Kinabukasan
NAGISING na lamang ako sa sinag ng haring araw na dumadaplis sa mukha ko. Habang pinipilit kong imulat ang mata ko, napansin ko naman si Adam na may pinag-kakaabalahan.
"Adam, ano 'yan?"tanong ko sa kanya, habang ginugusot ang mata.
"May nakita na kasi akong daanan palabas ate,"masayang sagot nito, habang patuloy pa rin siya sa pagdugtong-dugtong ng mga tali na napulot niya rito.
Humihikab naman akong papalapit sa kanya. "Anong gagawin mo sa mga 'yan?"tanong ko.
"Nakikita mo ba 'yan ate?"Turo nito sa taas ng kisame. Napansin ko naman ang maliit na butas dito na may harang pa na bakal. Parang ito ata 'yong mga pinapasok ng mga electrician kapag may nasiraan na mwebles.
"Oh?"
"Hindi yan ang lalabasan nat-Aray!" pag-angal nito dahil sa pagbatok ko sa kanya. Akala ko kasi ay 'yon ang dadaanan namin, e halos magiba na nga ang kisame nito.
"Joke lang naman ate, e. Ayun o, may daan." Pagsimangot nito, sabay turo sa pader ng bahay. Mayroon ditong butas katulad ng butas sa may kisame. Mayroon din itong harang na mukhang pasukan ng daga.
Kung titignan ay mga bata lang katulad ni Adam ang pwedeng pumasok dito, ngunit kahit anong anggulo ang gawi ko ay madilim pa rin sa loob at hindi mo kita kung anong meron dito. Sinubukan ko namang tanggalin ang bakal na harang,ngunit dahil siguro sa tagal at kalawang nito ay hirap na ako kahit maiangat man lang.
"Adam, halika pagtulungan natin,"saad ko sa kanya habang pilit pa rin hinihila ang harang.
Nang sinubukan namin itong buksan, hindi pa rin sumapat ang lakas namin, kahit man lang iangat namin ng kaunti ang bakal ay hindi namin magawa.
"Isa pa ate, doon ka. Bubwelo ako,"pagyayabang ni Adam, gayong ang katawan nito ay para namang tingting sa sobrang payat.
Ilang minuto ang lumipas, hindi parin namin ito mabuksan. Kaya nag desisyon na kaming magpahinga muna.
"Psttt" bulong ni Adam, habang busy ako sa pag-iisip kung paano namin 'yon mabubuksan.
"Sst!" pag uulit nito.
"Ano ba!"sigaw ko, sabay lingon kay Adam, na nakaupo sa sahig.
"Hindi ako 'yon ate. Ayan o."Turo niya sa daga na isang dangkal ang laki at kulay puraw.
Napatalon naman ako sa gulat nang makita kong nasa tabi ko na ito. Kaagad ko namang kinuha ang kahoy na nasa gilid tsaka pinag-hahampas ang malaking daga. Natawa naman ng malakas si Adam, dahil kahit isang beses ay hindi ko ito natamaan.Nang hahampasin ko na ang ulo nito, bigla naman siyang pumasok sa butas.Tinignan lamang ako nito, bago umalis ng tuluyan.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng kilabot sa katawan, pagkatapos ako nitong titigan.
"Adam, subukan mo ulit buksan. Hahanap lang ako ng malaki-laking kahoy para magamit natin," utos ko sa kanya na mukhang nanghihina na.
Pumayag naman ito, saka dumiretso na sa harapan ng butas. Habang ako naman ay nagpupulot ng matibay tibay na kahoy.
"Meron n-"
"Silva nabuksan ko na," sabay naming bigkas ni Adam. Kaagad naman akong lumapit sa kanya at totoo nga. Nabuksan ito ni Adam ng walang kahirap-hirap.
Pumasok naman si Adam dito, para subukan kung kasya ba siya
"Ate, ikaw naman,"saad nito pagkalabas. Hindi ko naman mapigilan ang pag-ngiti,tsaka sinubukan nang pumasok sa butas.
"Ate, magic no? sa taba mo nayan, Kasya ka?"pang-aasar pa niya.
Inabot ko naman ang noo niya, tsaka ito pinitik. "Alam mo Adam, medyo bastos ka talaga no?" inis na sabi ko.
Sa totoo lang parang magic nga itong butas na ito. Hindi dahil sa mataba ako, kung tutuusin nga ay sakto lang ang katawan ko para sa 16 years old. Kung titignan mo sa labas parang tatlong taon lang ang pwedeng pumasok dito, pero nang sinubukan ko ay pwede pa pala akong umupo rito ng kumportable. Sinulyapan ko naman ang di kalayuan ng butas.Hindi ko mawari kung saan ito papunta dahil wala akong maaninag na liwanag mula sa labas. Umusog pa ako ng kaunti nang mayroon akong nakapa.
Kinapa ko ito ulit dahil baka nagkakamali lamang ako.
Dalawang hagdan na ang nakakapa ko.
"Adam, tignan mo ito!" mabilis kong sabi at saka pumasok na rin sa butas si Adam.
Nauna akong gumapang kay Adam, ng may makapa ako na hagdan pababa. Nang nasa ika-limang baitang na kami ng hagdan nang mapagtanto ko na pwede na kaming tumayo. Halos lumundag ang puso namin sa tuwa sa bawat pagtapak namin pababa ng hagdan. Para itong basement ng bahay sa sobrang dilim, ngunit nang maaninag namin ang liwanag na nagmumula sa pinto ay nabigyan kami ng panibagong kumpiyansa.
Hinawakan ko naman ang kamay ni Adam, at sabay kaming humakbang papunta sa harapan ng pinto. Ngunit sa sobrang kagalakan nito ay tumakbo siya saka mabilis na binuksan ang pinto.
"A-AHHHHHHHHHHHHHHH!"
Halo-halong kaba at takot ang nararamdaman namin ngayon ni Adam, dahil imbis na bumukas ang pinto palabas, ay ipinasok kami nito pababa kung saan. Halos natawag ko na rin ang lahat ng santo at pati ata kahuli-hulihang btil ng pawis ko ay tumulo na rin ngunit hindi pa kami bumabagsak.
Nang makita ko na paunti-unti ang liwanag, tinanggal ko naman ang pagkakahawak kay Adam at binalot ang sarili gamit ang kamay.
Handa na akong mamatay.
Ilang minuto lamang nang maramdaman ko ng bumagsak na ang likuran ko sa lupa. Hindi ko maigalaw ang katawan ko kaya ang mata ko na lamang ang ginawa kong instrumento para tignan ang paligid.
Isang nakakatakot at napaka dilim na kagubatan. Ano 'to, haunted forest?
Para kaming nasa wonderland, pero bakit gano'n? Ang dilim ng kalangitan. Nilibot naman ng mata ko ang paligid ng gubat at nakita si Adam na nasa di kalayuan bumagsak. Hawak-hawak nito ang kanyang puwetan at tulad ko ay nagulat din ito sa kanyang nakita.
"Nasaan tayo?" sabay naming bigkas.
Napaupo naman ako habang salo-salo ang ulo ko. "Adam, anong ginawa mo?"
"Hindi ko alam Silva, wala akong ginawa," tulalang sabi nito.
Habang takang-taka naming tinignan ang buong paligid, napukaw naman ng atensyon ko ang isang matanda na sumuway sa makulit na reyna ng paru-paro. Hindi ko masyadong maaninang ang mukha nito dahil napakadilim ng paligid at tanging lumang sumbrero at tungkod lamang nito ang nakikita ko.
Habang papalapit kami ay paunti-unti ko ng naaninag ang mukha ng matanda. Mayroon itong mahaba at itim na balbas, lumang damit na animo'y mga 80's pa ang dating. Ngumingiti lang ito sa 'min kaya binilisan ko na ang lakad habang hila-hila si Adam. Ngunit habang lumalapit kami rito ay kapansin-pansin ang mga insekto na kanina'y pakalat-kalat, ngayon ay tila lumilikha ng daan para sa amin, habang ang mga halaman naman ay biglang nagsigalaw na parang may musika silang naririnig.
Manghang-mangha naman si Adam sa kanyang nakikita, tsaka hinuli ang gagamba na kanina pa nito hinahabol. Mabilis lamang niya itong kinuha dahil kasama na ang gagamba sa nakapila ngayon sa aming dinadaanan.
Nang makarating na kami sa kinaroroonan ng matanda, ang tungkod na kaninang hawak niya ay bigla na lang naging ibon.Manghang-mangha kaming nakatingin ni Adam, ng bigla ko naman naisip ang talagang pakay namin sa matanda.
"Lo, excuse ho. Alam niyo po ba kung nasaan tayo?"tanong ko rito.
Ngumiti lamang ang matanda, saka dumapo ang ibon sa kanyang balikat."Sawakas, nandito na rin kayo. Adam, Silva."
Nagtinginan lamang kaming dalawa ni Adam, habang ngumingiti ang matanda na kala mo'y nanalo sa lotto. "Nandito? E, lo anong lugar po ba 'to? Tsaka bakit ninyo kami kilala?Tayo lang ba ang tao rito?"sunod-sunod kong tanong.
Tumawa naman ito ng napakalakas, dahilan para mapaatras kami ni Adam. Pansin ko naman ang mga insekto at halaman sa likuran ko na tila sumasaludo pa rin at walang tinag sa inasal ng matanda.
"Matagal ko na kayong kilala, simula pagkapanganak pa lamang ninyo ay binabantayan ko na kayo,"aniya." Tsaka ang mga 'yan, tao rin sila, kagaya ninyo." Turo nito sa mga insekto.
Habang tinitignan namin ang mga ito, sabay naman kaming nagtawanan ng malakas ni Adam."Iyang mga insekto ba kamo, lolo?"Turo ni Adam sa mga ito.
Kinuha naman niya ang isang batang paruparo na nakadapo sa dahon, tsaka pinutol ang pakpak. Ilang minuto lang at bigla namang nag-iba ang awra ng matanda, at saka umihip ng malakas ang hangin.
"Huwag na huwag ninyong gagalawin ang kahit anong insekto rito, dahil sila ang makakasama ninyo sa misyon,"sabi nito, habang sinamaan kami ng tingin."Tara, at sumama kayo sa akin."
Napataas naman ang kilay ko sa pagbabago ng mood nito. "Teka, hindi nga namin kayo kilala e. Tapos sasama pa kami?"pag-angal ko sa kanya.
Nagsimula namang maglakad ang matanda, at sumunod na rin si Adam sa kanya. Ano panga ba ang choice ko kung hindi sundan din sila.
Habang naglalakbay, napansin naman naming may ilang mga insekto pa rin ang sumusunod sa amin. Mukhang nakaramdamna rin ang matanda na may gusto akong itanong sa kanya kaya ito muling nagsalita.
"Malalaman niyo rin sa pupuntahan natin, kung bakit kayo dinala rito," aniya.
Sa ilang minuto naming paglalakad, may nadaanan naman kaming isang ilog, na bukod sa napakaganda nito, mayroon pa itong napakalinis na tubig. Bigla tuloy kaming nakaramdam ng uhaw ni Adam, kaya minabuti namin na magpaalam muna sa matanda at kami ay iinom muna.
"Mag-ingat kayo diyan, at huwag kayong masyadong lumayo,"paalala pa niya bago tumuloy sa paglalakad.
Sa sobrang kauhawan, at sa tagal naming di naligo, sabay kaming nagtampisaw ni Adam sa malamig at malinis na tubig ng ilog. Ilang minuto rin kaming naliligo rito ng may mapansin kaming puno na hitik sa bunga. Mukha itong mansanas sa hugis, at mangga naman sa kulay. Sabay tuloy kumalam ang tiyan namin ni Adam at napag desisyonang umahon na at kumuha nito. Sa aking pa obserba sa puno, nasa daan taon nang nakatubo ang puno na ito rito.Nakakamangha dahil napaka tayog pa niya, at isa pa hitik ito sa bunga.Hindi gaya ng mga ordinaryong mga puno ay pag matanda na unti-unti itong nalalanta at nawawalan ng buhay.
"Adam, akyat ka. Ako ang sasalo," sabi ko rito,habang takam na takam tinitignan ang mga hinog na bunga.
Pumayag naman ito, at inumpisahan ng umakyat.
Nang nasa kalagitnaan pa lamang siya ng puno ay bigla na lamang lumakas ang hangin, at tila nagkagulo ang lahat ng insekto.Pati na rin ang mga ibon na kaninang masaya sa paglipad, ay biglang lumikha ng ingay na napakasakit sa tenga.
Pansin ko namang may inaabot ng bunga si Adam, nang biglang yumanig ng malakas ang puno, kasabay ng pagkahulog nito.
"ADAM!"sigaw ko.
Nilapitan ko naman ito, habang sapu-sapo ang puwetan niya. "Okay ka lang?" tanong ko sa kanya, ngunit para itong estatwa na nakaharap lamang sa puno.
"Huy, Adam! Ano ba kinakausap kita!"sigaw ko sa kanya, saka naman niya ko kinalabit.
"A-ate, ang cute 'nya no?" Lunok niya ng laway, sabay turo sa niya sa puno na nanggagalaiti.
Gamit ang mahahabang ugat nito.Akmang dadamputin na nito si Adam, nang biglang may pumigil dito.
Ang matanda.
Tinignan lamang nito ng matalim ang puno, tsaka ito biglang kumalma. Ang mga ugat nito ay bumalik sa dati, at ang kaninang nakakatakot na itsura ng puno ay bumalik na rin sa normal. Ang mga insekto ay tumigil na rin sa paglikha ng ingay, ganun din ang mga ibon.
Habang manghang-mangha kami sa ginawa ng matanda, bigla naman itong tumingin sa amin dala ang nanlilisik na mata.
"Sinong may sabi sa inyong kumuha kayo ng prutas?!" sigaw nito.
Sa sobrang galit ng matanda, halos dumilat ang mata namin dito sa takot.
Naglakas loob naman akong tumayo at hinarap siya. "Pasensya na...pasensya na po." Nakayuko kong sambit.
"Wala kayong pwedeng galawin dito. Kahit pa ang punong yan!" Turo niya sa puno.
Nawindang ang buong kagubatan sa inasta ng matanda.Nakakatakot din ang mukha nito na akala mo'y isang salita pa na lalabas sa bibig mo ay kakainin kana nito ng buhay.
Habang tinutulungan kong makatayo si Adam ay nagpatuloy naman sa paglalakad ang matanda na parang walang nangyari.Nang masilayan na namin ang isang malaking bahay na gawa sa kawayan at pawid, na napapalibutan ng malalaking puno, hindi ko naman mapigilan na mag-isip ng masama tungo sa matanda. Nakakatakot kasi sa lugar na ito, isa pa hindi namin kilala ang matanda na sinasamahan namin ngayon.
Tumigil naman ang matanda sa kanyang paglalakad at hinarap kami. "Huwag kayong matakot, hindi ako masamang tao. At matagal niyo na akong kilala," wika niya.
Halos nabigla naman ako ng biglang magsalita ang matanda. Ibig bang sabihin, nag-aral pa siya ng psychology kaya nakakabasa siya ng isip? Astig ha.
"Kilos at pakiramdam lamang ang ginagamit ko, para mabasa ko ang nasa isip mo," wika pa niya kaya napahawak ako sa bibig ko.Bigla na lamang akong kinilabutan, kaya pinipilit kong huwag masyadong mag-isip.
"Anong lugar po ba ito? Tsaka sino ba kayo? Anong ginagawa namin dito?"sunod-sunod na tanong ko sa kanya
Sa pangalawang pagkakataon, hindi naman niya ako sinagot, bagkus dire-diretso lang ito sa paglalakad. Ilang hakbang na lamang kasi ay malapit na kami sa pawid na bahay.
"Mamaya ninyo malalaman, kung anong misyon ang gagawin ninyo," bulong nito kaya nagpintig nanaman ang tenga ko.
"Misyon? Hello.Hindi po kami superhero lolo, at lalong wala kaming super powers para sa misyon na yan,"sarkasitiko kong sabi.
Bigla namang tumigil ang matanda sa paglalakad tsaka humarap ito sa amin."Kung hindi kapa titigil jan, mapipilitan akong gawin kang puno, o kaya isa sa mga insektong nakikita mo sa paligid,"pagbabanta niya.
Bigla naman akong tumigil sa pag hinga ng sabihin niya iyon.Bukod kasi sa nakakatakot ito, ang baho rin ng hininga ni lolo.
Nagpatuloy naman ito Habang si Adam naman ay sinundan ang matanda sa paglalakad dala ang nakakap. Binigyan ko rin ito ng signal na sumasakit ang pwet, kaya ang ending siya ang nainis sa akin.
Nang makapasok na kami sa luma at magulong bahay, binuksan naman ng matanda ang kanyang gasera, na nakasabit sa bubong, tsaka hinarap kami.
"Matagal na kayong hinihintay ng Avalon."