Habang naglalakad kami palabas ng karinderya hawak ang mga tyan namin, nakakita naman kami ng panibagong kainan sa labas, mukhang mga streetfoods naman ang binibenta nila, kaya tumingin ng nakakaloko si Adam. "Kakakain lang natin Adam," sagot ko na dimanlang bumaling ang tingin. "Ate,si Ruru lang nakakain ng dissert, pano naman ako?"Sabay tingin ng nakakaloko sa akin. Kahit kailan talaga hindi ako nanalo pagka nagsimula ng magmukhang-aso ang kapatid kong si Adam. Hinihintay ko namang matapos si Adam kanyang tinutusok na kung ano man iyon. Napansin siguro ako ng tindera na sing-haba ng kanyang kuko ang kanyang braso na tingin ako nang tingin sa paninda niya. Tumingin ito ng masama sa akin, kaya napalunok na lamang ako. Nang malampasan na namin ang palengke, kinuha ko naman agad sa bul

