“WALA KA TALAGANG KWENTA! PATI MGA ANAK MO, WALANG KWENTA KATULAD MO!" sigaw ng stepfather naming demonyo.
E, pano kasi magpapahilot daw siya ng paa kay Mommy, ngayong wala naman siyang ginagawa sa bahay kung hindi manuod at humilata. Mukhang napalakas ata ang diin ni Mommy kaya nagalit ito, pero kung ako siguro ang inutusan, siguro martilyo ang ginamit kong pang hilot sa kanya.
"Sorry, Nathan. Nahihilo na kasi ako at pagod na."
Halatang wala ng lakas si Mommy. Simula kasi kaninang umaga ay nagtatrabaho na kami,at halos wala parin kaming kain, kahit ngayong magta-tanghalian na.
"Umaangal ka pa ha!" Hawak nito sa leeg ni Mommy, habang nanlilisik ang mata.
Sabay naman kaming tumayo ni Adam,kahit nanginginig na rin ang mga paa namin sa pagod. Hindi na rin namin maatim ang ginagawang kademonyohan ng stepfather namin sa sarili naming bahay.
"BITAWAN MO SI MOMMY! AT KUNG HINDI, PAPATAYIN KITA!" sigaw ko rito, habang hawak ang tinidor na napulot ko sa ilalim ng upuan. Kahit pa takot na takot ako ay hindi ko na hahayaang saktan nito ang aming ina sa amin mismong pamamahay.
"Tapang mo ah? Eh ano naman kung patayin ko 'tong mama nyo? Wala namang silbi to e," sabi niya, sabay bitaw kay mommy, at tinulak niya ito papunta sa amin.
Kitang-kita ko naman ang mga pasang dinulot sa kanya ng demonyo naming stepfather, pati narin ang mga sugat sa mukha nito.
"Isang beses mo pang saktan ang Mommy namin, ipapapulis kita!" Tingin naman ni Adam ng masama sakanya.
Naawa ako sa bunsong kapatid ko, dahil nakikita niya ang ganitong eksena. Halos wala pa siyang muwang para maranasan ang lahat ng ito.
"Mga wala kayong kwenta! Magsama-sama kayo!" sigaw nito.
Tinulungan naman naming tumayo si mommy kahit ramdam na namjn ang panghihina nito. "Bakit hindi mo pa kasi hiwalayan ang demonyong iyan, mommy?"inis na sabi ko rito habang nanginginig ang boses ko sa galit.
Dinala muna namin ito sa kwarto habang akay namin sa magkabilang kamay ni Adam."Hindi pwede, siya lang ang may alam kung nasaan ang daddy n-nyo," sabay upo nito sa kama.
Hindi ko maintindihan si Mommy, kung bakit pinipilit niyang alam ni Nathan kung nasan si Daddy. Siguro ay dahil dating mamatay tao ito at may hinala siya na kasama si daddy sa libo-libong tinarget nang demonyong iyo.
Iyon kasi ang kalat na kalat sa lugar namin, kaya halos lahat takot kay Nathan, at walang nagbabalak na kalabanin siya.
"MOMMY NAMAN! SINASABI LANG NIYA IYON, PARA HINDI SIYA UMALIS SA BAHAY NA ITO!"
Medyo napalakas ang boses ko rito. Mukha na kasing tanga si Mommy,gusto pa atang hintayin na patayin siya ng demonyo na iyon, bago makipag-hiwalay.
"Naniniwala ako, buhay ang daddy ninyo, Silva. At si Nathan lang ang may alam, kung nasaan siya."
Hindi ko alam kung saan humuhugot ng paninidigan si Mommy para paniwalaan ang mga bagay na sinabi ng demonyong Nathan na iyon sa kanya. Oo masakit sa amin ang mawala ang daddy, pero paano namin siya hahanapin? Kahit katiting na bakas ay wala itong iniwan.
Hinayaan ko nalang muna si Mommy na humiga, saka ako naghain ng makakain namin. Buti na lang at nagtira pa ng dalawang pirasong itlog si Nathan, kaya may mailuluto ako para sa kanila.
Sa sobrang pagod ni Mommy at Adam, napaiglip muna ang mga ito. Habang bitbit ang mga pagkain na ihinanda ko, napatingin naman ako sa ibabang bahagi na katawan ni mama. Napakalaki na ng pinagkaiba nito sa ganda ng ganda ng katawan niya noon. Ang binti niya na halos walang peklat, mahaba rin ang buhok, at hindi nanunuyot ang balat
Pero ngayon, lahat ng ito kabaliktaran. Sobrang payat na niya at lubog na ang mata.Kita na rin ang mga ugat sa kamay dahil sa pagkapasma nito. Ang dating maputi at makinis na balat na ngayon ay puno na ng sugat at pasa. At buhok nito na dati'y mahaba at makinang, ngayon hindi na pantay-pantay dahil pinag-tripan ito ni Nathan.
Halos manlumo ako habang tinitignan sila.
Si Adam, sa murang edad nito naranasan na ang bagay na hindi dapat maranasan ng isang bata. Pinag-lalaba na ito, pinang paplantsa, pinaghuhugas ng plato, at kapag may mali lang itong nagawa, tiyak suntok at tadyak ang aabutin niya.
"Ma, Adam, gising na. Kakain na kayo," Lapag ko ng tray na naglalaman ng pagkain sa harapan nila.
Mayroon kasi akong nakitang sangkap na pang sopas, kaya niluto ko ito para kahit papaano ay maitinitan ang tiyan nila. Iniluto ko na rin ang natitirang itlog, tsaka sinaing ang kakarampot na bigas.
"Ikaw Silva, kain na tayo," paanyaya sa'kin ni Mama, dahil nahiga lamang ako sa may sofa.
Tinapunan ko lamang sila ng tingin at pakunwaring tinititigan ang kisame."Kumain na ako Mommy habang tulog kayo. Kaya wag ka ng mag-alala," pagsisinungaling ko rito.
Sabay-sabay kaming nagtatrabaho nila Mommy at Adam simula umaga, kaya medyo kumalam na rin ang tiyan ko habang tinitignan silang kumain. Pero bigla rin itonb mawala nang maisip kong hindi ito sapat para sa aming tatlo.
Pero iba talaga kapag magulang ang nagtatanong sa'yo, tinignan lang ako nito saka inaya akong kumain.
"Silva, hindi ka marunong magsinungaling. Halika na pag kasyahin natin itong pagkain," mahinang sabi niya.
Habang kumakain kami, naalala ko naman si Daddy. Siguro kung nandito lang siya, hindi ganito ang buhay namin. Siguro hindi rin kami patagong kumakain, at siguro imbis na nagtatrabaho kami ay nasa paaralan kami ngayon at ginagawa ang mga gawaing pambata ngayon.
"Kumain ka nang marami Adam ha?" sabi ni Mommy dito, dahil kitang-kita namin kung paano niya higupin ng ilang segundo ang mainit na sabaw ng sopas. Halatang gutom na gutom ito, kaya bahagya kaming napatawa ni Mommy.
"Ate, ang sarap ng niluto mo, para sa mga gutom na tao," wika ni Adam habang sinisimot ang laman ng mangkok.
Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Sinasabi mo bang hindi masarap ang luto ko, sa mga busog na tao?"
"Okay na rin, medyo panget lang ang lasa," anas nito.
"Mama si Adam!" sumbong ko kay Mommy, habang si mommy naman ay tumatawa lang.
Ngayon ko na lang ulit nakitang ngumiti si Mommy ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam na kahit ganito lang ang pagkain sa aming hapag ay masaya pa rin kaming tatlo, at nagtatawanan.
Habang nililigpit ko ang mga pinag kainan, rinig ko naman ang sasakyan namin na ginamit nanaman ni Nathan, bumubusina ito sa labas kaya dali-dali naman akong tumakbo papunta rito.
"T@$@! SILVA! BAKIT ANG TAGAL MO?!" sigaw niya habang binubuksan ko ang gate.
Hindi na lang ako kumibo, dahil baka suntukin na naman nito ang tiyan ko. Pagkatapos nitong iparada ang sasakyan, bigla naman itong sumugod papunta sa pwesto ko habang nakaamba na ang kanyang kamao.
Tinignan ko lang ito ng walang emosyon, habang hinintay itong ambangan ako ng suntok.
"Wala ka talagang kwenta e no?" Hawak nito sa kwelyo ng damit ko at kinaldlad ako papasok ng bahay.
Umiiyak namang sumalubong sa amin sina Mommy at Adam habang hawak-hawak pa rin nito ang damit ko. Nang mapunta kami sa kusina ay kumuha ito ng tinidor, at akmang sasaksakin ako sa leeg nang bigla ko itong tinulak.
"Yan lang ba ang kaya mo ha? Ang manakit ng mga bata o di kaya babae?" sarkastiko kong sabi saka dinampot ang kutsilyong nakapatong sa lamesa."Oh eto! Isaksak mo na sa akin.Siguro hiyang-hiya na si Satanas sa kademonyohan mo!"
Bigla naman itong tumawa ng napakalakas, habang tinutusok ang hawak nitong tinidor sa lamesa."Yan ang gusto ko. Manang-mana talaga kayo sa tatay ninyong baliw."
Bigla naman nagpintig ang tenga ko sa sinabi nito. "Anong sinabi mo? Pati ang daddy naming nanahimik na, dinamay mo pa!"
"Anong nananahimik? Dinala ko ang tatay ninyo sa lugar kung saan siya nababagay. Ang mga basurang kagaya ninyo ay dapat tinatapon din sa basurang lugar."
Bigla naman itong umalis sa harapan namin dala-dala ang nakakatakot na ngiti, tsaka sabay-sabay kaming nagtinginan ni Mommy dahil totoo nga ang sinasabi nito.
Tinatago niya ang daddy namin.