Kasalukuyan kami ngayong pauwi na sa bahay at si lolo Moss ay nag mumuni-muni pa rin at wala sa sarili. "Adam, sigurado ka bang hindi hinampas,pinitik o winasiwas kanina ni lolo 'yung kamay niya? Baka hindi matuloy 'yang binabalak natin ha?" nag aalangang bulong ni Ate. "Hindi ate, parang wala nga siya sa sarili kanina e," pangungumbinsi ko naman sa kanya. Pagkauwi namin sa bahay, kaagad naman kaming pumasok sa aming kwarto, para paghandaan ang plano namin mamaya para kay lolo.Kinuha ko naman ang madalas na dalang basket ni kuya Marcus, at nilagyan namin ito ng mga prutas na galing din sa mesa. Napapansin kasi namin kay lolo na kahit pati pagkain nito ay kaunti lamang ang kanyang nagagalaw, ni hindi na rin ito kumakain mga prutas na nakagawian niya pagkatapos naming kumain. Kinuha nam

