bc

Behind Closed Door

book_age16+
1.1K
FOLLOW
2.9K
READ
adventure
powerful
independent
brave
tragedy
twisted
mystery
abuse
lies
self discover
like
intro-logo
Blurb

Hindi maipagkakaila ng dalawang magkapatid na sina Adam at Silva ang labis na pagmamaltrato sa kanila ng kanilang "stepfather" na si Nathan. Sa loon ng apat na taon nilang paghihirap ay hindi nila akalain na darating ang matinding dagok sa kanilang buhay.

Pinatay nito ang kanilang ina.

Nang dahil sa insidenteng ito. Naging daan ito upang makapasok sila sa AVALON. Ang isla kung saan matagal nang naghahari ang kanilang nawawalang ama.

Maililigtas ba nila ang unti-unting nang nasisirang isla? O tuluyan na itong masasakop ng kanilang kalaban na si Archaleis o mas kilala nila sa tawag na Nathan?

chap-preview
Free preview
PANIMULA
"Adam, nasaan tayo? Anong ginawa mo?" tanong ko rito, habang hawak-hawak ang kanang kamay niya. Bigla na lang kasing bumukas ang pinto ng pabaliktad, habang sinusubukan naming makatakas sa abandonadong bahay. Kinulong kasi kami ng demonyong Nathan na 'yon. Simula nang binalak naming tumakas para isumbong siya sa pulis dahil sa pagpatay nito sa Mommy namin. "Hindi ko alam Silva, wala akong ginawa."  Habang takang-taka naming tinitignan ang kabuuan ng gubat, kapansin-pansin naman ang mga halaman na tila may musika silang naririnig kaya nagsasayawan ang mga ito. Magandang tingnan ngunit kapag nilapitan mo ang mga ito, mukhang sasakmalin ka  nila dahil sa laki at matinik na bunganga ng mga ito. Mga malalaking langgam na kulay abong masayang nagkukwentuhan sa malaking dahon habang may hawak na maliit na tasang gawa sa burak. Sa kabilang dako naman, naroon ang mga parupuro na nagtipon-tipon. Bigla naman akong nagulang nang sumampa sa balikat ko na isang pusa? Hindi... hindi. Isang tigre? Hindi, pusa talaga. Dala ang nanlilisik nitong mata saka padila-dila pa. "Huwag niyo silang guluhin, baka kayo na ang sunod na ialay nila." Habang bumubwelo kami ni Adam paalis sa pwesto malapit sa kanila, naapakan ko naman ang isang tuyong dahon, dahilan para tumigil sa pagdasaral ang mga paruparo. Pagharap ng mga ito sa amin lumitaw naman ang isang kulay gintong paruparo na mukhang seahorse.Ito na ata ang kanilang reyna. Tinignan lang kami nito 'tsaka ngumiti,ilang minuto lang ang lumipas at ang magandang kulay nito ay nabahiran ng kadiliman. "Bakit hindi kayo naging bato?" hinaing niya, saka biglang binulaslas ang napakalaking pakpak. "Hindi ninyo sila maaaring galawin," tugon naman ng isang matanda sa di kalayuan. Sabay naman kaming napalingon ni Adam dito. Habang ang malaking paruparo ay dali-daling lumipad, at ang pusa na kanina'y nasa balikat ko ay bigla na lang naglaho. Habang papalapit kami sa matanda ay nakapagtatakang nag-ipon-ipon ang mga insekto na kanina'y pakalat-kalat at tila lumilikha ng daan para sa amin. Habang ang mga halaman naman na kaninang nagsasayaw ay pumirmi sa kani- kanilang mga pwesto. Nang makarating na kami sa kinaroroonan ng matanda, ang tungkod na kaninang hawak niya ay bigla na lang naging ibon. Manghang-mangha naman nakatingin ni Adam dito,parang dati lang ay nakikita ko mga ito sa mga magical movie na nagtatransform ang tungkod ng matanda at saka nagiging ahas, pero ito naging ibon naman. "Lolo, excuse me po. Alam niyo po ba kung nasaan tayo?" pangunguna ko.Ngumiti lang ang matanda, saka dumapo ang ibon sa kanyang balikat. "Sa wakas, nandito na rin kayo. Adam, Silva." wika niya. Nagtinginan lang kaming dalawa ni Adam, habang ngumingiti ang matanda na kala mo'y nanalo sa lotto. "Nandito? E, lo anong lugar po ba ito? Tsaka bakit ninyo kami kilala? Tayo lang ba ang tao rito?" sunod-sunod kong tanong. Tumawa naman ito ng napakalakas, dahilan para mapaatras kami ni Adam. "Matagal ko na kayong kilala.Simula pagkapanganak ninyo ay binabantayan ko na kayo." sabi nito saka tinuro ang mga insekto. "Tsaka ang mga iyan, tao rin sila, kagaya ninyo." Habang tinitignan namin ang mga ito, sabay naman kaming napatawa ng malakas ni Adam. "Iyang mga insekto ba kamo, Lolo?" sabay turo ni Adam sa mga ito. Kinuha naman niya ang isang batang paruparo na nakadapo sa dahon, tsaka pinutol ang pakpak. Bigla namang nag-iba ang awra ng matanda, at umihip ng malakas ang hangin. "Huwag na huwag ninyong gagalawin ang kahit anong insekto rito, dahil hindi lahat nacocontrol ko. Baka  hindi sila makapag timpi at maghiganti sila sa inyo." Sabay tingin nito samin ng matalim. "Tara, at sumama kayo sakin." "Teka, hindi nga namin kayo kilala e. Tapos sasama pa kami?" angal ko. Nagsimula namang maglakad ang matanda, at sumunod na rin si Adam sa kanya. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi sundan din sila.Habang naglalakbay, napansin naman naming may ilang mga insekto ang sumusunod sa amin. Mukhang nakaramdam din ang matanda na may gusto akong itanong sa kanya kaya ito muling humarap sa amin. "Malalamanrin ninyo sa pupuntahan natin, kung bakit kayo dinala rito." Sa ilang minuto naming paglalakad, may nadaanan naman kaming isang ilog, na bukod sa napakaganda nito, mayroon pa itong napakalinis na tubig. Bigla tuloy kaming nauhaw ni Adam, kaya nagpaalam kami sa matanda na iinom muna. "Mag-ingat kayo riyan, at 'wag kayong masyadong lumayo." paalala ng matanda, habang tumuloy ito sa paglalakad. Sa sobrang kauhawan at sa tagal naming hindi naligo, sabay kaming nagtampisaw ni Adam sa malamig at malinis na tubig ng ilog. Ilang minuto rin kaming naliligo nang may mapansin kaming puno na hitik sa bunga. Mukha itong mansanas sa hugis, at mangga naman sa kulay. Sabay naman kumalam ang tiyan namin ni Adam at napag-desisyonang umahon na at kumuha nito. "Adam. Akyat ka, ako ang sasalo.” sabi ko rito na takam na takam habang tinitignan ang mga hinog na bunga. Pumayag naman ito, at inumpisahan nang umakyat. Nasa kalagitnaan pa lang siya ng puno ay bigla na lamang lumakas ang hangin, at tila nagkagulo ang lahat ng insekto. Pati na rin ang mga ibon na kaninang masaya sa paglipad ay biglang lumikha ng ingay na napakasakit sa tenga.Pansin ko namang may inaabot ng bunga si Adam, nang biglang yumanig ng malakas ang puno, kasabay ng pagkahulog nito. "Adam!” Nilapitan ko naman ito, habang sapo-sapo ang puwetan niya. "Okay ka lang?" tanong ko rito, ngunit para ng naging estatwa ito habang nakaharap sa puno. "Huy, Adam! Ano ba kinakausap kita?" sigaw ko sa kanya, saka naman niya ko kinalabit. "Ate, ang cute niya ano?" Turo niya sa punong kalaunay galit na galit na sa amin. Gamit ang mahahabang ugat nito, akmang dadamputin naman niya si Adam, nang biglang may pumigil dito. Ang matanda. Tinignan lamang nito ng matalim ang puno, tsaka ito biglang kumalma. Ang mga ugat nito ay bumalik sa dati, at ang kaninang nakakatakot na itsura ng puno ay bumalik na rin sa normal. Ang mga insekto ay tumigil na sa paglikha ng ingay, ganoon din ang mga ibon.Habang manghang-mangha kami sa ginawa ng matanda, bigla naman itong tumingin samin habang nanlilisik ang mata. "SINONG MAY SABI SA INYONG KUMUHA KAYO NG PRUTAS!" Sa sobrang galit ng matanda, halos dumilat ang mata namin dito dahil sa takot. Yumuko naman kaming dalawa ni Adam habang nangangatog ang mga binti namin.“P-Pasensya na po.”  "WALA KAYONG PWEDENG GALAWIN DITO NA KAHIT ANO!" Habang tinutulungan kong makatayo si Adam.Nmagpatuloy naman sa paglalakad ang matanda, na parang walang nangyari.Nang masilayan na namin ang isang malaking bahay na gawa sa pawid, at napapalibutan ng malalaking puno, hindi ko naman mapigilang mag-isip ng masama tungkol sa matanda. Nakakatakot kasi ang lugar na ito. Isa pa, hindi namin kilala ang matanda na sinasamahan namin. "Huwag kayong matakot, hindi ako masamang tao. At matagal na ninyo akong kilala," bulong niya. Halos nagulat naman ako nang biglang nagsalita ang matanda.Ibig bang sabihin nito, nag-aral pa siya ng psychology kaya nakakabasa siya ng isip? Astig ha. "Kilos at pakiramdam lamang ang ginagamit ko, para mabasa ko ang nasa isip mo." Bigla naman akong kinilabutan sa inaasta nito ngayon,kaya pinipilit kong huwag masyadong mag-isip  ng kung ano ano tungkol dito. "Anong lugar po ba ito? Tsaka sino ba kayo? Anong ginagawa namin dito?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya at sa pangalawang pagkakataon, hindi naman niya ako sinagot. Bagkus dire-diretso lang ito sa paglalakad.  Ilang hakbang na lang ay malapit na kami sa pawid na bahay. "Mamaya ninyo malalaman kung anong misyon ang gagawin niyo." Tigil niya habang nakatalikod pa rin ito sa amin. "Misyon? Hello. Hindi po kami superhero, Lolo. At lalong wala kaming super powers para sa misyon na yan," sarkastiko kong tugon. Bigla namang tumigil ang matanda sa paglalakad at saka humarap ito samin. "Kung hindi ka pa titigil diyan, mapipilitan akong gawin kang puno, o kaya isa sa mga insektong nakikita mo sa paligid," pagbabanta nito. Bigla namang tumigil ang paghinga ko nang sabihin niya iyon. Bukod kasi sa nakakatakot ito, ang baho rin ng hininga niya.  Binigyan naman akk ng isang pang-asar na tingin ni Adam bago ito tumuloy sa kanyang paglalakad. "Humanda ka mamaya," bulong ko Nang makapasok na kami sa luma at magulong bahay, binuksan naman ng matanda ang  gasera na nakasabit sa bubong, tsaka hinarap kami. "Matagal na kayong hinihintay ng Avalon."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.0K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook