This isn't the first time that I pushed an asshole away. This isn't the first time that I feel responsible just because I ditched someone.
"What do you want?" I remained myself calm kahit na sa loob loob ko'y nanginginig na ako sa hindi malamang dahilan.
He looked at me with rage and fire on his eyes. Agad akong umiwas ng hindi ko na makayanan ang kaniyang titig.
He leaned on me and I felt his lips on my earlobe. Muntik ko nang makagat ang labi ko dahil sa nangyari. Hindi... hindi na ako pwedeng magpadala ulit. I'm already sober. I can't let my desire ruled over me.
"Date me."
Napamulagat ang mga mata ko at agad na lumapat ang dalawang palad ko sa kaniyang dibdib at mahinang itinulak ito palayo sa akin.
"Ang lakas ng amats mo, 'no? Kung wala kang mapagtripan, wag ako." matapang kong sinabi.
The hell. That's just a one night stand pero kung makapag-react siya'y akala mo natapakan na ang ego niya dahil sa nangyari.
Natigilan ako. Ego. Oo nga naman. Bakit ko nga ba nakakalimutan ang rule ng isang lalaki pagdating sa mga kaibigan nila? Wala nga naman siyang makukuhang papuri mula sa mga ito dahil kabaliktaran ang nangyari.
"Stop pushing my buttons, Laurent. It's just a one night stand, for petesake." I rolled my eyes heavenwards.
Napatiim bagang siya sa narinig at mas lalong naging seryoso ang mukha. "Why would you say that, Ayu? You're...damn! Pareho nating alam kung ano 'yong nangyari kagabi. Pareho nating alam kung bakit nandito ako ngayon sa harapan mo. So, stop denying it. Just. Stop."
Bakit ba ang big deal sa kaniya ng mga nangyayari? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang siya kasi hindi ako naging katulad ng ibang mga babae niya? Kasi totoo naman. Hindi ko gugustuhing mapasama sa kaniyang mga listahan kaya sana ay tigilan na niya ako.
"Oh, you do? Well, I don't." I uttered fiercely and turned my back on him.
Napaawang ang kaniyang labi at hindi na agad malaman ang gagawin. Buong buo ang loob kong pumasok sa loob ng hospital. I am certain that I won't be one of his girls. Hindi naman kasi ako ipinanganak para sa mga lalaki.
I was born to rule my own world not to be controlled by someone.
Habang naglalakad sa kalagitnaan ng hallway ng Pacific Global ay marami akong nakakasalubong na mga nurses at doctors at lahat ito'y bumabati sa akin. Wala naman akong panahon upang i-entertain ito dahil marami pa akong gagawin at nagmamadali ako. Nagmamadaling tumakas.
Sasakay na sana ako ng elevator nang maramdaman kong may humila sa akin at isinandal ako nito sa pader. I can feel his breath fanning on my face. It smells menthol and cigarette. Naninigarilyo rin ang isang ito?
Sabagay, ako ngang babae naninigarilyo. Siya pa kayang lalake na? Muntik ko nang makalimutan na nasa public place kami kaya agad ko siyang itinulak.
"Stop coming near me, Laurent." mariin kong banta.
Bakit, Ayu? Bakit mo siya pinalalayo? May nararamdaman ka na bang panlalambot? Nakalimutan mo na bang ekis na siya sayo? Agad kong ibiniling ang aking ulo upang mawaglit ang mga bagay na iniisip. It's too much for my being.
Tinignan niya lamang ako gamit ang kaniyang seryosong mga mata. Bakit niya ba ako hinahabol pa kung gayong iyon naman talaga ang rule ng one night stand? Ang umalis pagtapos nang lahat.
"I'll be giving you an option. Date me or else, you'll be forced to get a help from me."
I am certain that it's not an option. It's a threat. At bakit kahit pinagbabantaan niya na ako'y nakararamdam pa rin ako ng panlalambot?
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. He's a Laurent. I can't deny the fact that he can get other girls even in just a blink. Kaya paanong ipinipilit niya ang kaniyang sarili sa akin?
"Seriously, Zuho. Why are you doing this? You can have all the girls if you chose to. But why? Why me? Are you just challenged? Challenge lang ba sayo lahat ng ito?" may panunuyang tanong ko.
Hindi pa rin siya natinag. Akala ko kapag unti unti ko na siyang binibisto sa mga bagay na may katotohanan ay agad na siyang aatras ngunit hindi. I think, he's more than challenged because of what I said.
Is that a good thing or not? Neither of the two, wala pa ring magandang senyales para sa akin. Sa huli ay umiling na lang ako, binabawi ang mga sinabi.
"Kung alin man sa dalawa ay wala na akong pakialam sa magiging opinyon mo. I want peace. So, please? Let me go."
Akala ko ay ron na matatapos ang lahat ngunit hindi pa rin pala. Agad niya akong hinapit sa kaniya at siniil nang halik ang aking labi. Muntikan pa akong malunod sa kaniyang mga halik kung hindi ko lang naalala kung nasaan kami.
Agad ko siyang itinulak palayo sa akin at umigkas ang aking palad sa kaniyang pisngi. Mabilis ang paghinga ko dahil sa nangyari. I can't believe him! Our families are both prominent! And yet, he has the power to do this to his own family?! Talaga bang gusto niyang ma-eskandalo kaming dalawa?!
Nakita ko pa ang ibang tao sa loob ng hospital na tumitingin sa amin. Mayroong dumadaan sa likod ni Zuho at may panaka-nakang nagnanakaw rin sa amin ng litrato.
The f**k. Alam kong hindi magtatagal ay makakaabot sa pamilya ko ang pangyayaring ito.
"Nice, Ayu. Good speech. Now, pwedeng ako naman?" tanong niya.
I almost clapped for what he said. Talagang matapang na lalaki. Kung pa-ulanan ko kaya 'to ng mga babae'y titigil ito?
"It's just one date, Ayu. At kapag hindi mo nagustuhan ay titigilan kita."
Natigilan ako sa sinabi niya. His offer is tempting but I can't guarantee it. I'm a busy person and has no time for fake love.
Taas noo ko siyang hinarap. "Akala mo ba madadala mo ako sa ganiyan mo? Well, think again. Kasi hindi lang ako basta basta. I am Ayumie Credo and I'm not a fool to fall from your trap."
I smiled at him and waved. "Lastly, you're nothing but just a drunken mistake."