"Avalon?" sabay namin tanong ni Adam sa kanya.
Umupo naman ito sa kanyang sirang upuan tsaka humarap sa aming pwesto.
"Ang lugar na ito ang tinatawag na Avalon." Ngumiti ito ng nakakakilabot.
Habang nililibot ni Adam ang buong bahay, hindi ko naman mapigilan ang aking kuryosidad na tanungin siya kung anong ginagawa namin dito at kung anong klaseng mga insekto at halaman ang mga nasaksihan namin kanina. Pati na rin ang puno na muntik nang sakmalin si Adam..
"Masasagot ko ang lahat ng iyan, bukas.Siguro ay kailangan ninyo munang magpahinga," sagot niya kahit hindi pa naman bumubuka ang bibig ko.
Hindi na ako nakapag-tanong pa dahil nabasa nanaman ng matanda ang nasa isip ko. Wala na akong nagawa kundi ang tignan na lamang siya papalayo, papunta sa kanyang silid.Sumabay naman sa kanya ang alaga nitong ibon, at ng winasiwas nito ang kanyang kamay ay bumalik ito sa dating anyo.
Kumalam naman bigla ang tiyan ko nang makita ko ang isang basket ng prutas sa lamesa. Tinignan ko lamang ang likuran ng matanda at tumango ito. Mayroon din palang advantage ang pagiging psycho ng isang tao. Hindi kana magsasayang ng laway kakasalita.
"Adam, tara kain tayo," pag-anyaya ko sa kanya, ngunit busy itong tumitingin sa mga antigong pigura na nakapatong sa lumang kahoy na pinag dikit dikit upang maging divider.
"Ate oh!" galak na sabi nito, tsaka lumapit sa akin dala ang isang ginto na display doon. Isang dangkal ang sukat ng imahe ng lalaki na may hawak na espada,habang ito ay nakatusok sa bato. Mayroon itong pangalan sa ibaba ng kanyang bahag ngunit ang hirap basahin dahil napaka-liit.
Kaakit-akit ang isang ito dahil kung titignan ay purong ginto ang ginamit sa paglikha ng maliit na pigura.
"King Art-" basa ko nguhit ko talaga maintindihan.
"King Arthur ate,"pag dugtong ni Adam. Tinignan ko naman ito ng mabuti at tama nga siya
Pinapabalik ko naman ito sa kanya iyon dahil baka mahuli nanaman kami ng matanda at masigawan nanaman kami.
Habang kumakain, hindi ko maiwasang isipin kung nasaan kami ngayon.
"Ate, ang weird nung lolo no? Parang siya lang yung napapanuod ko sa movie noon na kunwari ililigtas yung mga nawawalang tao sa gubat tapos papupuntahin sa bahay at papakainin, tapos iaalay pala sila," saad nito habang tinitignan akong sarap na sarap kumain ng dilaw na mansanas.
Tinignan ko naman siya ng masama tsaka biglang humalakhak. Bigla naman akong kinilabutan dahil sa kinukwento nito. Malay ko ba na totoo yun? Baka nag-didisguise lang 'yon na kunwari mabait. Na kunwari kilala kami pero ang totoo iaalay pala kami sa mga demonyo.
"Pero ate, naisip mo ba iyon? Alam niya ang pangalan natin.Tsaka dati pa raw niya tayo binabantayan, naniniwala ka doon?"
Sa totoo lang may parte sa akin na naniniwala ako, pero may parte rin sa akin na hindi. Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa amin ngayon.
"Hindi ko alam Adam. Pero natatandaan mo yung kinukwento sa atin dati ni Daddy?"
Naalala ko na may kinukwento sa amin dati si daddy bago kami matulog. Tungkol ito sa hari na daan taon ng pinapangalagaan ang kanyang lugar dahil pinipilit itong sakupin ng kanyan kalaban na Three Headed Serpent. Medyo tragic ang story na iyon dahil maraming namatay na mahal nila sa buhay para mailigtas lang ang isla.
Habang nag iisip, dinukot ko naman ang basket na kanina ay punong puno ng ibat-ibang uri ng prutas,ngunit nang kinakapa ko na ito halos wala ng laman ang basket.
Tinignan ko naman ng matalim si Adam na sarap na sarap nginunguya ang pang huling saging.
Inaya ko naman si Adam pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa binigay na kwarto sa amin ng matanda.
Malapit lang ito sa sala, kaya ilang hakbang lamang ay narito na kami sa tapat ng lumang pinto.
Nang makapasok na kami sa silid, nagulat na lamang kami sa aming nadatnan.
Para kaming nakatira sa isang imaginary world. Halos lahat ng napapanuod namin noon ay nahahawakan na namin at mahihigaan na ngayon. Sa loob ng silid,naroon ang medyo malaki at lumang gasera na nagsisilbing ilaw sa buong paligid, mayroon din itong dalawang higaan. Kulay puti ang takip nito at pag kinapa mo ang ilalim ay hindi kama ang iyong makikita. Patong-patong na diami ang narito, gayundin ang unan namin na tinakpan ng puting tela. May lumang lampshade na halatang hindi na gumagana at nakapatong sa maliit na lamesang humahati sa aming higaan.Sa bandang kaliwa naman, mayroon din isang divider at nasa taas nito ang malaki-laking vase na kulay itim at binurdahan ng espada gamit ang kulay ng ginto.
Ang bubong nito ay mga pinagtagpi-tagping malalaking kahoy, at napapalibutan ng mga halamang ligaw na siyang bumabalot sa kahoy na nagsisilbing silong ng kwarto.
"Ate ang astig!" Higa ni Adam sa kanyang napiling kama sa kanan.
Kahit ngayon ay namamangha pa rin ako sa nangyayari sa amin. Halos hindi ako makapaniwala na nakatakas na kami sa kamay ni Nathan.
Pinutahan ko naman ang natitirang higaan na katabi ng divider tsaka sinalat salat ang nasa ilalim.
"Ate, masaya sana kung andito si Mommy no?"Tingin sa akin ni Adam habang nakasalong-baba.
Bigla naman akong humarap sa kanya at kitang-kita sa mata nito ang pagkamiss kay mommy, na halos hindi namin alam kung saan dinala ang katawan nito.
"Magpahinga na tayo, Adam,"pag-iiba ko ng usapan. Saka ako nahiga at tumalikod sa kanya.
---
Bigla na lamang akong nagising sa kailaliman ng gabi, rinig ang nakakarinding ingay na nanggagaling sa labas. Ang boses nito na parang batang gutom na gutom sa kalinga ng nanay. Ilang segundo pagkagising ko ay nagising din sa ingay si Adam.
"Ate, anong ingay 'yon?" tanong nito habang papungay-pungay pa ang mata.
Bigla naman akong tumayo mula sa pagkakahiga, tsaka ako naglakad papunta sa sala. Sinundan naman ako ni Adam, at mukhang gusto rin nitong tignan kung ano ang nasa labas.
Nang makarating na kami sa sala, nagulat na lamang kami nang maabutan namin na nakaupo doon si lolo, at animo'y mayroon itong kinakayas. Pinag sawalang-bahala na lamang namin ito, at nang bubuksan na namin ang pinto ay bigla siyang nagsalita na kinagulat naming pareho ni Adam.
"Huwag kayong lalabas, mapanganib ang mga Drekavac sa kailaliman ng gabi,"tugon niya na hindi manlang bumabaling ang tingin sa amin.
"Drekavac?" usyosong tanong ni Adam.
"Sila ang mga sanggol sa Avalon na kumakain ng tao.Ang ingay na nililikha nila ang nakakapukaw ng atensyon sa mga tao upang lumabas ang mga ito, tsaka sila sasalakay. Hindi basta basta ang mga Drekavac."
Anong klaseng halimaw ang mga drekavac? Bakit hinahayaan sila ng kanilang nanay na kumain ng tao? Gulong-gulo na ako sa mga nangyari, pero minabuti ko nalang na makinig.
"Simula nang nadiskubre ni Archaleis ang isla ng Avalon, nagkaroon ito ng inggit kay haring Arthur dahil napaka masagana ng buhay dito, kabaliktaran kung saan ito namumuno. Gumawa ito ng paraan para lasunin ang isip ng hari at para ito ay umalis sa isla. Nagtagumpay naman ito sa kanyang balak, at simula noon ay siya na ang namumuno rito.
"Karamihan ng mga tao sa Avalon ay ginawa niyang mga insekto, halaman o di kaya ay puno.Ang magandang isla ay pinalitan ng nakakatakot at madilim na kagubatan. Ang mga sanggol ay ginawa niyang mga demonyo, habang ang mga tao sa bayan ng Avalon, ay pinanatili niyang tao, ngunit ang kapalit ay magkakaroon sila ng hindi maipaliwanag na anyo," paliwanag ni lolo.
"Pero bakit po andito pa rin kayo? At bakit hindi man lang kayo naapektuhan.Nasaan na si Archaleis?" sunod-sunod na tanong ni Adam sa kanya.
Itinigil naman nito ang kanyang ginagawa at humarap sa amin."Daan libong taon na ako naninirahan dito, at katulad ni king Arthur, isa rin ako sa mga nangangalaga ng isla.At si Archaleis, hindi na namin ito makita simula nang napatay ni haring Arthur ang asawa niya. Kaya ang magandang isla ay nanatili sa ganitong wangis."
"May anak po ba si King Arthur?" tanong sa kanya. Tumango lamang ito bitbit ang kanina pa niya kinakayas na kahoy, tsaka ito lumabas. Sinundan naman namin ang matanda, at itinulos nito ang limang piraso na tatlong dangkal ng kahoy sa harapan ng bahay, tsaka nito sinindihan na parang kandila.
Kataka-taka namang biglang tumigil ang kanina pa maingay at masakit sa tenga na mga Drekavac.
"Ano po ang ginawa ninyo?" tanong ni Adam habang usyoso nitong tinitignan ang matanda.
"Kinausap ko lang sila na huwag silang magpupunta rito dahil pupugutan ko sila ng ulo.Mukhang naamoy kasi nila ang mga dugo ninyo kaya sumugod sila bigla rito," aniya.
"Eh para saan naman po yung kahoy na kinakayas ninyo kanina?" takang tanong ko.
"Wala. Sinubukan ko lang itong gamit na binili ko kanina sa bayan. K-kung talagang gumagana." Ngiti niya sa amin ng nakakaloko.
Sabay naman kaming napasapok sa noo ni Adam.Grabe! Kung kasing edad ko lang siguro 'tong si lolo kanina ko pa 'to nasapok.
"Hindi mo ako kasing tanda Silva, kaya tumuloy na kayo sa inyong pagtulog,"sagot nito sabay lakad papunta sa loob ng bahay.
"Lolo,teka nga po," medyo napalakas ang boses ko rito kaya muli itong napalingon sa akin.
"Ako si Moss.Magandang gabi,"tugon nito ng may nakakalokong ngiti na bumabahid sa mga labi niya.
Medyo nainis naman ako sa kanya dahil palagi na lamang nitong binabasa ang nasa isip ko.
Napa dabog na lamang akong pumasok sa kwarto para matulog na ulit.