"Naalala ba Silva iyong alaga mong aso noon?" pag-uumpisa niya. Tumango naman ako habang inaalala ang pinaka paborito kong aso. "Oho, si Edi.Hindi ko na nga po alam kung nasaan na iyon. Una nawala si Edi, pangalawa si daddy naman," malungkot na pahayag ko. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ako iyon?" Pag ngiti nito. Bigla naman nanlaki ang mata ko sa sinabi ni lolo. Hindi maari! Halos hanggang paglaki ko ay siya na ang kasama ko. Pati pagligo ay kasabay ko ang aso na 'yon.Napatingin naman ako bigla kay lolo, na kasalukuyan sigurong binabasa ang nasa isip ko. "Kung ano man 'yang iniisip mo Silva, nagkakamali ka.Magaling, disiplinado, mabait at mapag mahal ang inyong ama na si haring Arthur. Sa daan libong taon na pamamalagi niya dito, halos lahat ng tao sa Avalon ay kasundo niya.

