"Galing ako sa pagpupulong kahapon," panimula niya tsaka umupo sa kanyang tumba-tumbang upuan. Nilahad naman niya ang kanyang kamay para sabihing umupo ako sa tabi niya. "Nasabi ko sa kanila,dumating na kayo at masaya sila. Sinabi ko rin sinasanay ko na kayo para sa nalalapit na digmaan ng Avalon," pagpapatuloy nito. "Sino po 'yung matandang kausap ninyo kanina? Bakit parang nag-aaway kayo?" tanong ko naman sa kanya habang ginagalaw-galaw ang kanyang upuan. "Isa siya sa pinaka mataas na pinuno rito sa Avalon. Kahapon, napag usapan namin ang nalalapit na pagbabalik ni Archaleis, kaya minamadali na nila kayong magsanay. Pinipilit nila na kaya niyo ng sumabak sa gyera, kahit na sinabi kong kakasimula pa lamang natin. Pumunta siya rito para sunduin kayo, at dalhin sa kanyang lugar." Ling

