Kinabukasan Nakakapanibago sa aming kwarto ngayon, dahil imbis na mga insekto ang gigising sa amin, kasabay ng liwanag na nangagaling sa butas ng bubong. Mga katok sa pintuan, at sigaw ng mga tao ang nagmimistulang alarm clock namin sa palasyo. Paunti-unti ko namang minulat ang mata ko, at dahan-dahan ko itong ginugusot, nang namataan si Adam na masarap pa rin ang tulog yakap ang kanyang malambot at malaking unan. Pagkababa ko sa aking higaan, nanibago rin ako sa sahig dahil napakalambot na ng tinatakapan namin ngayon at hindi na kailangan ng tsinelas pansapin sa malamig na sahig. "Adam." Yugyog ko sa kanya,habang umiinat naman ako. "Adam, gising na," pag-uulit ko. Nang hindi tumalab kay Adam ang pang gigising ko, umupo naman ako sa higaan niya. Kinundisyon ko ang sarili, bago pa ak

