KABANATA 3

1519 Words
NAGISING na lamang ako ng nasa isang sulok ng maruming kwarto. Kaagad namang hinanap ng mata ko si Adam, at hindi nga ako nagkakamali. Isang dangkal mula sa akin kung nasaan siya, nakalukot at animo'y lamig na lamig sa kanyang kinalalagyan. Nang lalapitan ko na ito, bigla naman sumakit ang ulo ko. Naalala ko ang pag hampas bigla sa ulo ko kanina ni Nathan. "Adam, gising!"Pagyugyog ko sa balikat niya. Nang unti-unting minulat nito ang kanyang mata, katulad ko ay nagulat rin ito at nagpapalinga-linga na tila may hinahanap. "Silva, si mommy?"tanong agad nito, habang pumupungay-pungay pa ang kanyang mata. --- "Ate, anong nangyari?" bungad sa amin ni Adam. Tila nawalan ng lakas ang buong katawan nito sa nakita. Nasa harapan kasi namin ngayon ang duguan at wala ng buhay na katawan ni mommy. Halos manlumo si Adam sa kanyang nakita, at si Nathan ay patuloy lang sa pag-tawa,habang hawak-hawak ang kutsilyo na pinansaksak niya rito. "Bagay lang 'yan sa mga katulad ninyong mahihina,"wika pa niya. Tiim bagang na tinignan ito ni Adam at nagbabalak na ambaan ito ng suntok. Lakas-loob naman itong tumayo para suntukin si Nathan, ngunit pinigilan ko na ito. "Kahit anong gawin ninyo, hinding-hindi na maibabalik ang buhay ng nanay ninyong walang kwenta," saad nito, tsaka ito tumawa na mala demonyo. "Katulad lang 'yan ng buhay na kinuha ng tatay ninyo,"dugtong pa niya. Nag iba naman ang awra nito. Ang kaninang mala demonyong ngiti na sumisilay sa mukha niya ay nabahiran ng pagkamuhi at puot. "Anong pinag-sasabi mo? Bakit nadamay dito ang daddy nami-" Hindi ko na magawang tapusin ang sinasabi ko ng biglang bumulaga sa likuran si Adam, dala ang mamahaling vase na kinuha nito sa side table ng kwarto. "Adam!"sigaw ko sa likuran nang akmang babatuhin nito sa ulo si Nathan,ngunit dahil sa liit ni Adam ay umabot lang ito sa likuran niya. Humanarap naman sa kanya si Nathan, dala ang nanggagalaiting mukha. Hinawakan nito ang kwelyo ng damit ni Adam tsaka binuhat gamit ang isa niyang kamay. Kitang-kita ang takot sa mukha ng kapatid ko nang aambahan na nito ng hawak niyang kutsilyo na siyang pinansaksak niya mommy namin. Nagpalinga-linga naman ako ng tingin ng may makita akong baseball bat na nakapasok sa malaking frame. Kaagad ko namang kinuha ito, at buong tapang na hinampas sa binti niya. Paulit-ulit ko itong ginawa hanggang sa mapaupo na lang ito sa sahig hawak-hawak ang kanyang namimilipit na paa. "Ayan lang ba ang kaya mo, Silva?"patawa-tawa nitong sabi. Kaagad namang pinulot ni Adam ang vase na kaninang pinambato rito, at bumwelo na ihahampas na sa ulo ni Nathan. "Demonyo ka!" sigaw niya, kasabay ng pagkawalan ng malay ni Nathan. Eto na siguro ang panahon para tuluyan kaming makatakas sa kamay ng mapang-abuso at mamamatay tao na si Nathan. Hindi ko na ininda ang sakit ng katawan, at patuloy lang ako sa pag-iyak, habang tinitignan ang walang buhay na katawan ni mommy. "Adam, hihilahin ko si mommy pababa.Ikaw naman, pumunta ka sa kusina naroon ang telepono sa tabi ng lampshade, tawagan mo na agad ang pulis," wika ko habang si Adam ay tulala pa rin sa nangyayari. "Bilisan mo!"patigil- tigil kong sabi, habang pinupunasan ang luha na kanina pa kumakawala. Tumango lamang ito saka nagsimula na kami sa aming binabalak habang wala pang malay si Nathan. Nang hahawakan ko na ang kanang kamay ni Mommy, para buhatin ito pababa. Nakapa ko naman ang isang maliit at itim na bilog mula sa braso niya. Akmang tatanggalin ko na ito, ngunit parang nunal ito na matagal nang nakadikit sa katawan niya. Hindi na ako nag-aksayang tanggalin ito at dumiretso na pababa ng kwarto. Habang si Adam ay dumiretso sa kusina kung nasaan ang telepono. "Adam, bilisan mo. Hihintayin ka namin sa labas,"sigaw ko sa kanya. Aligaga naman niyang hawakan ang telepono at mabilis na pinindot ang numero para tumawag na sa mga pulis. llang minuto na ang nakalipas ngunit narito pa rin kami sa labas ng bahay upang hintayin si Adam. Nakapagtataka lamang at sobrang tagal nito sa loob, kaya napagdesisyon kong isandal muna si Mommy sa bench para mapaupo ito, habang ako naman ay sinundan si Adam sa loob. "Adam, bakit ang tagal m-" Hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari dahil sinalubong ako ni Nathan sa pintuan,dala ang baseball bat na pinang hampas ko kanina sa kanya. --- "Hindi ko alam Adam...hindi ko alam kung saan niya dinala si mommy." Bigla namang tumayo si Adam. Habang pinagmamasdan ko itong maglakad papunta sa pintuan,nagulat na lamang ako sa naging tugon nito. "Palabasin mo kami rito! Ano ba ang ginawa namin sa'yo.Bakit...bakit mo kami pinaparusahan ng ganito," sigaw niya, habang hinahampas nang malakas ang pintuan. Humanarap naman ito sa'kin, dala ang luha na matagal na nitong gustong ilabas,kaya sumignal ako ng yakap sakanya. Tumakbo naman ito papunta sa akin na animo'y batang gusto ng lollipop habang ginugusot ang mata. "Sorry ate, hindi ko natawag ang pulis." Yakap nito sakin ng mahigpit. Siguro ito na rin ang tamang panahon para ilabas ko na rin ang luha na matagal ko nang kinimkim. Halos ilang minuto rin kaming nag iiyakan ni Adam, ng bigla itong magsalita. "Ate, gutom na ako."Hawak niya sa knyang tiyan. Sabay naman kumalam ang tiyan namin at napalingon ako sa labas ng mapansin kong malalim na rin ang gabi. Kinapa ko naman ang magkabilang bulsa ko ng may maalala akong sinuksok dito. "Eto o, sa iyo nalang." Abot ko sa kanya ng maliit na balot nanaglalaman ng biscuit. Napulot ko kasi ito kanina sa daan, habang kami ay nag-iigib. "Ikaw?" tanong niya. Ngumiti naman ako ng bahagya. "Busog pa ako, Adam. Wag mo akong alalahanin." Binuksan naman niya ito at sinilip kung ilan ang laman. "Ate oh, hati tayo,apat naman ito e." Abot niya sa akin ng dalawang piraso. "Ate, kahit wala tayong pagkain,basta magkasama lang tayo at wala na si Nathan, masaya na ako," sabi pa niya, habang unti-jnting nilalantakan ang buscuit. Na-touch naman ako sa kanya, pero hindi ko alam kung nasa mood lang ang pagtawag niya sa akin ng ate e. "Dapat pala hindi na kita hinatian, okay lang pala kahit wala kang pagkain e,"sagot ko. Sinamaan naman ako nito ng tingin kaya kiniliti ko naman siya sa tagiliran, kaya gumanti ito sa'kin. Ngayon nalang ulit tumawa ng ganito si Adam, simula nang dumating si Nathan sa buhay namin. Halos puro lungkot at iyak ang inabot namin dito.Maswerte na lang kami kung hindi ito umuwi ng ilang araw.Sa tuwing kaming tatlo lang ang magkakasama ay sinusulit na namin ang bawat oras at panahon, kaya binubusog na namin ang sarili namin bago pa ito dumating. Nang matapos na kaming kumain, humanap naman ako ng karton sa paligid para paghigaan naming dalawa ni Adam.Kahit madilim dito ay sapat na ang sinag ng poste sa labas para makapa ko ang hinahanap ko. Sakto naman at may nakita akong dalawang lumang karton na nakapatong sa mga kahoy.Maswerte pa rin kami kahit papano. "Adam, magpahinga muna tayo ha? Bukas na bukas, gagawa tayo ng paraan para makaalis dito,"sabi ko sakanya habang nilalatag ang karton. Sinabayan ko naman ito sa pag higa at nilahad ang braso ko para gawing unan ni Adam. Habang nag-iisip-isip, nilibot naman ng mata ko ang buong paligid ng bahay. Siguro kaya wala ng umaangkin sa bahay na ito dahil sa sobrang kalumaan. Halata naman ito sa mga kupas na pintura sa dingding ng bahay, ang sira-sirang kisame na tingin ko ay kaunting ulan na lamang ang darating at mahuhulog na ito. Ang basag-basag na salamim ng bintana at butas-butas na pinto. Pansin ko rin na wala ito kahit na cr man lang o kaya ay lababo. Napaka simple ng bahay. Nakaramdam naman ako ng sakit ng braso sa pagkakahiga ni Adam. Tinignan ko ito at mukhang malalim na rin ang tulog, dahil tumutulo na ang laway nito sa braso ko. Hinanap ko naman ang sweater na suot ko kanina at pinalit dito para gawing unan. Tumayo naman ako at sumilip sa labas. Ramdam ko pa rin ang gutom at uhaw,kaya minabuti ko na lamang na lunukin ang sarili kong laway, baka sakaling mabawasan nito ang pagkagutom ko. Habang sumisilip ako sa bintana, napansin ko naman na wala kahit isang bahay na nakatayo maliban dito. Halos poste lang ang nagsisilbing ilaw sa amin, at kung kami man ay sisigaw ay tiyak na wala rin ang makakarinig sa amin, dahil napapalibutan ang buong bahay ng napaka rami at matataas na d**o. Nang ineeksamin ko ang lugar, halos wala rin akong makitang sasakyan na dumaraan, kaya nawalan na ako ng pag-asang humingi pa ng tulong. Bumalik naman ako mula sa pagkakahiga habang malungkot kong iniisip kung ano ang mangyayari sa amin dito. "Siguro mas mabuti na munang magpahinga na rin ako," bulong ko sa sarili at niyakap si Adam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD