naman nagsalita siya ulit nag isa pang beses si Faith upang mapasagot ang lalaki.     "Hanggang sa nalaman kong buntis ako sa anak mo.Subalit,nag alala ako baka hindi mo siya kilalanin,kaya hanggang sa manganak ako doon ko naisip  na dapat ko pala siyang bigyan ng buong pamilya,gustuhin mo man o hindi!" Ang sinabi ni Faith ay nagpagulat sa mga taong naroon sa sala na iyon na nasa mansiyon. Napaangat ng ulo si Paul at ang mata nito ay sobrang lamig at nakipagtitigan kay Faith ng matagal,pero wala siyang matiktik ng isang pahiwatig ng pagkabalisa o pag iiwas. Itoy nakapagtataka,ang pakiramdam na binibigay sa kanya ng babae ay kakaiba kaysa naramdaman niya sa babaeng nakasama ten months ago. Itong babaeng ito ay basta basta nalang dumating sa mansiyon niya na wala man lang pagpapaalam,sinasabing siya ang babaeng naka One Night stand ko at may dala dala pang sanggol na sinasabing anak ko. Hindi niya pinansin ang babaeng Faith ang pangalan at lumapit siya sa matandang may hawak ng sanggol kinuha niya ito. Kahit hindi niya alam kong papaano humawak ng sanggol ay ginawa parin niya at sinunod ang binubulong nang isipan na hawakan ang sanggol.Pero ang pinagkaiba ang batang umiiyak iyak kanina sa braso ni Mrs. Roberts ay huminto ng siya na ang nagkarga at inilapag sa mga braso niya ang sobrang liit na sanggol. Naiintriga siya habang karga karga ang maliit na sanggol at ang matigas niyang puso ay unti unting lumambot sa sanggol na yakap yakap ang braso niya.    "Kunan niyo sa ng dugo at magsagawa ka ng DNA Test."utos sa assistant niya. Tumango naman agad si Paulo ng mabilis na kumuha ng rubbing alcohol at iba pang gamit pang medical.May alam naman si Paulo tungkol sa mga medical,dahil isa iyon sa requirements niya para maging assistang ni Paul. Umupo naman siya ng tahimik sa sofa at ang sanggol ay nasa braso niya,habang sina Mrs. Roberts at Faith ay tahimik din na nag aantay ng nababalisa na. Mabilis namang nakunan ng blood samples ni Paulo si Paul,pagkatapos humarap siya sa sanggol naman nakatuonang atensyon niya. Basta nung akma na niyang iturok sa maliit na braso ng sanggol ang karayom ay nagsalita si Paul ng walang ka emosyon emosyon ang tono ng boses.   "Kapag ang sanggol ay umiyak,magbabalot kana ng gamit mo."Nanginginig ang kamay ni Paulo ng marinig ang sinabi ni Paul.    'Diba mas lalo siyang pinahirapan ni Mr. Beckets?" 'May sanggol bang hindi umiiyak habang tinusok ng karayom para kunan ng dugo?'   'Akala ba niya ang matulis na karayom ay laruan lang?' Nakaramdam talaga si Paulo ng matinding presyon,pero hindi niya magawang magprotesta habang tiningnan ang mata ng boss niya. Gayun paman,ang karayom ay dahan dahang bumaon sa braso ng sanggol,at ang puso ni Paulo ay kumakabog na ng malakas.Para gusto na ni Paulo umatras sa ginagawa at magbalot ng mga gamit upang umalis wala siyang kasiguraduhang hindi iiyak ang sanggol. Ang mga mata ni Paulo ay napako sa mukha ng sanggol,halos mag isang oras siyang nagdalawang isip kong ituturok ba niya sa sanggol dahil sa sobrang takot na talaga siya at ang kanyang puso ay parang mahahati.      Napangiwi ang mukha ng sanggol na parang iiyak na ito ilang segundo,ang puso ni paulo ang sobrang lakas ng kabog."Tapos na talaga ako nito."takot na bulong sa hangin ni Paulo. Nakakagulat,Bagamat ang mukha ng sanggol nakakangiwi parin pataas,ang mga labi nito ay nakabaon pareho ng mahigpit habang tinitiis ang pagsubok na may isang walang kabuluhang pagpapasiya. Nang matanggal na ni Paulo ang karayom ay saka pa bumagal konti ang malakasa na kabog ng puso niya kanina. Simula pa kanina ng kargahin ni Paul ang sanggol ay hindi na ito umiiyak. Tahimik parin si Paul kahit na ang mukha niya ay di na mawari ang kanyang puso ay puno na ng kasiyahan ng tanggapin niya ito. Kahit na,nakaalis na si Paulo sa Beckets Mansiyon dala ang dalawang blood samples.Si Paul naman ay buong oras na niyang di binigyan ng pansin ang babae at ang Ina nito na nakaupo sa harapan niya. Hindi naman na offend si Faith sa lahat,sa totoo lang,dahil kapag mas gusto ni paul ang bata ay mas lalong pa siyang maging masaya. Inaamin niyang,ang assistant ni Paul ay gwapo at mahusay. Umabot si Paulo ng dalawang oras mahigit ang itinigal niya sa hospital at tinawagan si paul upang ipaalam ang resulta.     "Mr. Beckets,ang resulta po ng Paternity test ay ang sanggol ay may resultang Positve na anak niyo po talaga ito."masaya namang ibinalita ni Paulo sa boss niya.     Pagkatapos mag usap ni Paul at Paulo ay pinatay niya ang celpon  at inangat ang bata habang seryosong nagsalita."CLARK PETER ang pangalan mo." Kumurap kurap naman ang mata ng saggol na si Clark Peter na napakainosente tumitig kay Paul,ang pagkakuryusidad ay bakas nito sa mga mata ng sanggol.     Pagkatapos ng mahabang oras na para nang mabaliw si Faith,at hindi na talaga niya nakayanan ang pambabaliwala sa kanya ng lalaki ay kusa na siyang lumapit dito."Clark Peter,ang gandang pangalan."Yumuko siya sa tabi ng sofa at pinisil ang pisngi ng sanggol na mabait na pekeng ngiti.     "Baby,may pangalan kana ngayon." palambing na salita ni Faith. Kakatwa,si Clark Peter na kaninang tahimik at hanggang ngayon bago paman lumapit si Faith,pero umiyak ito ng hawakan ni Faith.Ang malakas na hikbi nito ay pumuno sa buong sulok ng mansiyon. Tumayon si Paul ng dahan dahan at idinikit sa kanyang dibdib si Clark Peter. "Tama ka,ang sanggol na ito ay akin,kaya natural lang na dito siya titira sa akin."mapangmataas na tonong sabi ni Paul.     "Ngayon pag-usapan natin ang condition mo."malamig na sabinkay Faith. Huminto naman sa pag iyak si Clark Peter ng huminto na sa paghawak si Faith sa kanya.Ang titig nito ay sobrang lamig ,kagaya kay Paul pero maliit na version.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD