KABANATA 2

1417 Words
"Mga anak, si Nathan nga pala bagong daddy ninyo," pagpapakilala ni Mommy sa estrangerong lalaki na kakaiba ang awra na dala.  Nakatayo ito sa aming likuran, habang kasalukuyan naman kaming naglalaro ni Adam, kaya hindi namin ito maharapan. "Adam, Silva, si Na-"pagputol ng sasabihin ni mommy ng bigla itong sumabat. "Ako nga pala si Nathan." Paglalahad nito ng kanyang kamay. Napatigil naman kaming dalawa ni Adam sa paglalaro at hinarap namin ito. Ang mga mata niya na hindi ordinaryo. Parang nakakaramdam ako ng init sa katawan na hindi ko masabi kung ano habang hinahawakan ko ang kamay niya. Nang hindi ko na ito mapigilan sa sobrang init ay binitawan ko na.Tinignan lang ako ni Mommy tsaka humingi ng sorry sa lalaki, si Adam naman ay tulala lamang. "Huy Adam!" Tapik ko sa kanya. Mukhang nasobrahan ito nang pagtitig sa mukha ng lalaki, at tulad ko, naramdaman din si Adam ang init sa katawan dahil napangiwi ito habang hinawakan ang kamay ng lalaki. Unang punta pa lang dito ni Nathan ay hindi na komportable ang pakiramdam namin, kaya sinabi na agad namin ito kay Mommy na hindi namin guto ang lalaking iyon para sa kanya. "Anak, maiintindihan mo rin ang lahat pag dating ng araw,." sagot niya palagi sa tuwing sinasabi namin iyon. Pansin kasi namin, simula nang lumipat na sa bahay si Nathan, palagi na lang itong may pasa, at walang ganang kumain. Palagi rin siyang nagkukulong sa kwarto. Siguro dahil ayaw niyang nakikita namin ang mga sugat niya sa mukha, pero dahil nasa tamang edad na kami, kahit anong tago nito sa kanyang mga sugat at pasa ay kitang-kita pa rin namin sa pamamagitan pa lang ng mukha. --- Bumalik naman ako sa ulirat nang biglang pumasok nang kwarto si Adam. "Ate, miss ko na si Daddy," malungkot niyang sabi."Totoo kaya iyong sinabi ni Nathan na buhay pa siya?"  Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Halos hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Basta ang naiisip ko lang sa ngayon ay mapaalis ang demonyong iyon sa bahay namin. "Sana nga Adam, para maging normal na ang lahat." Humiga naman si Adam sa tabi ko, at naaalala ang  masasaya naming araw kasama si Daddy. "Alam mo Adam, naiinggit ako sayo dati.Kasi simula nang pinanganak ka, ikaw na ang binibitbit ni daddy kapag pupunta ng grocery, tapos ikaw palaging katabi niya sa higaan," usad ko rito. "Gusto kitang ibalik noon sa tiyan ni mommy. Kaya tuwang-tuwa si daddy noong kinuha kita tapos binabalik sa tiyan ni Mommy." "Alam mo kung bakit ayaw ka na niyang katabi ate?" seryoso niyong sabi.  Napakunoy naman ang noo ko at tinignan siya ng direkta. "Bakit naman?" Lumapit naman ito sa tenga ko kaya hindi ko mapigilan makiliti. "Mabaho ka raw kasi," saad nito tsaka tumawa nang malaks.  Simaan ko naman ito ng tingin habang kinikiliti ang tagiliran niya. Habang nagtatawanan kami ni Adam, bigla ko rin naman naalala ang gabi na nawala si Daddy. Iyon din kasi ang pinaka-masayang araw sa buhay ko. --- "Happy 8th birthday, Silva anak!" bati sa'kin ni daddy sabay abot ng malaking regalo. Binuksan ko naman ito at tuwang-tuwa ako sa naging laman, dahil tinupad niya ang wish ko na doll house. "Thank you, daddy!"  Yakap ko sa kanya nang mahigpit Nang gabi rin na iyon, hindi ko alam na iyon na rin pala ang huling araw na makakasama ko siya. Pagkatapos kumain ay nagpaalam lang ito kay Mommy na maninigarilyo lang sa labas kaya pinagbigyan niya ito. Pero dahil bata pa ako at mahilig makipag usyosom sinilip ko naman sa labas si dati.Nakita ko naman ito na may kinakausap itong apat na lalaki sa labas. Ilang segundo lang ang lumipas ay bigla na lang siyang sumunod sa apat na lalaking nakasuot ng itim na bonet at sumakay sa itim na van. Sinabi ko ito kay mommy at mabilis itong bumaba at pinaandar ang kotse. Tinignan niya ang lahat ng CCTV sa village namin pero walang nakitang van na dumaan. Nireport na rin ni Mommy sa pulis, at kinukuha ang plate number ng sasakyan pero wala itong maibigay. Halos manlumo si Mommy kung saan nito hahanapin si Daddy, hindi na rin ito kumakain o sumasabay man lang sa'min. Nagkukulong na rin siya sa kwarto, at pagkatapos ilang buwan lang ay dinala na niya rito iyong demonyong Nathan na 'yun. "Ate,narinig mo ba sinabi ko?" pag-uulit ni Adam "Ha? Ano 'yun, Adam?" "Paano kung buhay si Daddy, tapos nakita na natin siya. Anong una mong sasabihin?" Nag-isip muna ako ng isasagot ko kay Adam.Dahil unang-una nawala ito ng ilang taon, tapos ngayong malalaki na kami ay tsaka namin ito makikita.  "Kung anong rason niya bakit niya tayo iniwan." sagot ko. Habang hinihintay ko namang magtanong ulit si Adam ay napansin kong humihilik na ito. Halatang pagod na rin siya lahat ng nangyayari. Hanggang ngyon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa maamong mukha ni Adam ay naranasan niya lahat ng paghihirap sa kamay ni Nathan. Kaya pinangako ko sa sarili ko na balang-araw, makukuha rin namin ang hustisya. Kumusta na kaya si Daddy? Madalas nahihiwagaan ako sa buhay. Lalo na kay mommy, kasi noong dinala niya dito si Nathan parang may mali. Salungat sa mga napapanood ko sa TV na masayang pinapakilala ng nanay sa kaniyang mga anak ang bago niyang asawa. Pero siya, hindi. May halong takot at pangamba ang bumabalot sa kaniya sa mga oras na iyon. Hindi ko nga rin alam kung bakit nakaya namin nang apat na taon ang pagmamaltrato sa amin ni Nathan, gayong pwede naman paalisin ito ni Mommy kahit kaian niya gusto. Pero hindi niya magawa. "YANG ANAK MO, ANTHIA PAGSABIHAN MO HA! NAGIGING BASTOS!" sigaw ni Nathan sa kabilang kwarto. Bigla naman akong napaupo nang marinig ang malakas na sampal na binigay nito sa nanay namin. "Pagpasensyahan mo na siya," wika ni mommy na mukhang hirap na hirap na. Tumakbo naman ako papunta sa tapat ng kwarto nila, dala ang kutsilyo na palagi kong nilalagay sa ilalim ng higaan namin. Maliit lamang ito at pang emergency kung sakaling pasukin kami ni Nathan sa kwarto.  Rinig na rinig ko pa rin ang sunod-sunod na sampal nito kay mommy kaya hindi na rin mapigilan ng paa ko na tadyakan ang pintuan ng kanilang kwarto. "HOY! DEMONYO KA HARAPIN MO AKO! WALANG HIYA KA,WAG MONG SASAKTAN ANG MOMMY KO!” sigaw ko sa kanya, habang sinusubukang buksan ang kwarto. "ALAM MO SILVA, PAREHO LANG KAYONG WALANG KWENTA NG TATAY MO. PINAGLALABAN NINYO ANG MGA BAGAY NA WALA NAMANG SILBI," sigaw niya. Bigla naman nagpintig ang tenga ko, dahilan para gumawa na ako ng paraang mabuksan ang kwarto. Naalala ko naman na tinuro sa'kin ni Mommy kung nasaan ang mga duplicate keys ng bahay kaya dali-dali akong bumaba at bumalik sa kwarto nila. Habang binubuksan ko ang kwarto, bigla naman itong tumihimik. Kahit hikbi ni Mommy ay wala na akong marinig, hindi na mapigilan ng sarili ko na mag-isip ng masama. Kinakabahan na rin ako sa nangyayari pero sinusubukan ko pa rin hanapin ang  tamang susi ng kwarto nila. Nang mabuksan ko na ito, una kong nakita si Nathan na prenteng nakatayo hawak ang kutsilyo na kaninang pinang-amba ko sakanya. Balot na balot ito ng dugo dahilan para magkalat ito sa kanang  kamay niya. Za kabilang banda naman, nakahandusay ang duguang katawan ni mommy  habang hinahabol ang kaniyang hininga.  "Anak." Lunok nito ng sariling dugo. "Ingatan mo si A-adam. Mahal na mahal kayo ni M-mommy."  Dali-dali naman akong lumapit dito habang sapo-sapo ang kanyang ulo. "Mommy, dadalhin kita sa hospital. Wag ka muna bibitaw ha?" wika ko aa kanya habang nanginginig na ang katawan ko, kasabay ng pagtangis ng luha ko.  Marami na rin ang dugo na tumatagas, kaya hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Napapikit na lang ako nang maramdaman kong hindi na tumitibok ang puso ni Mommy, habang ang mga mata nito ay nakamulat at lumuluha pa rin. "WALANG HIYA KA! PAPATAYIN KITA!"Sugod ko sa kanya, habang nakatutok sa kanya ang kutsilyo na hawak ko. Tumatawa lang ito ng malakas, habang ako naman ay nanginginig sa galit. "Kahit patayin mo ako, patay na ang mommy ninyo, Silva." "WALA KANG PUSO! DEMONYO KA! DEMONYO!" Suntok ko sa dibdjb niya, ngunit para lamang itong estatwa sa harapan ko habang tknitignan ako ng nakakaloko.   Ilang minuto rin ang ginugulo ko para makapag higanti nang maramdaman kong jnti-unti nang nanglalambot ang tuhod ko, kasabay ng pagtulak niya sa akin. "Kabayaran lang iyan sa ginawa ng papa mo sa asawa ko, Silva."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD