Nakakapanibago talaga rito sa Avalon.Dati lang ay sinag ng araw ang mismong sumisilaw sa mga mata ko para ako ay magising.Ngayon...mga insekto na. Napamulagat na lamang ako ng may makapa ako sa mukha ko na maliit at kulay dilaw na tipaklong.Hindi lang ito ordinaryong tipaklong, isa raw itong tao. Ngumingiti ito sakin, tsaka minulat ang malaking mata. Tinignan ko naman si Adam na mahimbing pa rin natutulog. Natawa na lamang ako sa aking nakita dahil ang dalawang tipaklong na kulay dilaw ay pumapasok sa ilong ni Adam.Siguro kanina pa ng mga ito ginigising si Adam kaya ganito na lamang sila kakukulit. "Adam." Pagtapik ko nito sa balikat niya. Mabilis kasing magising si Adam sa ganitong paraan. "Uhm?" "Gumising na, may gagawin pa tayo."Yugyog ko rito. Pagkaupo nito ay saka naman ang la

