"Ayu, anak."
Unang sumalubong sa akin ay si Mommy nang makapasok ako sa loob ng hospital room. Nandito na rin ang iba kong mga kapatid. Dumaan lang din siguro dahil alam nilang nandito na sina Mommy.
Dumiretso ako sa isang sofa at agad na isinalampak ang sarili ron. Ang kwarto ng hospital ni Eleny ay parang bahay na rin namin dahil may mga gamit dito na talagang pinabili pa ni Mommy dahil hindi namin alam kung kailan siya magigising.
"How's work, Ayu?" tanong ni Mommy malipas ng ilang sandali.
Sa paraan ng kaniyang pagtatanong ay para bang may alam siyang ibang trabaho ko dahil hindi ko matapos tapos ang iniwan sa akin dito.
"Work is fine, Ma. Stressful." simpleng sinabi ko. Ayoko nang dugtungan pa at baka humaba pa ang maging usapan namin.
Akala ko ay magpapatuloy siya sa kaniyang tanong ngunit himala ng hindi na ito muling nagsalita pa.
Walang kahit sinong umimiik sa amin sa kwarto ni Eleny at lahat kami'y nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung may nakaligtaan ba ako sa mga nangyari or kung ano.
Because I knew Eleny too well. At hindi siya ganito pumili ng daang kaniyang tatahakin. She'd rather stay on her comfort zone than to explore. But then, I remembered na matagal na panahon na pala iyon simula ng huli ko siyang nakasama talaga.
Hindi naman ako nagkulang diba? Aside from the material things na ibinigay ko sa kanila ay alam kong inaalam ko rin ang kanilang mga gawain.
"So, Robber talked to me."
Natigil ako sa pagiisip at napabaling kay Mommy na nasa tabi ng kama ni Eleny. Dad is on her side, he was caressing Mommy's back. Na para bang kinakalma na ito bago pa magkaroon ng kung anong pag-atake sa kaniya.
"He said that maybe there was a foul play."
Nakatalikod sa amin si Mommy ngunit ramdam ko na ang galit sa kaniyang kalamnan. Dinig ko sa kaniyang boses ang hinanakit, pagtitimpi at kung ano pa. Samantalang, nanatili naman kaming magkakapatid na kalmado.
Alam kong ang iba ay nag-iigting na ang galit ngunit alam din naming kailangan naming pakinggan ang buong kwento. Hindi namin malalaman kung saan kami dadalhin nito kaya kailangan naming aralin ang buong sitwasyon na hindi ginagamit ang emosyon.
Coz emotions will take you from nowhere.
"He was still on the process of investigating but he can already see the traces of the evidences."
Napakuyom ang kamao ko sa napagtanto. "So, Braxton has been playing with us." buong boses kong sinabi.
"Yes." Bumaling na sa akin si Mommy at ang galit na nanininuot sa kaniyang pagkatao ay mas lalong naging halata. "I don't care about that fucker's reputation. We are a Credo and Credo's don't easily give up without putting a goddamn fight."
Napapikit ako at dinarama lahat nang sinasabi ngayon ni Mommy. She's right after all. We're a Credo and Credo's don't easily give up.
If he really wants to play with us, then, we'll give him a good game.
Isang tao lang ang naiisip kong pwede kong gamitin sa larong ito. At buo na ang loob ko.
Hindi na kami nakapasok na magkakapatid sa trabaho matapos ang pag-uusap na iyon. Pakiramdam ko kasi ay kailangan talaga kami rito ng aming mga magulang kahit pa hindi sila magsalita.
Hapon na ng makatanggap kami ng tawag na sinasabing may mahalagang taong darating upang makipag-usap sa amin. Alerto na kami kaagad ng hindi sinabi kung sino ito.
Kahit naman pa-chill chill lang kaming pamilya ay sa loob loob nami'y handa na kami sa mga posibleng mangyari.
Nang may kumatok ay agad na pinagbuksan iyon ni Andra at nakitang si Robber ang pumasok. Siya lang mag-isa at walang kasama. Naka-americana suit pa ito na mukhang kagagaling lang sa trabaho at dumiretso lang dito.
He's with his suitcase with matching glasses. Imagine, he's an inheritor pero kung pagbabasehan mo ang kaniyang kilos at pananamit aakalain mong isa siyang abogado.
Oh well, it's his he wants after all. I have no say on that.
"Good afternoon, Tita, Tito." bati niya kila Mommy. Bumaling naman ito sa amin at pormal na tumango. "Ayu," Tumango na lang siya sa ibang mga kapatid ko at na-upo.
Inilapag niya ang kaniyang suitcase sa lamesa. At binuksan ito, nandoon ay may kinuha siyang suitcase at inilapag sa amin ang isang envelop sa lamesa.
Nagkatinginan muna kaming lahat bago pinulot ito ni Mommy at binuksan. Lahat kami ay kinabahan at naghihintay. Nanlaki na lang ang mga mata namin nang tumulo ang kaniyang mga luha. Her hands flew to her mouth and cried.
Kumunot ang noo namin lalo na noong napakuyom ang kamao ni Daddy kaya ako na mismo ang tumayo at lumapit sa kanila. Kinuha ko mula kay Mommy ang mga litrato at nanlaki ang mata ko.
Tinignan ko pa ang iba at halos hindi ko na alam kung anong dapat ko maramdaman. Nakitingin na rin ang iba ko pang kapatid at hindi rin nila nakayanan.
Padaskol kong nilapag lahat ng litrato at puno ng galit akong bumaling kay Robber na seryoso lang nag-aantay ng salita mula sa amin.
"Who did this?" I asked, trying to remain myself calm. But I couldn't.
Anger is spreading all over my body. I can't contain it. Those pictures are filled with blood. And it looks like he or she is threating us to stop from what we're planning to do.
"Who f*****g did this?!"
Inayos ni Robber ang salamin sa kaniyang mata at umiling. "I still don't know, Ayu. Ang hirap hulihin ng gumawa niyan. But I'm working on it."
I raked my hair and sat down. Emotions are ruling over me but I know that I shouldn't. I won't let these monsters won the battle against myself.
Sa gitna nang pag-iisip ng mga posibilidad ay pumasok sa isip ko ang isang taong pwedeng makatulong sa akin sa problemang ito.
Tumayo ako at lumipat lahat ng tingin nila sa akin. "Aalis po muna ako."
Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at ibang mga gamit ko samantalang nanatili akong tinitignan nina Mommy.
"Where are you going, Ayu?" nagtatakang tanong niya.
"I will ask for help."