Abala si Hansel sa paghahanda ng tanghalian nila ng mga kasama sa bahay, at matapos maihain sa hapag ang mga pagkain, tinawag na isa-isa ng binata, ang dalawang guards at ang matandang driver na si Mang Popoy. ... Habang tahimik na kasalukuyang kumakain ang apat, binasag ito ng may pagkamadaldal na guard na kasama nila. "Balita ko tol, mamaya na ang dating ni sir Erick." saad ni Arjay. "Oo tol, alam mo na, siguradong namiss ni sir ang iniwanan niya." sagot ni Jojo at tumingin pa kay Hansel pagkatapos. Kinabahan naman si Hansel sa narinig na pag-uusap ng dalawang guards, at sa sandaling iyon ay umiisip na ng isasagot sa among sundalo, sa siguradong mga itatanong nito. "Kayong dalawa, kumain na lang kayo ng kumain, at isa sa inyo ang sasama sa akin para magsundo kay sir." saway ni Pop

