Abala sa paglilinis ng sala si Hansel ng tumunog ang kanyang cellphone na nasa malapit lang na sofa. Pagtingin nga ng binata ay napangiti ito ng makitang ang mahal nitong Komandante ang tumatawag. "He-hello daddy." bungad ni Hansel sa Komandante. "Hi baby, magbihis ka ah, mamayang pag-uwi ko ay may pupuntahan tayo." saad sa kabilang linya ni Erick. "Sige daddy." "O sige, ibaba ko na rin ito, love you baby." "Okay daddy, love you too." sagot ni Hansel at kahit pa namumula sa oras na iyon ay sobra namang kinilig sa maikling pag-uusap nila ng Komandante. At gaya ng nais ng mahal nitong sundalo, mabilis ng tinapos ni Hansel ang paglilinis, para makaligo na ito. ... Nakapagbihis na si Hansel at hinihintay na lang nito ang pagdating ng Komandante para sa lakad nila, pero bago iyon ay mul

